WITID 06
Dear Diary,
Naiiyak ako!
Tinanong niya ako kung puwede niya ba akong ligawan!
Yung crush ko OMG! Hindi lang ako crinush back, gusto pa akong ligawan!
Pero ang baliw ko talaga kanina! Dapat sinabi ko na lang na oo! Kaso iba kasi ang nasabi ko, eh!
Sinabi ko ba naman na itatanong ko muna kay Tiya!
Paano na?!
Paano kung biglang ayaw niya na sa akin?
Paano kung hindi na niya ako ligawan?
Paano kung hindi niya na rin ako kausapin kahit kailan?!
Dapat talaga sinabi ko na agad na oo!
Aggrrgh, self! Sabi ko 'wag marupok! Pero please 'wag ka rin namang maging engot!
Sayang 'yong chance!
Paano kung yung karibal ko na ang piliin niya? Oh my gosh! No!
Dearrryyyy ang engot ko talaga! Sana may kamay ka para sampalin mo na lang ako!
Pinaka-engot por today's bidyo,
Joy-engot
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top