Who's Next?!


Kailangang habang-buhay kang magdusa dahil sa ginawa mo sa amin ng nanay ko.

Hindi malilimutan ni Marielle ang nangyari noong 16yrs. old pa lang siya. Pagkagaling sa school ay hinanap niya ang nanay niya sa mansyon at nakita niya itong walang malay sa laundry area. Humingi siya ng tulong sa family driver ng mga Hermosa upang dalhin sa ospital ang kanyang ina dahil umaga pa lang masama na ang pakiramdam nito. Subalit hindi pumayag si Ellice dahil may lakad ito kasama si Meredith at gagamitin nito ang kotse kaya binigyan na lang siya nito ng pang-taxi. Natagalan siya sa paghahanap ng masasakyan kaya inabot ng siyam-siyam bago niya pa madala ang ina sa ospital. Hindi na ito nagmulat ng mga mata at tuluyan nang binawian ng buhay nang nasa ospital na sila. Ayon sa ginawang test ng mga doktor chronic fatigue that led to heart failure ang ikinamatay nito. Nalaman niya sa iba pang kasambahay ng mga Villahermosa na pinaglaba ang nanay niya ni Ellice ng damit na isusuot nito para sa lakad nito bukas kahit alam nitong masama na ang pakiramdam ng nanay niya.

Binigyan ng magarbong burol ni Don Ramon ang nanay niya na hindi naman niya ikinatuwa dahil tila ito ang naging bayad sa ginawa ni Ellice sa kanyang ina. Ni wala man lang itong sinabi o ginawa sa anak kahit alam nito ang ginawang kamalditahan ng anak na naging sanhi ng kamatayan ng kanyang ina. Matapos mailibing ang nanay niya, inilipat siya ng matanda mula sa public school na pinapasukan patungo sa exclusive school na pinapasukan ni Ellice. Ang ending, naging dakilang utusan siya ng babae dahil sa dami nitong pinapagawa sa kanya. Mukha lang silang superclose sa mga pictures, pero ang totoo, lalo na pag silang dalawa lang, ipinaparamdam nito na isa lang siyang katulong nito at hindi isang kaibigan, lalo na isang kapatid. Hindi naman siya makatanggi sa mga utos nito kahit kinamumuhian niya ito dahil ang tatay nito ang nagpapa-aral sa kanya. Hindi rin siya makaalis sa mansyon dahil wala siyang kilalang kamag-anak na maaaring puntahan.

Hanggang isang araw, may isang may edad nang lalaki na mukhang may sinasabi sa buhay ang lumapit sa kanya at nagpakilala bilang biological father niya. Hindi niya agad ito pinaniwalaan dahil sabi ng kanyang ina ay patay na ang tatay niya. Ngunit nakumbinsi si Marielle dahil bukod sa kamukha niya ito at magaan ang loob niya rito, ipinakita nito ang isang larawan na kasama nito ang kanyang ina habang karga ang isang sanggol na walang iba kundi siya. Pinaliwanag nito na lumayo ang nanay niya rito kasama siya nang malaman nito na miyembro ang kanyang ama ng isang sindikato, ang Red Hellan Syndicate.

Ayon sa kanyang ama, hindi matukoy kung saang bansa nagmula ang Red Hellan Syndicate pero may mga operasyon ito sa iba't ibang panig ng mundo at may mga miyembro silang makapangyarihan at maimpluwensyang tao. May mga "front businesses" ang sindikatong ito tulad nitong sideshow na pinuntahan nila upang mapagtakpan ang talagang mga gawain na kinasasangkutan nito-ang human, organ at drug trafficking.

Kahit alam ng kanyang ama kung nasaan sila, hindi ito lumapit sa kanila bilang respesto sa kanyang nanay. Ngayon lang ito lumapit at nagpakilala sa kanya nang malamang wala na ang kanyang ina dahil nais raw nitong bumawi sa kanya at protektahan sya bilang natitira niyang magulang.

Napag isip-isip ni Marielle na ito na ang paraan upang makaganti siya sa mag-amang kinasusuklaman niya lalo na't nalaman niyang pinuno ang tatay niya ng operasyon ng sindikato dito sa Pilipinas. Kaya naman matapos na maikwento niya ang nangyari sa kanyang ina at masabi dito ang kanyang planong paghihiganti, nanatili siya sa tabi ni Ellice at Don Ramon upang maghintay ng tamang pagkakataon upang maisakatuparan ito.

