Nagsimula sa Kantyaw
Naniniwala ka bang walang pagtitinginang hindi nabubuo sa simula, hanggat walang kantyaw ng mga kaibigan mong walanghiya?
------------------
"Ugh! Shit!" Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maramdaman ko ang pagguhit ng hapdi sa aking daliri.
Bakit ngayon pa? Kung kelan nag d-demo na ako sa report ko.
Nahiwa kasi ako ng kutsilyo habang nag d-demo ng fruit carving sa unahan.
"Hala! Sherlyn! Anyare sa'yo?" Gulat na paghihisterya ng isa kong kaklaseng naka upo sa unahang silya, malapit kung saan ako nag d-demo.
Nanlalaki pa ang mata nito habang naka titig sa daliri kong nagdudugo.
Ano sa tingin mo? Malamang nahiwa!
"Ma'am! Nahiwa po si Sherlyn!" Sigaw pa ng isa kong kaklase. Hanggang sa kumalat na ang aksidente sa aking daliri at pinagpyestahan na ako sa unahan.
Labas ang mga chismoso at chismosa.
Tsk!
Muntikan pa akong mapa tawa nang hanggang sa lababo ay nagsi sunuran sila, pati na din yung mga barkada ko.
"Ayan kasi! Pati kamay hinihiwa!"
"Hindi kasali sa kina-carv yan, girl"
"Nako ang sakit nyan! Kasi naman eh"
"Yung isa namang daliri para pantay"
Ayan ang mga naririnig ko mula sa aking mga kabarkada.
Napa ngiwi ako nang itapat ko sa gripo ang aking sugat. Medyo malalim kasi at ang hapdi.
Hindi ito natigil sa pag dugo.
"Ayaw tumigil sa pag dugo" ani ko sa mga barkada kong mga nanghahaba ang leeg sa pagsulyap sa aking sugat.
"Pisilin mo pa" natatawang sabi ni Melvin, ang barkada kong silahis.
"Gaga" inirapan ko ito at muli akong humarap sa lababo.
"Eh di wag mo.. Bahala kang maubusan ng dugo" pagtataray nito at iniwan ako sa lababo.
Bakla talaga.
Muli kong hinugasan ang aking sugat.
Maya-maya lang ay nagulat ako nang mula sa aking likuran ay may naramdaman akong parang dumagaan sa akin. Nanlaki ang aking mata. At paglingon ko ay bumungad sa akin ang kanyang seryosong muka.
Hindi ako naka galaw sa aking pwesto. Sobrang lapit nya sa akin. Kung hindi lang sya matangkad sa akin, malamang ay nagdampi na ang aming mga labi.
Natulala na lang ako nang hawakan nya ang aking kamay na may sugat at dahan-dahan itong inangat.
"Itaas mo, tropa para humina ang pagdudugo. Yung mas mataas dapat sa puso"
Ilang segundo din akong napa tulala sa kanyang ginawa bago ako nahulasan at nagmamadaling binawi ang aking kamay sa kanyang pagkaka hawak.
Hinarap ko ito at nginitian.
"Ok. Lang ito, Jhay.. Malayo 'to sa bituka"
"Anong ok?" Muli nitong hinawakan ang aking kamay at itinaas lagpas sa aking ulo.
Anak ng...
"Parang sinabi mo na ding nahinga ang tao maski walang hangin. Wag nga ako, tropa" seryoso nitong sabi.
Bakit kahit seryoso to napaka gwapo parin nito. Unfair.
Ayan ka nanaman Sherlyn! Enough na!
"Eh kasi!" Muli kong tinangka na bawiin ang aking kamay ngunit hindi sya bumitaw.
"Eh kasi ano?"
"Para kaya akong tanga dito na naka taas ang kamay!"
"Parehas lang tayo na naka taas ang kamay dito kaya ok lang yan" at ang seryosong mukha nito kanina ay unti-unting napalitan ng matamis na ngiti.
Naka titig ito sa akin habang naka ngisi.
