Chapter 1
Chapter 1
Love \'lɘv\ n – strong affection, warm attachment, beloved person. (Merriam-Webster's)
If she could describe what love is, she always answered what according to the dictionary or in google. Almost in her life, she wanted to feel that love she'd read. What does it feel like? How loves goes upon and have a long lasting relationship? Pa'no nga ba nadedevelop ang dalawang tao sa love? She asked herself and nothing answer came from her. Hindi naman kasi niya alam 'yon.
She read books, watched movies and if ever she imagine that she's in the girl in those scenarios, iba 'yong feeling pero paano nga ba kapag in reality na? Para ba 'yang internet connection na kapag malakas ang signal, sobra sobra na ang affectionate sa isa't isa o kapag nawalan ng signal, maghihiwalay na?
She's afraid to lost, to be hurt and to love someone.
"Okay, I'm on my way..." she rolled her eyes, bigat na bigat na nga siya sa dala niyang paper bag na may lamang teddy bear for her friend na birthday. "Saglit lang naman kasi, palabas na ako." Buntong hininga pa nito.
"Miss, wait!"
Binilisan na lang din niya ang paglalakad niya, pinagmamadali na kasi siya.
"Miss." May huminto namang lalaki sa harapan niya.
Inangat naman niya ang kanyang tingin sa lalaking nasa harapan niya. Her eyes were straight to this 5'11 guy.
"Yes?" her forehead creased.
He handed some flyers to her, "just a flyer ma'am."
Kinuha naman niya ang flyer at hindi na binasa pa at pinasok sa loob ng paper bag na hawak niya. Hindi niya kasi maalis ang tingin sa lalaking nasa harapan niya, she shift her eyes to his lips that were half smile.
Natauhan na lang din naman siya ng may magsalita muli sa phone na hawak niya na nakalapat sa kanyang tenga.
"Ma'am if you have—"
"Sorry, I really need to go."
He nods, "okay, ma'am."
Muli naman siyang bumalik sa paglalakad pero muli siyang tumalikod para tingnan muli ang lalaking 'yon at nabigla pa siya dahil sinundan rin siya ng tingin.
"Oh my gahd!" nabitawan niya ang hawak niyang paperbag dahil sa nakabanggaan niya. Agad naman niya iyong kinuha at nagmadali nang lumabas ng mall.
Nakita rin naman niya kaagad ang nag-aabang na sasaksayn sa kanya sa labas, her friend wave at her at tumakbo na rin siya palapit doon. Pumasok din naman siya kaagad sa loob ng sasakyan.
"Akala ko aabutin ka pa ng thirty minutes." Irap pa ng kaibigan nito.
"Sorry naman, hindi naman matagal 'yon eh." Aniya pa.
"Di bale, baka ma-late pa tayo sa birthday ng loka loka." Natawa na lang silang dalawa.
They headed straight to the venue—sa isang hotel near Makati. Nagulat na nga lang ay magkaibigan dahil ang engrande ng celebration nito dahil ilang taon na rin ang nakalipas matapos ang debut nito pero naririnig nila ay hindi naman daw ang kaibigan nila ang pumili ng handaang ito.
They ask the clerk on the front desk at tinuro naman sa kanila ang function room kung saan gaganapin. Nang makita naman nila ay agad sila pinapasok ng staff doon.
Sinalubong naman sila ni Cetryn—ang birthday celebrant. Dinala naman sila sa kanilang table, Naya handed over her gifts to her at dinala naman iyon ni Cetryn sa table kung saan nakalagay ang lahat ng gifts niya.
The celebration is great, she enjoyed the food lalo na ang ambiance dahil ang galing talaga pumili ni Cetryn sa mga ganitong bagay, sabagay mana siya sa kanyang mama na isang fashion slash interior designer.
"Guys, I would like you to meet..." pinulupot naman ni Cetryn ang kanyang kamay sa braso ng lalaki na katabi niya. "Johance!"
"Ano?" sabay na tanong ni Naya at Denix.
