I hate It

Since words alone can't express how you feel.. Your eyes will do the talking.

-------------------

Play the video :))

---------------

"Ui!.. May ka partner ka na?"

Napa iktad ako sa aking kinauupuan nang magulat ako sa pagsulpot ni Jhay sa aking gilid.

Abot tenga pa ang ngiti nito sa akin. Akala mo ay modelo ng toothpaste.

"May partner ka na?" Pag ulit nito sa kanyang tanong.

Napa iling na lang ako bilang sagot. Bakit ba lagi akong natatameme tuwing kaharap ko ang mokong na'to?

"Tayo na lang ang partner" anito bago iniabot sa'kin ang  isang one fourth na papel. Iwa-iwarang pa ang pagkaka-hati.

Napa lingon pa ako sa mga nagkaka gulo kong kaklase na busy sa paghahanap ng mga kapareho para sa ibinigay na project ng aming Prof. Bago nag aalinlangang tinanggap ang iniaabot nyang papel.

"Sulat mo na name natin, tropa!" Ngingisi-ngisi nyang sabi.

Tsk! Yung totoo, pinili nya ba akong ka partner para may taga sulat sya? Wow hah!

Matapos kong isulat ang aming pangalan sa ibinigay nyang papel, na iwarang ang hati, ay ako na din ang nagbigay sa aming Prof. ng papel. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Baka MAPAGOD pa. Tsk!

"Pin-ic-ture-an ko yung xerox copy, tropa. Send ko sa'yo sa fb yung picture" ang tinutukoy nito ay ang format ng gagawin naming project.

"Pwede namang eh Bluetooth ah.. Pasa mo na lang sa Bluetooth"

Natawa ito bigla. Napa simangot tuloy ako.

Anong nakaka tawa sa suhestyon ko??

"Hindi pwede sa Bluetooth, tropa. Madamot kasi si cellphone" natatawa nitong sabi bago ipinakita sa'kin ang kanyang cellphone.

Napa irap na lang ako bigla. Eh di sya na ang naka apple na may kagat. Tsk.

"Share it"

"Wala ako nun"

"Tapon mo na yang cellphone mo" pabiro kong sabi.

"Sige. Itatapon ko pero sasaluhin mo hah... Masakit kasi mahulog nang walang nasalo"

WTF! Ano daw??

"Ang drama mo"

"Bakit?" Muli itong tumawa.

"Masakit naman talaga mahulog pag walang nasalo ah. Ikaw, try mo. Pakahulog ka sa hagdan nang walang nasalo. Tapos sampalin mo ako pag hindi ka nasaktan"

"Ikaw na lang! Hindi ako tanga para magpaka hulog ng walang dahilan!" Pagsusungit ko.

Tinalikuran ko ito at aktong maglalakad na paalis nang muli itong magsalita.

"Wag ka mag-alala. Sasaluhin naman kita" pabulong nitong sabi. Pero narinig ko yun.

Natigilan ako at kunot noong nilingon ito.

At bigla nanaman kumabog ng malakas ang aking dibdib nang makita kong muli ang pamilyar na ekspresyon na yun ng kanyang mukha.

Seryoso ang itsura nito habang deretsong naka titig nanaman sa akin.

Ilang segundo kami na magka titigan bago ako unang nagbawi ng tingin.

Tanginang lalake 'to! Wirdo talaga.

"Problema mo??" Asar kong tanong nang hindi tumitingin sa kanya.

"Problema ko? May gusto kasi akong.... Saluhin.. Kaso ayaw nya mahulog. Natatakot yata" seryoso nyang sabi.

Napa maang ako sa kanyang sinabi bago naka pamewang na tinapunan ito ng masamang tingin.

At parang gusto ko itong suntukin nang ngumisi ito bigla.

Nakaka loko na talaga ang lalaking ito.

"Oh! Naka beautiful eyes ka nanaman!" Tumatawa nitong sabi.

"Sorry na! Tisk!" At ayan nanaman sya sa kurot nyang may sound effect.

Loko-loko talaga!

"Ewan ko sa'yo" asar kong sabi bago nagmamadaling tinalikuran ito at naglakad palayo.

May binanggit pa ito bago ako maka layo kaso hindi ko na narinig. Hindi ko na lang pinansin kasi naaasar talaga ako sa mga pinagsasasabi nya. Lalo na sa mga titig nya. Para bang may gusto syang iparating kaso hindi ko makuha kung ano ba yun.

Ayoko din  yung nagiging reaksyon ng puso ko sa tuwing magsasalita sya ng mga wirdong bagay.

I hate it!

Ugh! I hate him!! Tsk!

----------------

ITUTULOY..

Mr. P

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top