He's Mad?
"Melvin!"
"Ay! B*li mo!"
Naipit ko ang aking mga labi para pigilan ang mapa tawa. Inaman naman kasi ang mukha ng bading na ito. Napaka OA magulat. May pa-hawak-hawak pa sa dibdib nyang wala namang laman.
"OA mo"
"Oo! OA ako! Eh bakit kasi kailangang sa likod ka pa ng pinto sumusulpot, hah? Sinong mas OA sa atin?!" Binigyan nya ako ng isang irap. "Daig mo pang nagtatago sa pinagkaka-utangan mong five six ah"
Hindi ko pinansin ang mahaba nyang sermon at mabilis syang hinigit palabas ng class room. Dinala ko sya sa katapat na study table at doon pinaupo.
"Nasaan sila Rick?" Aniko at inilingon-lingon ang ulo sa paligid.
"Nasa canteen na. Nauna na sila sa akin.. Teka!" Mabilis nyang hinigit ang isa kong kamay at pilit na pinaharap ako sa kanya. "Saan ka ba nanggaling? Bakit wala ka kaninang first period?.. Nag-quiz pa naman tayo. Lagot ka kay Sir Jumong" aniya na ang tinutukoy ay yung professor namin na singkit at mukhang sinaunang koreano"
Napa sapo ako sa aking noo at walang ganang naupo sa kanyang tabi. Lintek naman! May quiz nga pala kami ngayon.
"Oh, ano na? Paki-explain ang pagkawala mo."
"Si Jhay kasi--"
"Oh! Jhay! Andyan ka pala!.. Upo ka dito sa tabi ni Sherlyn!"
Natigilan ako bigla sa sinabi ni Melvin, nanlaki ang aking mata at mabilis na lumingon sa aming gilid.. At parang gusto kong manakit bigla nang makita kong wala namang Jhay na nakatayo malapit sa amin.
"Putakte ka" binato ko sya ng matalim na titig.
Tinawanan naman ako ng bading na ito at talaga namang may kasama pang paghampas-hampas sa study table na nasa harapan namin.
"Napaka nerbyosa mo naman... Oh, ano na, ano ba yung tungkol kay Jhay?"
Saglit ko muna syang binigyan ng nagbabantang tingin. Mamaya kasi eh asarin pa ako ng bading na ito. Masasakal ko talaga sya ng luwag. Ginantihan nya naman ako ng nagtatanong na tingin at bahagyang tumawa.
"Sige na! Hindi na!"
At kahit alam kong tatawanan pa rin ako nito sa ike-kwento ko, ay nagkwento parin ako kung ano ang dahilan ng pag-c-cutting ko kanina sa first period. Ayon! Inulan na naman ako ng katakot-takot na pang-aasar.
"Walang nakakatawa" nakanguso kong sabi at pabagsak na sumandal sa aking kinauupuan.
"Bakit mo naman kasi tinakbuhan?"
Natahimik ako bigla.. Sasabihin ko ba yung dahilan, yung inamin sa akin ni Jhay nung nandun kami sa bahay ni Melvin, yung naging text conversation namin kagabi at yung kakaibang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginagawa ni Jhay?
"Hoooy!" Bahagya akong napa pitlag nang hiyawan ako ni Melvin sa aking tenga. Para pang mamaw ang boses nito at pinalaki, hindi naman bagay.
"Ano ba!" Asar ko syang tinampal sa kanyang braso.
"Tinatanong kita.. Bakit mo tinakbuhan si Jhay?.. Ginawa nyo pang tabing dagat ang over pass at doon pa kayo naghabulan!"
Napakamot ako sa aking leeg. "Kasi naman!"
"Kasi naman!" Pang-gagaya nya sa akin at maarte pang iki-nendeng-kendeng ang katawan sa kanyang kinauupuan. Muntanga lang.
"Naalala mo nung dinala natin sya sa bahay nyo?"
"Oh?.. Yung parehas na lang kayong biglang nawala! Tinadtad pa kita ng text messages kung nasaan ka na! At talaga namang kung hindi pa kita tatawagan ay hindi ko pa malalaman na nakauwi ka na pala!.. Oh, anong meron dun?
"Ano kasi.. May nangyari kasi nun--"
"Ay! King-ina, kaibigan ko! Isinuko mo na ang perlas ng silangan!-- hmmm!"
Nanlaki ang aking mata at tarantang tinakpan ng hawak kong panyo ang malakas na bunganga ni Melvin.
Pisteng bakla ito. Napaka lakas ng boses. Mamaya eh may makarinig pa sa kanya at ma-chismis pa ako. Mabuti na lang at walang katao-tao dito sa pinuwestuhan naming study table.
"Putakte ka! Ang ingay mo!" Nanggigigil kong sabi at asar na idiniin ang aking panyo sa kanyang bibig, bago ko ito pinakawalan.
"Isinuko mo na!" Mahina na ngunit mariin nyang sabi habang nanlalaki ang mga mata.
"Hindi! Bwiset ka!"
"Eh ano nga!--"
"May inamin sya sa akin!"
"Eh ano nga!?"
