WITID 08


Dear Diary,

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Tiya Esther na bumagsak ako sa halos lahat ng subjects ko. Pati na rin sa subject na paborito ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

Alam kong nag-aral akong maigi! Ginawa ko lang naman lahat ng nakasanayan ko, nagsusulat habang nagdidiscuss ang guro at saka magrereview! Ganito lang din ang ginagawa ko noon at pumapasa ako! Ako pa nga minsan ang nakakakuha ng pinakamataas na score. Hindi ko alam kung nangyayari. Kung bakit naging ganito?

Gusto kong kalmahin muna ang sarili ko. Last grading lang naman ito. Ayos naman ang mga grado ko noong una kaya tingin ko ay ayos pa rin. Nahila nga lang ng kaunti nang results ng last grading.

Alam kong mababawi ko ito sa susunod na pasukan. Siguro ay nahirapan lang talaga sa huling buwan namin ng pag-aaral.

Nag-aaral ng mabuti pero bumagsak,
Joy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top