WITID 01
Dear Diary,
Hindi talaga ako mahilig magsulat dahil maliban sa panget ang sulat kamay ko ay nakakatamad din.
Pero ngayon... heto ako at inuubos ang ilang minuto para lang magsulat sa papel na 'to.
Ang hirap kasi, eh. Sobrang hirap. Sobrang hirap magshare sa ibang tao ng naiisip, nararamdaman o maging nang nangyayari sa'yo kasi alam mong huhusgahan ka nila kaagad.
I was not having my regular menstruation for the passed months. It's actually seventh month now.
Nakakahiyang sabihin sa ibang tao kasi baka pagtawanan ako o kaya ay asarin. Kaya naisipan kong isulat na lang sa notebook na 'to para kahit papaano ay gumaan ng kaonti ang pakiramdam ko at ang agam-agam ko.
Hindi naman talaga ako sana kakabahan o magkakaroon ng agam-agam kung hindi lang dahil sa mga naririnig kong usapan ng mga kapwa ko kabataan.
Sinasabi kasi nila na posibleng may sakit ang isang babae kung irregular ang menstruation period niya o kaya ay mayroong mga bagay na nakakaapekto katulad ng stress at kulang sa masustansiyang pagkain at pag-eehersisyo.
Sinasabi rin nila na baka raw buntis. Eh, sigurado naman akong hindi ako buntis dahil maliban sa bata pa ako ay wala pa naman akong boyfriend.
Sa edad kong kinse, lagi akong pinapaalalahanan ni Tiya Esther sa mga iba't ibang bagay katulad ng pagpapangaral niya sa pagkakaroon ng nobyo at iba pa.
Panget ang sulat kamay,
Joy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top