WITID 07
Dear Diary,
Sa ilang araw na lumipas na naging mga linggo ay gusto ko na lang umiyak. Hindi dahil sa ka-engotan ko the last time kundi dahil sa madalas na pagsakit ng ulo ko.
Nagiging mainit na rin ang ulo ko at madalas ay hindi abnormal ang temperature. May mga oras o araw na bigla na lang akong nagkakalagnat pero nawawala rin naman agad. Sinabi ko ito noong una kay Tiya at sinabihan niya akong malapit na siyang makaipon para sa nais niyang regular check up na gagawin ko. Sinabihan ko naman siyang gamitin na lang ang ipon niya para sa mga gastusin namin sa bahay dahil baka dahil lang sa abnormal na panahon kung bakit ako nagkakaganito.
Lagi akong umiinom ng tubig kaya panatag akong magiging maayos din ako pero alam kong mayroong kakaiba sa akin. Mayroong hindi tama at natatakot akong malaman na tama ang hinala ko. After one year ay nagkaroon na ako. Pero heto at isa o dalawang buwan na naman ang lumipas na wala na naman akong dalaw.
Pero baka nagkataon lang naman. Ang mahalaga ay buhay pa rin ako at kaya pang sabunutan si Jenny kapag naging naging marupok na naman sa jowa niyang mukhang lamok.
Umaasang ayos lang ang lahat,
Joy Miracle
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top