What if tomorrow, I die?
Joy Miracle Olanda
Life is short so make it shorter. Joke!
Life is short so make it meaningful and fruitful. Hindi natin alam kung hanggang kailan kasi natin magagamit itong hiram nating buhay.
Pero bilang isang tao lang din ako at mabilis matukso sa along dala ng buhay, madalas akong matangay ng mga problema palayo sa Diyos at sa kaharian niya.
Kaya siguro... masasabi kong marapat lang sa akin ang parusang ito-na magkaroon ng sakit at malimitahan ang araw ko upang gawin itong makabuluhan.
Sa panahon kasi ngayon, kung hindi mo pa malalaman na matatapos na ang mga araw mo rito sa lupa ay hindi mo pa ito pahahalagahan.
Ngayon na alam ko na at dama ko nang malapit na ako, tingin ko ay ito na rin ang tamang panahon para gawing mas makabuluhan ang buhay na hiram ko lang sa Diyos.
Gustong-gusto kong gawing makabuluhan ang buhay ko para maging karapatdapat ako sa harap ng Diyos ngunit hindi ko batid kung saan ako magsisimula... kung anong gagawin ko para makabalik ako...paano ko siya tatawagin para humingi ng tulong gayong ako'y nahihiyang kausapin siya.
Alam kong makailang beses ko nang hiniling noon na sana hindi nalang ako ipinanganak ngunit nagsisisi na ako. Marami pa pala akong gagawin, hindi ko pa nagagawa ang misyon ko...hindi pa ako karapatdapat na tawaging anak ng Diyos.
Gusto ko pang makilala ang papa ko...gusto ko pang maranasan ang yakap ng isang amang nangungulila rin sa yakap ng anak. Ang dami ko pang gustong gawin at sabihin...sapat na ba ang limang taon para magawa ko iyon lahat?
Alam kong una palang ay hindi madali ang mangyayari... dahil habang pilit kong inaabot at nais na mahawakan ang kamay ng Diyos ay mayroong tila tanikala na nasa leeg, mga kamay at papa ko na siyang pumipigil sa akin.
Nais kong kumawala ngunit hindi ko kayang palayain ang galit at sakit na nasa puso ko na tiyak kong kahit na lumipas pa ang isang daang taon ay hinding-hindi ko malilimutan.
Bakit iniwan kami ni papa? Hindi niya ba mahal si mama? Hindi niya ba ako mahal? O baka naman ayaw niya lang sa amin kasi mayroon siyang ibang pamilya? Kahit alinman sa mga iyan ang dahilan ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkasuklam sa kaniya. Ang sobrang makasarili niya! Hindi niya man lang naisip kung anong maaaring mangyari sa buhay ko-namin!
Bakit mo pa kasi kami binigyan ng buhay? Para ano? Para mamatay lang din? Bakit, ha? Bakit mo pa kami binigyan ng buhay kung babawiin mo rin lang naman? Bakit sa dami ng gustong mabuhay, bakit ako pa?
At ngayon nagdududa nalang talaga ako kung totoo ka. Questioning your existence means I am doubting you. And yes! I am doubting if you are really true! Kung Diyos ka at mahal mo kami bakit pinahihirapan mo kami?! Bakit hindi mo nalang kami gawing masaya palagi para hindi na namin maramdaman 'yong ganitong sakit na parang anytime ay papatayin na kami?
You purely and unconditionally love us but is it enough to make us all stay?
I am ranging mad, I am currently hurting, I am selfish, I am not worthy and I am a living sinner...is this the price I have to pay? Is this the reason why you're making my life shorter?
A lot of questions were running inside my head...everyday...and as that everyday came...parami nang parami ang mga tumatakbo sa isip ko. I also can't stop thinking, what if... tomorrow, I die?
Date started: February 28, 2022
Date finished: *******
What if, tomorrow, I die? written by Magunthengtsismosa
A/N: On this version, Joy Miracle Olanda is dead(walang paligoy-ligoy) she is really dead here while her soul is busy wondering around the world.
DISCLAIMER ⚠️
Characters' name, events and organizations that will be mentioned in this story doesn't reflect in anything that exist.
Names, events and organizations in this story is just purely a product of the author's imagination.
Note: if you are too sensitive with the topic, you can freely disregard my story but if you want to proceed, I'll gladly appreciate it. Thank you!
@All rights reserved 2022
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top