Chapter 91: Half-brothers

AEDRIAN

"Nica joined the game," bati sa akin ni Leo na dahilan upang mabuhayan agad ako ng dugo. Kahit pa naka-pajama ako ay tumakbo na ako papunta sa office ni Leo upang tingnan sa mga monitors kung nasaan si Nica. 

"Perfect," bulalas ko nang makita ko siya sa library. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Leo, si Didrae pati na rin si Sir Liam na malalaki ang ngiti. Bakas ang pag-asa sa mga mukha nila.

"Magpalit ka na at pupunta na tayo sa Laguna University," utos ni Sir Liam. Tumango ako at katulad nang sinabi niya ay nagpalit na ako ng damit bago ako bumalik sa office. 

"Ito, isuot mo." Ibinigay sa akin ni Sir Liam ang earpiece na gagamitin naming medium of communication sa isa't isa.

"Tayo na," yaya ni Sir Liam saka siya lumabas ng office. Akmang papalabas na rin ako nang tawagin ako ni Didrae.

"Aedrian."

Lumingon ako para makita siya.

"Huwag mong kalimutan ha, mamaya." Ipinakita niya sa akin ang dalawang ticket ng Romeo & Juliet na naipangako noon panonoorin naming magkasama.

Ngumiti ako. "Sige, manonood tayo mamaya."

Nakita kong ngumiti rin siya. Sumunod na ako kay Sir Liam at sumakay na sa sasakyan. Hindi ko maitatangging nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko. 

Ilang minuto lang nang makarating kami malapit sa university. Isa-isa kaming bumaba at humalo sa rami ng taong nasa labas. Ganoon din ang mga estudyanteng nasa field na kapwa masaya sa mga booth na nakalatag sa buong school. Maraming banderitas sa ere at mga lobong nagkalat sa kapaligiran. Maingay rin dahil sa pinagsama-samang tugtog na nanggagaling sa iba't ibang room. 

Abala ako sa pagmamasid nang may sumanggi sa akin.

"Sorry," mabilis niyang sabi tsaka siya tuluyang naglakad papalayo sa akin. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang batok niya. Agad kong inilibot ang mga mata ko at napansin ang mga pamilyar na mukha na nakita namin sa hidden cam ni Didrae. 

"Nandito na sila," bulong ko na alam kong narinig ni Leo at ng iba pang mga kasama. Isang hudyat na mas kailangan naming mag-ingat.

"Aedrian," tawag sa akin ni Leo. "Nakalabas na ang mga estudyante mula sa library. Isa na do'n si Nica."

Tumango ako bago ako naglakad sa kabilang dako ng library upang matanawan ang mga estudyanteng lumalabas mula roon. Nagsisitakbuhan sila at ang iba ay umiiyak. 

"Majority ng mga nakalabas ay hindi na itinuloy ang paglalaro. Maliit na porsyento na lang ang tumatakbo papunta sa canteen," dagdag pa ni Leo.

Tama, ang susunod na destinasyon ay sa canteen kung saan namatay si Betty. Kung saan nilason siya ng kaibigan niya na si Julie Francia.

"Girl napanood mo na 'yung video na trending ngayon sa internet?" Rinig kong sabi ng babae na naglalakad malapit sa akin.

"Oo girl. 'Di ba 'yung lalaking naghuhukay sa video, student 'yon dito?" sagot naman ng kausap niya.

"Yes at inamin niyang siya ang pumatay kay Romeo! 'Yung gwapong si Louise Villaruel! The eff, anong nangyayari sa school na 'to?"

"Umalis na tayo rito. Mamaya, may mamatay na naman sa lugar na 'to. Nakakatakot."

Tuluyan na silang nakalayo at hindi ko na rin narinig ang mga pag-uusap nila.

"Anong balita sa video?" Tanong ko kay Leo.

"Na-i-upload na natin at kumalat na sa social media ang tungkol sa totoong dahilan ng pagkamatay ni Apple Fratern. Sigurado akong maaalarma si chief Salonga maging si L. Makukulong din 'yong taong naglibing sa 'yo nang buhay."

"Mukhang imposible 'yan. May kapapasok lang na report. Natagpuan ang bangkay ni Bryce sa lugar kung saan ka inilibing, Aedrian," sabat ni Sir Liam. 

Natigilan ako nang marinig ko ang balitang iyon. Saktong papadaan sa harap ko ang mga alagad ni L kaya yumuko ako para hindi nila ako makilala.

"Totoo bang si Nica ang pumatay kay Bryce?"

"Oo nakita 'yung bala ng baril ni L na matagal nang nawawala. Kakaiba talaga ang babaeng 'yon. Ang akala ko'y kakampi natin siya. Isa pala siyang traydor kay L."

"Mapanlinlang talaga ang mga babae."

"Sinabi mo pa. Tara na at hanapin na natin si Nica. Bago pa niya tayo tuluyang traydurin, patahimikin na natin siya."

Tuluyan na silang humalo sa mga estudyanteng naglalakad. Susundan ko sana sila nang mapansin ko ang mga estudyanteng tumatakbo papunta sa Gymnasium Hall sa basketball court kung saan nakitang nakabigti si Paul at nabaril si Marco. 

"Beware, L is there."

Sandali akong nakaramdam ng lamig nang para bang may bumulong sa akin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko na para bang may dumaan na lupon ng mga demonyo sa paligid. Nakakatakot.

"Naka-ready na ba ang lahat?" Tanong ni Leo. "Anytime lalabas na ang mga estudyanteng pumasok sa gymnasium hall para pumunta sa last destination. Kapag may lumabas na, hudyat na para sa emergency situation."