I wonder, paano kaya naghuhugas at nagpupunas ngayon ng puwit si Ellice. Well, baka hindi na. Napangisi si Marielle sa naisip. Naalala niya nang minsang nagpahugas ito at nagpapunas sa kanya ng puwit matapos nitong dumumi dahil ayaw nitong masira ang mga bagong lagay na cutix sa mga kuko.

"Ang ganda naman ng ngiti ng honey ko," nakangiting ring saad ni Harold habang nakatingin sa kasintahan na muli nang naka-upo sa tabi niya.

Nilingon ni Marielle si Harold at hinagod ng tingin ang kabuuan ng mukha nito.

Hindi nakapagtatakang nagustuhan ni Ellice ang talipandas na lalaking ito. Guwapo talaga kahit saang anggulong tingnan ang hayop!

Natatandaan niya pa ang sinabi ni Ellice nang makita nito si Harold sa burol ng kaniyang ina. Ang mga tipo raw ni Harold na tall, dark & handsome ang gusto nito kaya nais nitong ang lalaki ang ipalit sa kasulukuyan nitong boyfriend noon. Sinabi niya na kababata niya ang lalaki at nagkakaintindihan na sila subalit ipinagkibit-balikat lang ito ng babae.

Nagulat na lang siya na nakipag-break na ito kay Jacob at naging karelasyon na ni Harold noong 20yrs. old na sila. Kinamuhian niya na rin ang lalaki simula noon dahil binalewala nito ang usapan nila sasagutin niya ito sa panliligaw once makatapos sila ng pag-aaral sa kolehiyo. Itinapon na lang basta ni Harold ang pinagsamahan nilang dalawa at mga pangarap na magkasamang binuo para sa isang siguradong marangyang kinabukasan sa piling ng kinasusuklaman niyang babae.

Sadya talagang makapal ang mukha ng lalaking ito! Nagawa pa talaga akong balikan at gawing bago niyang kasintahan na para bang hindi niya ako pinagpalit dati.

"Grabe ka naman makatitig, hon. Baka matunaw ako niyan," pabirong sabi ni Harold sa kasintahan.

Natawa lang si Marielle sa sinabi ng lalaki. "Let's go hon, balik na tayo sa hotel room natin."

"Hindi na ba natin tatapusin ang palabas?" tanong ng lalaki na tumingin sa stage na mayroon panibagong act na nagaganap.

"Ok na ko sa napanood ko kanina," nakangiting sagot ni Marielle.

"Ok, you're the boss." Tumayo si Harold at inalalayan ang kasintahan sa pagtayo. Magkahawak-kamay silang naglakad palabas.

Tumingin si Marielle sa kasintahan at naisip na maaaring minahal talaga nito si Ellice hindi lang dahil sa pera at mataas na posisyon sa kumpanya na ipinagkaloob ng babae rito. May mga pagkakataon kasi na nababanggit pa rin nito ang babae sa kanya. Na sana raw tahimik na ang kaluluwa nito sa langit sa kabila ng kagimbal-gimbal na paraan ng kamatayan nito at kahit hindi na nila nakita ang katawan nito at nabigyan ng maayos na libing.

You're wrong Hon, that bitch is not in heaven! She's in hell! Hell that I created! This is what happened to your supposed to be bride, Harold! This is what happened to Ellice. She's a freak now. At dahil bagay kayong dalawa, susunod ka na sa kanya! Mala-demonyong napangisi si Marielle sa naisip.

"Ansaya mo talaga ngayon, hon. Pero sigurado akong mas magiging masaya ka pa sa gagawin natin mamaya," pilyong sabi sabay kindat ni Harold sa kasintahan.

"Tingin ko nga rin, hon."

Ano pa ba ang pwede kong ipagawa sa lalaking ito bukod sa pagpapaputol ng mga braso at binti nito? Hmmm...alam ko na! Sabihin ko kaya kay Dr. Zamora na bulagin ang mga mata nito?...ay hindi, parang mas maganda na makilala nito si Ellice kapag pareho na silang freak...hmmm...ano kaya kung ipatahi ko na lang ang mga bibig nito?

Mas lalong lumapad ang mala-demonyong ngisi ni Marielle dahil sa mga kahindik-hindik na ideyang naglalaro sa kanyang isipan.

The End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top