Natawa na lang din naman si Johance, "Yes, J-O-H-A-N-CE but it pronounce as yo-hans."
"Oooh." Humaba pa ang kanilang mga nguso dahil sa pagka-amaze sa pangalan nito.
"Nice to meet you." Pakikipagkamay naman nila sa kanya.
"Teka," kunot noo ni Naya. "Ka-ano ano mo si Cetryn? Kasi pansin ko, kanina pa kayo magkasama hindi lang namin masolo si Cet dahil busy." Anito.
"Oo nga, agreebells ako kay Naya." Tango pa ni Denix. "Mag-ano ba kayo?"
Nagkatinginan pa ang dalawa sabay tawa at humarap sa mga kaibigan, "yes, Johance is..." she tease.
"She's my girlfriend." Pagpatuloy naman ni Johance.
Namilog naman ang bibig ni Naya at Denix sa gulat sa sinabi ni Cetryn. Yes, they knew na may nanliligaw kay Cetryn pero wala silang idea na mapupunta na sila sa ganoong status. Wala rin naman kasing binabanggit sa kanila ang kaibigan kaya isang surprise for them ang revelation-g ito.
"Congrats!" yakap ni Naya sa kanilang dalawa.
She lose herself to the two of them at doon niya lang din na-realize na siya na lang ang napag-iiwanan sa kanilang magkakaibigan kaya pinili niyang isarili ang mga gustong itanong kay Cetryn, baka kasi bumalik sa kanya 'yon at mas lalo siyang walang masasagot.
"Actually guys, ipapaalam ko na rin sa ibang guests ang tungkol sa amin ni Johance. Syempre dahil bestfriends ko kayo, kayo ang unang nakaalam!" ligalig pa nito.
"Talaga?" ani Naya.
Napanguso naman si Cetryn, "not really dahil ang parents ko ang una talagang nakaalam pero now you know na!"
Dahil sa tuwa ay nagyakap na lang ang magkakaibigan, pinanood lang sila ni Johance. Mayamaya lang din ay natigil ang lahat dahil sa pagpunta ni Cetryn at Johance sa center at isang musika naman ang nagsimula upang simulang sumayaw ng dalawa. Napuno ng kilig at kakaibang saya ang paligid habang pinapanood sila.
Pero sa isang parte mula kay Naya, tila hindi niya maintindihan kung bakit sobrang saya nila para kay Cetryn. Kailangan ba sila kiligin din? Hindi naman sila 'yong may boyfriend ah?
Natapos ang kanilang sayaw, doon na inanunsyo ni Cetryn ang kanilang relasyon ni Johance. A tossed of glass were held. Doon na lang din natigil si Naya, ano bang feeling ng in a relationship? Kasi sawang sawa na rin siya sa mga status niyang nilalagay sa social media. Single. Single all the way.
Natapos ang celebration ay dahil hindi na sila maasikaso ni Cetryn at nagpaalam na lang din sila. Mabilis ding nakauwi si Naya sa kanilang bahay, agad na humiga sa napakalambot na kama. Sa kanyang pagpikit ay tila isang imahe ang nabubuo sa kanyang utak. Una ay akala niya ay matatakot siya pero hindi.
Napadilat na lamang siya ng maalala ang mukha ng lalaking 'yon.
Shit! Bakit ramdam pa rin niya 'yong titig nito sa kanya? Bakit pakiramdam niya kakaiba ang tibok ng kaliwang dibdib niya. Ano ba 'tong nararamdaman niya? Kailangan na ba niyang pumunta sa doctor?
Kinabukasan, she set an appointment to her doctor.
"Doc, ano kasi..." she doesn't know how to start.
"Yes, Miss Rhame?"
She looked up again. "Doc, normal pa ba ang puso kapag sobrang bilis ng tibok nito?"
Napakunot naman ang doctor sa sinabi niya, "oh, what happened?"
She bit her lower lip, "I saw this image of a boy in my head then I felt this heat and beat in left of my chest. Doc, ano pong magagawa niyo dito?"
