Chapter 95: The Missing Piece

"Aedrian, are you a detective?"

Hindi ko inaasahang maririnig ko muli ang tanong na 'yon mula sa kaniya.

"Why?" Tanong ko.

Ngumiti siya.

"At last, tumama ka rin ng sagot."

Tumawa siya dahilan para magtaka ako. Totoo kaya ang mga tawa niyang 'yon? Masaya ba siya sa kalagayan niya ngayon?"

"I've been asking you that several times and it was the very first time you asked me why."

"Why? Why are you asking me the same question before?"

"'Cause I like detectives, Aedrian."

Napatingin ako sa kaniya.

"I am really sorry for everything I caused you, for leaving you, betraying you, for everything, Aedrian. I am really sorry."

Tumango lang ako bilang sagot. Masyado yatang maraming tumatakbo sa isip ko kaya hindi ko rin alam ang sasabihin sa kaniya. Ni hindi ko na alam kung paano ako magsasalita.

"I heard L will be convicted for a lifetime. What's your plan now? Itutuloy mo ba ang pag-aaral mo?" Tanong niya na muli ay sinagot ko lang ng pagtango.

"I see. I hope, makapagtapos ka at matupad mo ang pag-aaral mo. Sige, balik na 'ko." Ngumiti siya at tumayo.

Akmang papalabas na siya ng pinto nang magsalita ako.

"Be healthy," sambit ko. Ngumiti siya at tumango bago tuluyang lumabas ng pintuan.

Napabuntong-hininga ako bago nagdesisyong lumabas na rin sa lugar na 'yon. Natanaw ko si Leo at Florenz na may kausap na pulis, si sir Liam.

"Aedrian, long time no see," bati niya sa akin tsaka niya ako kinamayan. "Katulad nga ng nabanggit ko kay Leo, you're invited in recognition of your bravery and cooperation with the police regarding this case."

"Police General would like to give you a scholarship if you decided to study in Police Academy. We must admit, we need your talent here."

"Thank you, sir."

Nagpaalam na rin si Sir Liam kung kaya't naiwan kaming tatlo nila Florenz.

"Ikaw rin Florenz, pumasok ka sa Police Academy para magkasama kayo ni Aedrian," wika ni Leo.

"Pag-iisipan ko," simpleng sagot niya. Nagkatinginan kami ni Leo bago nagkayayaang umuwi.

Dumeretso na ako sa kwarto ko at humiga. Pakiramdam ko sobrang pagod ko at gusto kong matulog. Sumasakit ang batok ko na para bang may pasan pasan akong mabigat na bagay sa likod ko.

Pumikit ako ngunit maya-maya lang ang may narinig akong kumakanta.

"Langit, lupa, impyerno, im-im-impyerno..."

Mabagal.

Nakakatakot.

Minulat ko ang mga mata ko para makita kung sino ang taong kumakanta ngunit hindi ako makagalaw.

"Saksak puso, tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka d'yan sa pwesto mo."

Mas lalong bumabagal ang kanta ngunit kahit anong pilit kong tumayo mula sa pagkakahiga ay hindi ako makakilos. Naninigas ang katawan ko.

Unti-unti naaaninagan ko ang isang anino. Papalapit sa akin. Rinig ko ang yabag ng mga paa niya papunta sa akin. Nasa gilid ko na siya.

Mas lalong lumakas ang pagkanta ng taong 'yon. Paulit-ulit niyang kinakanta ang pambatang kantang 'yon hanggang sa ang tono ay nagiging katakot-takot.

"Langit, lupa, impyerno..."

Nanlaki ang mga mata ko nang dumungaw siya sa harap ko. Gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Im-im-impyerno, saksak puso tulo ang dugo..."

Unti-unti pa siyang lumalapit sa mukha ko. Nakakatakot ang itsura niya. Mayroon siyang maitim na awra. Malaking mga mata. Nanlilisik. Nakangiting parang demonyo.

"Patay, buhay, umalis ka d'yan sa pwesto mo! HAHAHAHAHA!"

Malakas na halaklak ang rumindi sa akin. Nakakabingi. Nakakapangilabot. Hindi ako makalaban.

"Huli ka!"

Nagulat ako nang makita ko ang mukha ni kuya Robin.

"Sinasabi ko na nga ba at ikaw ang makikita ko rito! HAHAHAHA Ikaw na ang taya!" Tinuro niya ako habang hawak niya ang tiyan niya dahil sa pagtawa. Napatigil ako nang mapagtantong nasa isa akong alaala.

"Sabihan mo na si Leila na lumabas na dahil ikaw na ang taya!" Sinunod ko siya at naglakad ako sa basement namin upang hanapin si Leila ngunit hindi ko na siya makita. Tiningnan ko ang backdoor at nakitang nakabukas iyon. Umuwi na kaya siya?

Akmang pupunta ako sa backdoor nang magsalita si kuya Robin.

"Hep hep hep! Anong binabalak mo? Tatakas ka 'no? 'Di ba sabi sa atin ni papa, huwag daw tayong lumabas kaya maglaro na lang tayo rito."

"Pero kuya dumidilim na, 'di ba tayo pwedeng maglaro sa taas?"

"Naku, magkakalat ka lang do'n. Pagagalitan tayo ni mama kaya dito na lang tayo. Buksan mo na lang ang ilaw."

Nakita kong sinara niya ang pinto. Sinubukan kong buhayin ang ilaw nang hindi ito sumindi.

"Kuya, ayaw!"

"Ayaw? Bakit?"

"Wala yatang kuryente."

"Sige, kumuha ka na lang ng kandila at posporo."

Sumunod ako at pumunta sa aparador para kumuha ng kandila at posporo. Kanina ko pa napapansin na parang may naaamoy akong masakit sa ilong.

"Sandali, Edoy!"

Tuluyan ko nang nasindihan ang kandila at paglingon ko sa kaniya, naramdaman ko ang matalas na kutsilyo sa dibdib ko.

"Saksak puso, tulo ang dugo, patay buhay, umalis ka d'yan sa pwesto mo."

Nabitawan ko ang kandila kasunod n'on ay ang pagsiklab ng apoy habang nawawala sa paningin ko ang batang babae na sumaksak sa akin.

"Edoy! Nasa'n ka? Edoy? Tulungan mo ako!"

Napasigaw ako nang may tumapik nang malakas sa dibdib ko. Agad kong nakita si Leo na bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Aedrian, binabangungot ka."

Tinulungan niya akong makabangon. Inabot naman ni Florenz ang baso ng tubig sa akin. Ininom ko iyon.

"Kanina pa kita ginigising. Ilang segundo kang nakamulat pero hindi ka gumagalaw. Kinabahan kami sa 'yo."

"Na-sleep paralysis siguro siya," komento ni Florenz.

Habol-hininga kong inalala ang mga nakita ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi lang basta 'yon isang panaginip o bangungot. 'Yon ang alaalang nawala sa akin. Ang alaalang pinili ng utak ko na makalimutan. Ang nilihim sa akin nang matagal ng mga magulang ko.

"Nakita ko kung sinong sumaksak sa akin," wika ko.

"Si Bryce?" Tanong ni Leo.

Umiling ako. "'Yung sumaksak sa akin noong sunog sampung taon na ang nakakalipas."

Napansin kong nagkatinginan silang dalawa.

"Alam ko na kung anong nangyari noong nakaraang sampung taon. Naaalala ko na."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top