Huminga ako nang malalim. Malapit na ang wakas.

"Leo, Aedrian, hindi pa nakakapasok ang mga pulis sa loob ng auditorium hall. Lahat kami ay narito sa gilid kasama ang mga iba pang manonood. Na-move daw ang play ng Romeo & Juliet mamayang hapon."

Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang malakas na ingay na nagmumula sa emergency fire alarm na siyang pumuno sa loob ng Laguna University. Agad akong napatingin sa gymnasium hall at nakitang nagkakaroon na ng kaguluhan. Natatarantang tumatakbo at hindi alam kung saan pupunta.

Nakita kong may pumasok na babae sa Auditorium Hall. Hindi ako pwedeng magkamali kung sino siya.

"Aedrian, saan ka pupunta?" rinig kong tanong ni Leo pero hindi ko siya pinansin at naglakad patungo sa auditorium hall. "Aedrian? Anong ginagawa mo? Kailangang makapasok muna ng mga pulis!"

Lalo kong binilisan ang paglalakad ko nang makita kong may sumunod na lalaki. Hindi, tuluyan na akong tumakbo papasok ng auditorium hall. Kadiliman ang sumalubong sa akin. Hinanap ng mga mata ko ang dalawang taong pumasok sa auditorium hall bago ako. 

"Aedrian, bakit ka pumasok sa auditorium hall?! Nagpapadalos-dalos ka na naman!" sigaw ni Leo.

"Didrae is on his hands, Leo."

Isang lalaki ang nasa stage habang hawak sa leeg ang isang babae at ang babaeng 'yon ay si Didrae.

Narinig ko ang pagsinghap ni Leo out of disbelief. 

"Aedrian, you need to buy time hanggang sa unti-unting makapasok ang mga pulis," rinig kong paliwanag ni Sir Liam. "Agree to whatever he's saying and try to not make him mad."

"L," sambit ko sa pangalan niya.

"Aedrian..." Bati ni L pabalik. "At last, we me again."

Naalala ko ang araw na nakita ko siya sa playground na nagpakilala siya bilang Robin, kapangalan ng kapatid ko. How dare he mocked at me?

"You're not expecting this, right?"

Bumunot ng baril si L saka itinutok sa ulo ni Didrae. Napahakbang ako. Nagtagpo ang mga mata namin ni Didrae. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Surprise?"

"Huwag mo siyang idamay rito," sambit ko.

Ngumisi siya. "Gan'yan mo ba kausapin ang kapatid mong si Robin, Aedrian? Hindi ka ba tinuruan ng ama mo na gumalang?" Ginamit niya na naman ang pangalan ng kuya ko.

"Hindi kita kapatid," matigas kong sabi.

"Hindi ba nila nasabi sa 'yo? Magkapatid tayo sa ama. Sabagay, naubusan na sila ng panahong sabihin sa 'yo kasi patay na sila. Pinatay ko sila."

Tumawa siya nang malakas na para bang hindi man lang kinilabutan sa sinabi niya.

"They deserve it. Your mother f*cked my dad kahit na may kani-kaniya na silang asawa. Then your father? He raped my girlfriend."

Nawala ang ngiti niya at napalitan 'yon ng poot.  

"They deserve to die, Aedrian. Sinira nila ang buhay ko."

"Kaya ginamit mo si Lyca para makuha ang number ko? Para magulo mo rin ang buhay ko?" Tanong ko. Muli ko na namang naalala ang simula ng lahat ng ito.

"Matagal kong hinintay ang pagbalik niyo and I was thrilled nang mabalitaan kong bumalik kayo sa Laguna matapos ang sampung taon."

Sampung taon? Ang tinutukoy niya ba ay ang araw na nasunog ang bahay namin at kung saan namatay si kuya Robin? 'Yon ba ang dahilan kung bakit umalis kami sa lugar na ito at nagpalipat-lipat ng tirahan?

"Aedrian, nakapasok na kami sa loob ng auditorium hall. Nakapwesto na ang mga kasamang pulis," balita ni Sir Liam.

Napahinga ako nang malalim tsaka ako unti-unting naglakad paabante. Tiningnan ko nang maigi si Didrae upang sabihing huwag siyang mag-alala dahil maililigtas namin siya. Sana nakikita niya 'yon sa mga mata ko.

"Then, why don't you stop now? Pakawalan mo na si Didrae."

"Why would I do that?" Tanong niya.

 "Sumuko ka na dahil napapaligiran ka na ng mga pulis."

Narinig namin ang mga yabag at pagkasa ng mga baril. Malakas na tawa ang ibinigay niya sa amin.

"So, ito 'yung plano mo para mailigtas si Nica? I see. You used this girl to lure me out, to outsmart me."

"Wala ka na ring kapangyarihan pa sa mga pulis dahil tinanggal na sa serbisyo si hepe Salonga. Ang mga pulis ay kasalukuyan nang nasa hideout niyo," paliwanag ko. "Wala ka nang magagawa kundi ang sumuko."

Tumango-tango siya at unti-unting binitawan si Didrae. Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari.

Malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa auditorium hall. Kasunod ay ang pagbulagta ng katawan ng babaeng nasa harapan ko. 

"Didrae!"

Lumapit ako sa kaniya at sinubukang gisingin siya ngunit hindi na siya humihinga. Sa ulo siya binaril ni L. Dumanak ng dugo sa paligid ng ulo niya. 

Hindi 'to maaari. Nananaginip lang ako.

###



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top