Instead to answer all of her question, the doctor laughed of what she said. "You're not in a heart failure, Miss Rhame or some kind of diseases in heart." Aniya. "You are in love, Miss Rhame."
"Huh? Doc?" natanga naman siya sa sinabi nito.
"It's normal, Miss Rhame."
"Weh?"
Napailing na lang ang doctor sa pagpipigil ng tawa nito, "yes."
Napangiwi na lang din naman si Naya at umalis na lang doon pagkatapos siyang konsultahin. Akala niya kung ano nang nangyayari sa kanya, akala niya may sakit na siya sa puso pero noong sinabi sa kanya ng doctor 'yon. Hindi siya naniniwala.
In love? Hindi 'yon totoo. Hindi naman siya agad agad na nafa-fall. Nagka-crush siya pero walang gano'n, hindi niya naramdaman 'yong kabog sa dibdib niya.
Ngayon lang.
Later afternoon, she meet with her friends sa isang fast food restaurant, ang Jollibee. Una siyang dumating, umorder din naman siya ng favorite niyang spaghetti meal habang hinihintay ang dalawa pang kaibigan. Ilang saglit lang din naman ay dumating na si Denix at Cetryn na magkasunod lang din naman.
"Gahd, Leanya Rhame! Hindi mo man lang kami hinintay at nauna ka nang kumain diyan?" ani Cetryn.
Natawa na lang din si Naya, "sorry naman, nakakagutom kaya maghintay!" depensa pa niya.
"Di bale, oorder lang muna ako." Tumungo naman si Cetryn sa counter habang naupo naman si Denix.
"Denix." Bulong pa na tawag ni Naya sa kaibigan.
"Ano 'yon?" bulong din nitong tanong.
"Totoo ba na kapag bumilis ang tibok ng dibdib mo kapag nakita mo ang isang tao sa isip mo, love na ba 'yon?"
"Huh?" taas nang dalawang kilay ni Denix na hindi siya maintindihan sa tanong nito. "Baka may sakit sa puso 'yon?"
"Wala ah!" sagot ni Naya.
"Teka—sino ba 'yan?!"
Napabuntong hininga naman siya.
Napatakip naman ng bibig si Denix, wala pa mang sinasabi si Naya ay nakuha na nito ang ibigsabihin nito.
"Gahd, Naya, ikaw in love? For the first time!"
"What, si Naya in love?" dumating naman si Cetryn na may dalang tray, nilapag naman niya ang mga binili niya. "Naya, is that true?" tanong pa nito.
Napakunot naman siya sabay kibit balikat, "hindi ko alam."
"Sino ba 'yong lalaking 'yon Naya?" tanong muli ni Cetryn.
Muli siyang napakibit balikat, "hindi ko rin alam, basta nakita ko lang siya somewhere. Hindi ko lang matandaan kung saan."
"Girl naman, sayang 'yon, gwapo ba?" ngiti pa ni Denix.
Dahan dahan naman siyang tumango, "oo."
"Yes! May ka-forever na si Naya!"
"Baliw!" iling pa nito.
"Teka lang." napatingin naman silang dalawa kay Cetryn. "Sayo ba 'to, Naya?"
Napakunot noo naman si Naya sa inabot ni Cetryn sa kanya.
"Nilagyan mo pa talaga ng flyers 'yong gift mo ah." Tawa pa niya.
Napasapo naman siya sa noo niya, "no, I didn't intend to have it there. I'm so occupied that time."
"Pa'nong occupied? Tell me."
"Pinagmamadali na kasi ako ni Denix." Irap pa nito.
"Sinisi mo pa ako." Depensa naman nito
"Pero seryoso Naya, 'yon lang ba?"
Tumango naman siya, kinuha naman niya 'yong flyers at tiningnan iyon. Isang flyers ng mga kotse iyon at merong numbers ang nakaindicate doon at nanliit na lang ang mata niya ng basahin niya ang pangalang iyon.
Kord -- 09123456789
Iyon ba ang pangalan niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top