Where's Ellice?!
Napa-awang ang mga bibig nila Marielle at Meredith nang makita ang naka-sketch na mukha ng lalaking guest.
"Si Jacob Ian Montemayor!" pasigaw na sabi ni Meredith.
"Tama! Si Jacob 'yan! Hindi kami maaaring magkamali!" paninigurado ni Marielle.
"Siya ang dating nobyo ng inaanak ko 'di ba kumpadre?" tanong ng imbestigador kay Don Ramon.
Tanging tango lang ang naisagot nito sa kaibigan dahil tila hindi na nito kinaya ang mga nalaman.
"Hayop talaga ang lalaking yan! Ayaw niyang tigilan si Liz!" nagpupuyos sa galit na sabi ni Harold.
"Malimit ngang sabihin sa amin ni Liz na kinukulit pa rin siya ni Jacob since gusto nitong makipagbalikan sa kanya, 'di ba Yel?" Tumingin si Meredith kay Marielle na tumango naman bilang pagsang-ayon.
"Now that we have a lead, oras na para simulang hanapin ang lalaking ito dahil siya ang maaaring susi sa pagkawala ni Ellice." Tumayo mula sa kinauupuan niya ang imbestigador, nagpaalam sa mga kasama sa sala at niyaya si officer marasigan upang umalis.
"Kumpadre, ikaw nang bahala sa paghahanap sa inaanak mo, malaki ang tiwala ko sa'yo," pahabol na bilin ni Don Ramon.
Malaki ang kumpyansa ni Don Ramon na madaling matatagpuan ng kaibigan ang pinagtataguan ng dating kasintahan ng kanyang anak dahil sa mga connections nito.
Caesar Madriaga is a very influential person being a retired PNP Chief since last year. Nag-avail ito ng early retirement at the age of 56 at ngayon nga ay isang taon nang nagpapatakbo ng sarili nitong private investigation agency.
"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan kumpadre dahil gagawin ko ang lahat upang matunton ko ang pinagtataguan ng lalaking ito. Sinisiguro kong bukas na bukas rin ay maihaharap ko na sa inyo si Jacob Montemayor at maibabalik ko ng ligtas si Ellice."
True to his words, kinabukasan nga ay natunton na ng mga alagad ng batas sa tulong ni private investigator Caesar Madriaga ang rest-house na pinagtataguan ni Jacob sa Batangas City. Natagpuan rin sa rest-house ng pamilya nito ang housekeeping uniform na ginamit nito at ilang sleeping pills subalit bigo silang makita si Ellice sa lugar na iyon.
Napaamin ng mga pulis sa tulong pa rin ni private investigator Madriaga kung ano ang ginawa ng lalaki kay Ellice. Kinupirma nito ang mga haka-haka nila kung paano nailabas si Ellice sa hotel ng walang nakakakita ngunit ang nakapagbigay na kilabot sa kanilang lahat ay ang sinabi nito kung ano ang ginawa nito sa dalaga matapos na maialis sa hotel. Tila wala na ito sa katinuan habang sinasabi na binalot nito ng garbage bag ang walang malay na dalaga, nilagyan ng mga pabigat at hinagis sa dagat sa isang abandonadong port na matatagpuan rin sa Batangas City. Sinabi rin nito na ginawa niya iyon dahil mas gugustuhin niya pang mamatay si Ellice kesa mapunta sa iba.
Bagama't pansin na ang panghihina ng katawan ni Don Ramon dahil hindi na nito kinakaya ang mga nangyari sa kanyang unica hija, pinangunahan pa rin nito ang paghahanap sa anak sa abandoned port na sinasabi ni Jacob. Pinaniwalaan nila ang sinasabi ng lalaki dahil pumasa ito sa polygraph test ng ulitin ng mga alagad ng batas ang pagtatanong kung anong ginawa nito kay Ellice.
Isang linggo matapos ang bigong paghahanap ng mga government agencies na nahingian nila ng tulong at ng mga private individuals na inupahan ni Don Ramon upang suyurin ang dagat sa abandoned port at mga kalapit na lugar, inatake sa puso ang matanda na naging dahilan upang bawian ito ng buhay.
Napunta kina Marielle at Harold ang shares sa kumpanya nito maging ang mga ari-arian nito base sa iniwang last will & testament ng matanda. Napunta rin sa dalawa ang inheritance na nakapangalan kay Ellice since she's still missing & considered as a dead person by the court. Harold was promoted as President of VCC while Marielle was promoted as Vice President.
Bagama't wala na si Don Ramon ipinagpatuloy pa rin nina Harold & Marielle ang pagpapahanap kay Ellice sa tulong ni private investigator Madriaga. Inabot ito ng isang buwan subalit bigo pa rin silang makita ang labi ni Ellice. Labis na dinamdam ni Harold ang nangyari sa fiancée kaya gabi-gabi itong umiinom ng alak. Sinalo naman ni Marielle ang mga trabahong hindi magawa ni Harold sa kumpanya habang patuloy na dinadamayan ang binata sa labis na pagdadalamhati nito.
After 2 years.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top