WITID 02
Dear Diary,
Siyam na buwan na akong walang regla at medyo kinakabahan na talaga ako dahil naiisip kong baka mayroon na akong sakit.
Kaya kinapalan ko na ang mukha kong magtanong sa kaibigan kong si Jenny. Mabuti na lang at mayroon siyang data na pang-search kaya nakapagtingin kami sa google.
Sinasabi roon na normal pa naman daw ang maging irregular ang menstruation period sa mahabang panahon lalo pa kung nasa edad fourteen to seventeen. Naibsan ang kaba ko pero hindi ako tumigil sa nalaman ko lang. Nagtingin ako ng mga pupuwedeng gawin o kainin.
Nabasa ko na makatutulong daw ang pagkain ng mga gulay na may berdeng dahon katulad ng malunggay, talbos ng kamoteng baging at iba pa. Kaya nang tanghalian namin kanina ay ako ang nagluto ng ulam namin.
Imbes na masiyahan sa akin si Tiya Esther ay napagsabihan pa niya ako. Papatayin ko raw ba siya sa alat? Ewan ko ba sa kaniya. Sakto lang naman ang timpla ko, hindi ko alam kung bakit sinasabi niyang maalat daw.
Medyo maalat siguro pero hindi naman sobra. Medyo lang, at least naparami kami ng inom ng tubig kanina.
Your chef por today's bidyo,
Joy Miracle Olanda
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top