Chapter 90: Undercovers

AEDRIAN

IT LOOKS like we're undercover. I mean, the police really are, but in my case, this is gonna be my first time doing some confidential mission with the police, and to think that we're dealing with the most wanted serial killer here in Laguna.

Pinagmasdan ko ang mga monitors na ni-set-up kanina nila Leo at Sir Liam dito sa office para sa pagmatyag namin sa Laguna University. Nakabantay rin kami sa footage na galing sa hidden camera ni Didrae.

"We'll be using that as evidence," wika ni Sir Liam sabay turo sa monitor kung saan kasalukuyan na naming nakikita ang tinutukoy ni Nica. Ang lugar kung saan may gate pagkatapos ay may maaapakan na bermuda grass. Hindi nagkakamali si Didrae sa sinabi niya. Kahit may talukbong ang mukha niya ay nakuha niya ang mga detalyeng iyon.

Lahat kami ay naka-focus sa screen. Walang pinapalagpas na segundo ng pagkurap. Hindi namin dapat palampasin ang mga sandaling ito kung saan hayag na ang pinagtataguan ni L at ng Apple Fraternity.  Naputol ang paghinga ko nang makita ko ang taong matagal na naming hinahanap.

"Siya si Levi Villanueva, siya ang nasa likod ng lahat ng ito," komento ni Leo. 

"You were right. He really looks like the L we thought we caught. Kamukha siya ni Louise Villaruel," sambit ni Sir Liam. "Ginamit lang ng L na 'yan si Louise Villaruel upang lituhin ang mga pulis at pagkatapos ay pinako sa harap ng nobya niyang si Fleur."

Napayuko ako.

"Kung nakipagtulungan lang sana ang mga administratives ng school na 'yan, noon pa dapat nahuli si L. Mas ginusto nilang ingatan ang reputasyon ng paaralan at iginiit na nagpakamatay lang ang mga estudyante. Kung naniwala lang sila, hindi na sana nasundan ang mga pagpatay sa lugar na 'to," wika naman ni Leo.

"Wala tayong magagawa. Kung ano sa tingin nila ang mahalaga, 'yon ang uunahin nila. Kung ano sa tingin nila ang tama, 'yon ang paninindigan nila." 

Tama si Sir Liam. At ang mahalaga ngayon para sa amin ay hindi na magpatuloy ang mga plano ni L. Mahuli namin siya at mailigtas ang kaibigan ko. 

Napasinghap ako nang makita ko sa screen ang babaeng matagal ko nang hindi nakikita.

"You can solve the riddles, right? You're the greatest detective in town afterall." Tila ba isang insulto ang sinabi ni L tungkol kay Nica. 

"Hindi ako sasali." 

Napatingin sa akin si Leo at si Sir Liam. Nanatili ang atensyon ko sa nangyayari sa screen. 

"I'm not asking you to do it. Wala kang choice kundi gawin 'yan."

"Bakit pa? Bakit pa tayo mag-aaksaya ng oras? Nasa panig na natin ang pulisya. Wala na tayong dapat ikatakot pa."

Totoo nga ang balita, isa na rin sa kanila ang hepe. 

"Look L, we don't have to do this. Paano kung plano lang pala 'to ni Aedrian para mahuli ka? