Last Chapter

"Congrats, Aedrian," bati sa akin ni Florenz nang makababa ako ng stage. I wasn't expecting something like this and I admit it, it makes me happy somehow. After all the things that happened in the past months, nakapagpapagaan din ng loob. Although, marami pang namatay bago mahuli si L.

"Thank you," tugon ko.

"Congrats, Aedrian. I know your parents are proud of you," sambit naman ni Leo sa akin tsaka ako niyakap. Kumikinang ang Medal of Valor na in-award sa kaniya kaya napangiti din ako.

"Didrae will be proud of you too," sagot ko.

Nagkayayaan kaming kumain sa labas ngunit akmang papasakay na kami sa sasakyan nang makita ko ang isang pamilyar na babae na mukhang naghihintay sa amin, hindi, kundi sa akin.

"Leila? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Muntikan pa akong magdalawang-isip kung sasagot siya nang maalalang nakapagsasalita nga pala talaga siya.

"Gusto kong makita si kuya. Pwede ko ba siyang makita?"

Napatingin ako kay Leo. Mukhang nagdadalawang-isip din siyang pagbigyan ito ngunit sa huli ay pumayag siya.

"Magpapa-reserve na lang ako ng pagkain para makakain tayo agad pagkabisita niyo sa kapatid niyo," paliwanag ni Leo.

"Sige po uncle," sagot ko na nagpatawa sa kaniya. Natawa din si Florenz nang marinig ang pagkalam ng sikmura ni Leo.

Napansin nilang may kasama nga pala kami kung kaya't tumahimik na sila sa byahe. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa City Jail kung saan nakakulong si L.

"Dito ka muna," wika ko kay Leila bago ako pumasok. Umupo ako roon tsaka hinintay si L.

"May bisita ka," sambit ng pulis sa lalaking papasok sa kwarto. Dumapo ang tingin niya sa akin at parang hindi niya gustong umupo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Mayabang niyang tanong.

"Just wanted to check if justice is serving you right," sagot ko.

Ngumisi siya tsaka inilapit ang ulo niya sa akin. "Akala mo ba tapos na ang lahat? Nagkakamali ka, Aedrian."

"Ang mga myembro ng Apple Fraternity, katulad mo, nakakulong na rin sila, maging si Nica. Tapos na ang lahat, L. Hanggang dito ka na lang. Wala nang magagawa pa ang isang tulad mo."

"'Yan ang akala mo. Maghintay ka lang. Gagawa ako ng paraan para makalabas dito at sisiguraduhin kong babalikan kita."

Natawa ako. "Are you obsessed of me? Or are you that jealous?" Nakita kong nagbago ang reaksyon niya.

"Tell me, you planned all of these just to get my attention, right? You plan to take all of what I have 'cause you can't afford of being me. You took my parent's life, then my friend Nica. Hindi pa naging sapat sa 'yo, and you killed Didrae. You hate seeing me being happy."

"Because you don't deserve it. Anak ka sa labas. Isa kang kasalanan. Hindi pwedeng mas masaya ka habang kami, miserable."

Umiling ako. "The hatred you have in your heart makes your life miserable."

Natigilan siya. Lalo na nang pumasok si Leila. Nagulat siya at napatayo. Hindi niya siguro inaasahan ang pagbisita ng kaniyang kapatid. Ang makita siyang nasa ganitong kalagayan. Tila ba nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nawala ang madilim na awra sa kaniyang paligid at nabahiran ng lungkot ang kaniyang mga mata.

"Leila..."

"Kuya, sumuko ka na. Kung mahal mo talaga ako, titigil ka na. Lubayan mo na si Aedrian kasi kapatid din natin siya. Hindi ba dapat bumabawi tayo sa kaniya?"

Nakita ko ang gulat sa mukha ni L. Hindi makapaniwalang naririnig niyang nagsasalita ang kaniyang kapatid. Tumulo ang luha sa mga mata niya at napahawak sa salamin sa pagitan namin. Ramdam kong gusto niyang yakapin si Leila ngunit ang salaming ito ay nagpapalawak sa agwat namin. Malapit ngunit malayo. Abot kamay ngunit hindi mahawakan.

