Who's The Visitor?!


"Anong narinig mo hija?" curious na tanong ng imbestigador.

"Para pong bumubukas ang pinto ng room namin."

"Hindi n'yo ba nalimutang i-lock ang pinto?" sunod na tanong ni Caesar.

"Sigurado po akong nai-lock ko ang pinto pagkapasok namin," Marielle answered with conviction.

"Anong nangyari kahapon pag gising n'yo?" patuloy na pagsisiyasat ng imbestigador.

Sumagot si Meredith, "Ako po yung unang nagising uncle. Nagulat ako dahil wala na si Liz sa gitna naming dalawa ni Yel. Ginising ko siya at tinanong pero di niya rin daw alam since nagising lang siya dahil sa panggigising na ginawa ko sa kanya."

"So we tried searching her sa bathroom, sa resto ng hotel. We even asked the receptionist kung may napansin siyang babaeng tutugma sa itsura ni Liz na umalis pero wala raw. Wala rin siyang iniwang message para sa amin sa room or sa information desk man lang," dugtong ni Marielle.

"Saka, bakit naman kami iiwan ni Liz ng basta-basta di ba?! She's not like that! Ni hindi nga siya makaalis kung hindi kasama ang isa sa amin ni Yel. Well, except kapag kasama niya si Harold. And for sure, masakit din ang ulo niya dahil sa hangover kaya bakit naman siya magigising nang maaga at aalis?" Meredith said.

Nagsalita si Harold pagkatapos ni Meredith, "Nagising po ako kahapon dahil sa tawag ni Yel, mga 9:00am if I'm not mistaken. Tinatanong niya ako kung nag-message or tumawag sa akin si Liz. Pero wala akong na-receive yesterday morning, last message niya sa akin ay noong sabado pa ng gabi mga 8pm, ang ganda nga raw ng surprise sa kanya nila Yel at Dy."

"Kailan ka nakabalik dito sa Manila, hijo?" tanong ni Caesar kay Harold.

"Kahapon po, buti na lang Sunday afternoon ang na-book kong flight pabalik dito sa Manila."

Muling tumingin ang imbestigador sa dalawang dalaga. "Wala ba kayong nawalang personal na gamit nang magising kayo kahapon?"

"Wala po. Nasa tabi ko pa rin naman yung cellphone ko at nasa couch pa rin yung mga bag namin, pati yung kay Liz," si Meredith ang sumagot.

"Nag report na po kami sa pinakamalapit na police station matapos kong makumpirma na wala si Liz dito sa bahay, sa company or sa iba pang tingin ko ay maaari niyang puntahan," saad ni Marielle.

"At tinawagan na nga kita kumpadre matapos kong makausap ang chief of police kung saan sila nagreport." Napatingin si Caesar sa nagsalitang si Don Ramon.

Awa ang naramdam ng imbestigador para sa kaniyang kaibigan. Nabiyudo na ito simula ng mamatay ang asawa nito dahil sa panganganak, ngayon naman ay nawawala ang nag-iisang anak nito.

Tiningnan muli ni Caesar ang fiancé ni Ellice at ang dalawa nitong mga kaibigan. Sa isip-isip niya maaaring nagsisinungaling ang isa sa mga ito lalo na ang isa sa dalawang dalaga. Ngunit naisip niya rin na wala namang motibo ang mga ito para gawan ng masama ang kanyang inaanak.

Bago pa man siya magtungo sa mansyon ng mga Villahermosa ngayong lunes ng umaga. Napa-imbestigahan na niya kahapon sa kanyang mga tauhan ang mga ito matapos ang tawag ng kanyang kaibigan.

Si Harold Joshua Pineda, 26yrs. old at kasalukuyang Vice President ng Villahermosa Construction Corporation. Ayon sa kanyang kumpadre, magreretiro na ito sa pagiging presidente upang ipasa ang posisyon sa kanyang mamanugangin sa oras na maikasal na ang kanyang inaanak dito. Sa makatuwid, malaki ang mawawala rito sa oras na hindi matuloy ang kasal.

Si Meredith Cua naman, 25yrs. old na nagta-trabaho rin sa VCC bilang Marketing Manager ay anak ng isa pa nilang kaibigan, ang Filipino-Chinese na si Tony Cua. Nalugi ang food manufacturing business nito kaya naghirap, bilang tulong ng mag-ama, kinuha ng mga ito si Meredith upang magtrabaho sa VCC with a managerial position. Ibig sabihin, malaki ang utang na loob ng dalaga at ng pamilya nito sa mag-ama.

At panghuli, si Marielle Gonzales, 25yrs. old & Corporate Treasurer of VCC. Sampung taon gulang pa lamang ay nakatira na ito sa mansyon ng mga Villahermosa kasama ang nanay nito na nagtatrabaho bilang isa sa mga kasambahay dito. Tuluyan itong kinupkop ng mag-ama nang pumanaw ang ina ng dalaga noong 16yrs. old na ito. Itinuring na rin na anak ng kanyang kumpadre, pinag-aral sa university kung saan rin nag-aral si Ellice. At ang alam niya, sobrang close ng dalawa na tila ba tunay na magkapatid ang turingan.

"May naiisip ba kayong tao na maaaring kumuha at magtago kay Ellice?" tanong ni Caesar sa kanyang mga kaharap na naghihintay ng kanyang susunod na sasabihin.

Akmang magsasalita si Harold nang maagaw ang atensyon ng lahat dahil sa paglapit ng isang kasambahay.

"Pasensya na po mga sir at mga ma'am...Don Ramon, may bisita po kayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top