Nag init bigla ang aking pisngi at agad na nag iwas ng tingin sa kanya.
Kinginang gago 'to ah! Nagpapa cute ba sya oh ano!
"Ayiiee! Jhay hah! Ano yan! Simpleng the moves sa aming kaibigan?! Hahaha"
Napa lingon ako bigla sa aking mga barkada nang marinig ko ang nanganantyaw na boses ni Melvin.
At parang gusto kong tumakbo nang mapansin kong halos lahat sila, maging ang mga kaklase ko at adviser namin ay naka tingin o mas tamang sabihin na nanonood sa aming dalawa ni Jhay.
Anak ng... Nakakahiya!
"Jhay! Ipag kuha mo naman ng band aid si tropa mo!" Isa pang kantyaw ng isa sa aking barkada.
"Saan ba ako pwedeng kumuha ng band aid Ma'am?"
Lalong nanlaki ang aking mata nang kinuha ni Jhay ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa at ibalot sa aking sugat.
"Hoy! Ano ba!" Nahihiya kong sabi at pilit na inaalis ang kanyang panyo sa aking kamay.
Lalong lumakas ang kantyaw ng aking mga kabarkada at maging ang mga kaklase ko ay nagtitilian na.
Ugh! Great! Center of attraction lang ang peg naming dalawa dito.
"Jhay, samahan mo si Sherlyn na humingi ng band aid sa clinic" naka ngiting utos ng aming adviser.
"Opo, Ma'am. Tara" tugon nito sa aming adviser bago ako marahang hinila paalis ng lababo.
"Kaya ko mag isa!" Pagmamatigas ko. Pilit ko pang hinihila ang aking kamay.
"Isa! Kakagatin kita" doon naman ako biglang natigilan at walang naging choice kundi ang magpa hila sa kanya palabas ng aming room.
Alam ko kasing tototohanin nito ang sinabi nito. Mahilig kasi syang mangagat. Lalo na sa balikat. At ayokong doon pa sya gumawa ng mas nakaka agaw eksena, sa harap ng aming mga kaklase.
"OK na tropa" naka ngiti nitong sabi matapos lagyan ng band aid ang aking sugat.
"Oh.. Bakit ganyan ka maka titig sa akin?" Tanong nito nang mapansing masama ang tingin ko sa kanya.
"Sabi ko naman kasi sayong kaya ko na eh. Daliri naman kasi nasugatan sa akin hindi paa, tropa"
"Your welcome, hah" natatawa nitong sabi. Amino eh hindi narinig ang aking pagtataray.
Inirapan ko na lang ito.
Muli kaming bumalik sa classroom. Tapos na kasi ang period sa aming major. At parang gusto kong manapak nang muling mangantyaw ang aking mga barkada nang makitang hawak parin ni Jhay ang aking kamay habang papasok kami ng pintuan.
Sila na lang kasi ang natitira sa classroom at maging ang aming adviser ay wala na din.
"Oy! Iba na yan hah. HHWW? Panindigan mo Jhay ang kalandian mo sa kaibigan namin" sigaw ni Melvin bago humagalpak ng tawa.
Narinig ko naman tumawa ng mahina si Jhay. Nilingon ko ito at nakita kong nailing ito habang naka ngiti.
Maya-maya ay tiningnan ako nito bago binitawan ang aking kamay.
"Wag ka nang masusugatan hah" naka ngiti nitong sabi bago ako kinindatan at naglakad pabalik sa kanyang upuan upang kunin ang kanyang bag.
Hsjdjdjs! Landi ah!
Dumaan pa sya sa aking harapan bitbit ang kanyang bag bago ngingiti-ngiting nilagpasan ako palabas ng room.
"Tangina! Ansabe ng kindat?!" Nagulat na lang ako nang maramdaman kong nasa likuran ko na pala ang aking mga barkada.
