WITID 04

April 16

Dear Diary,

Ang saya ko dahil sixteen years old na ako sa araw na ito!

Tapos sobrang saya ko pa kasi hinandaan ako ni Tiya Esther ng pansit at biko! Mayroon pa siyang ibinigay na maliit na cake at saka isang magandang bistida!

Sa sobrang nagandahan ako sa bistida ay itinago ko muna sa ilalim ng aparador ko dahil plano kong suotin iyon sa eighteenth birthday ko.

Dumagdag pa sa kasiyahan ko nag pagbisita ni Anton para batiin ako ng maligayang kaarawan. Binigyan niya pa ako ng simpleng palamuti para sa aking palapulsuhan.

Sobrang kinilig ako kanina pero siyempre pinigilan ko namang ipakita 'yon kay Anton sa iba pa naming kaibigan na naroon pati na rin kay Tiya Esther. Baka bigla na lang akong pag-asawahin ni Tiya kung sakali hahaha!

Ah basta sobrang saya ko sa araw na ito. At sana ay manatili na lang ganito.


Certified dalaga na,
Joy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top