Prologue

Ako si Sherlyn Ferrer.

20 years old, isang college student, hindi matalino pero hindi din naman bobo,NBSB, masayahin, palakaibigan.

Maraming nagsasabi, swerte daw ang magiging asawa ko, kung magkaka meron nga..

Sa college life ko, masasabi kong mas masaya pa noong highschool life.

Palagi akong naka ngiti, maririnig mo ang malulutong kong tawa kahit na mula kabilang kwarto ang ating distansya. Madami din akong naging kalokohan sa buhay.

One of the boys ako. Nariyang nakiki tulog ako sa bahay ng mga kabarkada kong lalaki. Pero syempre pinipili ko naman kung sino yung mga mapapagkatiwalaan o hindi.

Sa dami na ng naging barkada kong lalaki, alam ko na halos lahat ng uri ang meron sila.

May mayabang, may manyakis, mabait, hindi maka basag-pinggan, makulit, burara, malinis, maarte, sweet, parumbado.

Lahat!

Halos lahat na ng ugali ng lalaki akala ko..

alam ko na..

Hanggang sa dumating sya..

Ang lalaking padaming gusto sa buhay.

Araw-araw iba't-ibang pagkatao ang ipinapakita nya sa akin. Napaka random ng pag-iisip nya.

Naging interesado ako sa pagkatao nya. Hanggang sa kinaibigan ko sya.

Hanggang sa tumagal pagkakaibigan namin.

Kaso, ang problema..

Minahal ko na sya, pero may gusto na pala syang iba.

What if..

Ipinag laban ko ang damdaming ito na meron ako, maski hindi ako sigurado sa kahihinatnan nito?

Ako si Sherlyn.

At ito,

Ang aking kwento.

-------

AN: based on true story to guys. Isang kakilala ko kasi ang nag alok sakin na gawan ko ng kwento ang kanyang naging experience. Nagulat na lang ako. Isa kasing malaking responsibilidad ang gumawa ng isang story na base sa totoong karanasan. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya kasi pinagkatiwalaan nya ako. Hindi ko na lang sya papangalanan, tanda ng respeto sa kagustuhan nyang itago ko ang kanyang identity.

Hindi nya ito ishi-nare sa akin dahil lang sa wala o dahil gusto nyang sumikat ang naging karanasan nya. This story of her will serve as a lesson to all, specially to the girls (Sa mga pina asa).

Sana magustuhan mo ito, ikaw na lumapit sa akin at ikinwento ang masakit mong experience. Salamat sa tiwala. :)

Sana magustuhan nyo guys. Thanks sa mga magbabasa :)

PS: first time kong maging serious ngayon. Tatanggalin muna ni Mr. P kalokohan nya sa utak at mag p-focus sa story na ito. Maikli lang ito mga kaibigan.

Yun lang at maraming salamat.

Mr. P

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top