Inirapan ko si Melvin. Napaka lakas talaga ng boses ng silahis na ito
"Iba na yan Sherlyn hah.. Ngayon lang namin napansin na ang sweet pala sa'yo ni Jhay" naka ngising sambit ni Ate Joy sa akin, ang ate sa aming magbabarkada.
"Oo nga.. Kitang-kita ko pa nga nung hawak nya kamay mo. Parang kakaiba ah. Hindi mo masasabing concern lang talaga nararamdaman nya" ani naman ng seryosong si Rick.
Napa buntong hininga ako.
"Wag nga kayong ano dyan. Normal lang yun kay Jhay" naglakad ako palapit sa aking table at dinampot ang aking shoulder bag.
"Mabuti pa umuwi na tayo guys. Baka abutin pa tayo ng ulan" pag-iiba ko ng topic.
"Oo nga noh! Tara na! Bawal pa naman ako mabasa at dadami ako!" Tumatawang sabi ni Melvin havang dumudungaw sa bintana.
5:12pm na kasi at medyo nakulog at nakidlat na sa labas. Dagim na din ang langit.
"Mag tricycle na lang tayo mga kaibigan. Apat naman tayo kaya kasya tayo"
Suhestyon ni ate Joy nang maka labas kami ng gate ng school.
Sumang ayon naman kami sa sinabi nito at naghintay kami sa may paradahan ng mga tricycle.
Maya-maya pa ay bigla nang bumuhos ang malakas na ulan.
Kanya-kanya na tuloy kami ng pagbukas at pagsukob sa payong.
"Ay shiieet! Dadami na ako!" Hiyaw ni Melvin nang lalong lumakas ang ulan.
"T*ngina! Melvin! Ang ingay mo!" Natatawa kong sabi. Sya kasi ang kasukob ko sa payong.
"Uy! Diba si Jhay yun" ani Rick bago itinuro ang katapat na bilyaran sa kabilang kalsada.
Sabay-saby kaming napa lingon at nakita naming naka upo ito sa mahabang upuan na kahoy sa labas ng bilyaran habang naka tingala sa langit. Mukhang nagpapalipas ito ng ulan.
"Uy! Sherlyn. Isukob mo naman si tropa sa payong mo!" Simula nanaman ng kantyaw ni Melvin.
Inirapan ko ito sa kanyang sinabi.
"Oh sige. Pasusukubin ko sya tapos ikaw ang mababasa" pagsakay ko sa biro nito bago ko inilayo ang payong dito.
"Anla! Eto naman di mabiro. Wag naman!" Paghabol nito sa akin nang mabasa ito ng ulan.
"Ayan na ang tricycle!" Ani Rick bago pinara ang paparating na tricycle.
"Oh. Magpaalam ka na kay tropa. Kawawa naman oh. Naka silong lang sa bilyaran. Paiwan ka kaya muna dito" si Melvin nanaman.
"Shut up!" Ani ko nang maka upo ako sa loob ng tricycle.
"Teka tatawagin ko... Jhay!!!"
Nanlaki ang aking mata nang lumingon ito sa aming gawi at ngumiti.
"B-bye daw sabi ni tropa mo!!"
Ay takteng silahis 'to!
Nakita ko namang tumawa ito bago nag wave ng kamay. Naka tingin ito sa akin.
"Ayiiee!!" Kiniliti naman ako ni ate Joy sa tagiliran.
"Bye tropa!!" Lalo naman akong nanlaki ang mata nang makita ko itong tumayo sa kanyang kinauupuan at sumigaw mula sa kabilang kalsada.
At kasabay ng maingay na harurot ng sinasakyan naming tricycle ay ang ingay ng tili ni ate Joy at tawa ni Rick. Lalo na ang walang humpay na kantyaw ni Melvin.
Nakakaasar talaga ang mga ito. Pero kahit ganun, nakakapag takang nangingiti ako sa kantyaw nila.
Nagugustuhan ko ba?
Ugh! Ghad! Bakit nyo po kasi ako binigyan ng ganitong mga barkada?
----------------
ITUTULOY..
Mr. P
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top