Natigilan naman sya nang makitang masama na ang ibinibigay kong tingin sa kanya.
"Eh ano nga?" Ayan na naman yung boses nya na akala mo'y nanggaling sa ilalim ng lupa.
Muli kong iginala ang aking paningin sa paligid. At nang masiguro kong walang ibang makakarinig ng aming pinag-uusapan, saka ko lang hinarap ulit ang katabi ko.
".. Sinabi nyang gu-sto nya daw ako--"
"Ay! King-ina!.." Bigla itong pumalakpak ng isang beses sa tuwa. "Oh, tapos?"
".. M-manliligaw daw sya.."
"Ay! King-ina talaga!" At pumalakpak na naman sya ng isa pang beses, at kasama pa talaga yung mga paa nya. Bwiset 'tong baklang ito.
"Oh, ano pa?!"
Saglit ko naman syang tinitigan ng masama. Nag-aalinlangan pa ako sa gagawin ko. Kaso wala namang akong mapapala kung itatago ko pa ang lahat ng katotohanan. Kaya mabilis kong dinukot ang aking cellphone sa aking bulsa at saka ko ipinikita kay Melvin ang text conversation namin ni Jhay kagabi.
"Ay! P*tanginang langgam! Napaka tam-es naman nyang si Jhay!.. Hinintay ka pa talaga sa gate!.. So, bakit mo nga tinakbuhan? Hindi ko pa rin ma-gets. Paki-explain?
"Hello!" Pinanlakihan ko sya ng mata. "Nakakailang kaya!"
"Sus! Hende ke neeeleng! Kenekeleg ke!"
"Nakakatawa" sarkastiko kong sabi at tumawa ng peke.
"Oh ayan na si Jhay.." Aniya at kumaway pa sa aking gilid.
Hindi naman ako lumingon at inirapan ko lang si Melvin. Panigurado kasing niloloko nanaman ako ng baklang ito.
"Aba! Ayaw mong maniwala hah.." Pinandilatan nya ako ng mata at muling nag-angat ng tingin sa aking gilid. "San ka punta, Jhay?!"
"Sa Library lang" narinig kong sabi ng isang lalaki, sobrang pamilyar ang boses nito at ramdam kong nakatayo na ito sa aking gilid.
Napatuwid ako bigla ng upo, nanlalaki ang aking mga mata na napatingin kay Melvin. At nakita kong nakangisi na ito sa akin habang nakataas ang isang kilay.
Para akong nanigas bigla sa aking kinauupuan. Hindi ako makalingon sa aking gilid. Alam kong nakatayo na sya sa aking gilid, ramdam ko.
"Oh.. " Naramdaman kong umangat ang kanyang kamay, malapit sa aking ulo at kita ko sa taas ng aking mga mata ang kanyang kamay na may hawak na papel.
Saglit muna akong sinulyapan ni Melvin bago muling nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi parin ako maka kilos sa aking kinauupuan. Para na akong tuod dito.
"Ano yan?" Tanong ni Melvin at tinanggap yung papel.
"Xerox copy ng bagong lesson natin sa Soc. Sci. Nakasalubong ko kasi si Ma'am kanina. Ibinigay nya sa akin.. Ipamigay ko raw eh"
Nakuyom ko ang aking mga kamay. T*ngina! Bakit ako kinikilabutan bigla, bakit pakiramdam ko ay nakatingin na sya sa akin.
"Ah.. Eh yung kay Sherlyn?"
"Eto.." Naramdaman kong may ipinatong syang papel sa lamesa na malapit sa aking harapan. "Sige, alis na ako.. " malamig nyang sabi bago ko narinig ang mabibilis nyang yabag paalis.
Bigla akong napatulala sa xerox copy na nakalatag sa aking harapan. Ano yun?.. Bakit parang hindi nya manlang ako napansin?
Akala ko ay kakausapin nya ako at tatanungin kung bakit ko sya tinakbuhan. Pero nagtataka ako, ni hindi nya ako tinawag o maski ibigay manlang sa akin ng deretya yung xerox copy para sa akin. At parang galit pa sya.
"Hala.. Tampo" ani Melvin at nang-aasar akong nginisian. "Ni hindi ka manlang kinausap o sinulyapan, gurl.. Grabe na itu! Nagtampo sa'yo si fafa Jhay!"
What the..
Napalingon ako sa aking likuran at sinulyapan si Jhay na naglalakad na palayo. Hinintay ko itong lumingon sa akin, pero hindi manlang ito sumulyap maski isa hanggang sa tuluyan itong makalayo.
Hindi ko alam pero parang biglang kumirot ang aking dibdib, parang sumikip bigla ang aking paghinga. Ano na naman ba itong pakiramdam na ito?
Bakit parang sumama yung loob ko na hindi nya manlang ako pinansin kanina at kinausap. Tapos pakiramdam ko ay nagtampo nga sya dun sa ginawa ko kanina.
At king-ina lang!.. Bakit parang gustong tumulo ng luha ko bigla??!
Ano ba!! Sherlyn!
___________________
ITUTULOY...
Mr. P
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top