"Kuya, tama na please."

Napaluhod si L habang umiiyak. Hindi ko inaasahang makikita siya sa ganitong kalagayan na ang matapang at nakakatakot na tulad niya ay may kahinaang taglay.

"Bibisitahin kita palagi rito. Dadalhan kita ng pagkain. Hindi mo mararamdamang wala ako, kuya. Nandito lang ako palagi para sa 'yo."

Palihim akong umalis upang makapag-usap pa sila. Sumalubong sa akin si Leo at Florenz. Tinapik nila ang balikat ko.

"How about Nica? Gusto mo ba siyang kausapin tungkol sa alaalang bumalik sa 'yo?" Tanong ni Leo.

Umiling ako. "Napatawad ko na siya. Literal man o hindi, tinamaan naman talaga ang puso ko sa kaniya."

Natawa naman sila sa hirit ko. Nakatanggap pa ako ng batok mula kay Florenz na para bang nangiwi siya sa sinabi ko.

"Huwag mo nang ulitin 'yan."

Lumipas ang araw at ang buwan nang pag-alis ko papunta sa Philippine National Police Academy kung saan kasama ko rin si Florenz. Wala na siyang nagawa dahil ang task niya ay maging guardian ko doon. Natatawa nga ako kasi inaasar ko siya kung bakla ba siya kasi ayaw niyang sumabay sa akin maligo pero binabantaan niya lang ako na sasapakin niya raw ako.

"Sige na, uncle para namang ang layo ng Cavite," paalam ko tsaka nilagay ang mga gamit sa loob ng sasakyan.

"Kung sumama na rin kayo ako?" Tumingin siya kay Sir Liam.

"Nako, hindi na kita maihahatid rito pabalik kung sasama ka. May pupuntahan rin ako pagkatapos."

"Uncle, magkikita pa naman tayo after 4 years kaya sit back and relax. Makakabalik kami nang buhay ni Florenz."

"Di ka sure," pang-aasar ni Florenz.

"Bakit? 'Di naman tayo sasabak sa gera ah."

Natawa siya. "Di ka sure."

Umiling na lang ako sa paulit-ulit niyang sagot. Natapos na naming ilagay ang mga gamit namin sa trunk at akmang papasok na ng sasakyan nang makarinig kami ng sigaw. Agad kaming napalingon sa kalsada at hindi ko alam kung bakit automatic akong tumakbo para puntahan ang banggaan sa may kanto.

"Aedrian! Saan ka pupunta? Bumalik ka rito!" Rinig kong sigaw ni Leo pero hindi ko na siya pinansin pa.

"Aedrian, si Leo na ang bahala rito. Tumawag na ako ng ambulansya at pulis," sambit ni Sir Liam nang mahabol niya ako ngunit hindi ko siya pinakinggan sa halip ay tiningnan ko ang mga detalye ng banggaan.

Nakakapagtaka na walang pasahero sa kotse na bumaliktad gayong duguan naman ang naka-motor.

"Aedrian, male-late na tayo sa byahe. Kailangang makarating tayo sa Cavite nang maaga," komento ni Florenz habang hinihila ako.

"Napansin mo ba ang pinto ng kotse? Hindi nakabukas. Hindi rin ganoon kalaki ang basag ng bintana kung kaya't imposibleng may lumabas galing sa kotseng ito pero ang tanong paano mababangga ng kotse ang motor na iyon kung walang driver?" Tanong ko.

"Siguro'y may nagbaba ng hand brake kung kaya't kahit walang tao sa loob ng kotse ay aandar ito," sagot ni Florenz.

"Tama at alam mo ba ang ibig sabihin no'n?"

Kumunot ang noo niya. "Ano?"

"May nagplano ng aksidenteng ito," matigas kong sabi.

"Paano mo nasabi? Baka aksidente lang talaga. Duda akong pinagplanuhan ito."

"Doubt is the beginning of knowledge. Let's see."

###

The end.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top