WITID 10


Dear Diary,

Dumating na nga ang kinatatakutan ko. Nalimutan ko ang pangalan ni Jenny kanina habang nag-uusap kami ni Tiya Esther.

Labis ang kaba ko no'n dahil alam kong matalino si Tiya at may nahahalata na siya.

Natatakot akong malaman niyang mayroon na ngang mali sa akin at baka magsakriprisyo na naman siya para sa aming dalawa.

Natatakot ako dahik baka dumating sa punto na pati siya ay maubos na para lang sa akin. Hindi ko na kayang maging ganoon pa ang buhay ni Tiya Esther. Tama na na siya ang bumuhay at kumupkop sa akin matapos na mamatay ng aking nanay.

Alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit hindi na nakapag-asawa pa si Tiya Esther. Dahil sa resposibilidad na hindi naman sa kaniya ay nawala ang pag-asa niyang makahanap ng taong makakasama niya hanggang sa pagtanda.

Dalawang taon na lang ay magtatapos na sa trenta si Tiya Esther. Alam kong posibleng makahanap pa siya ng mapapangasawa pero baka hindi na niya piliin pa dahil baka natatakot din siya sa posibleng maging buhay niya.

Ang alam ko lang na kuwento noon ni Tiya ay nagkaroon siya ng aksidente nang dahil sa pagbibisikleta. Naging maayos naman ang buong katawan niya matapos ang pagpapagamot na umabot din ng halos dalawang taon. Hindi niya nga lang nabanggit sa akin kung nagkaroon pa ba siya ng ibang problema.

Tsismosang pamangkin ni Tiya Esther,
Joy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top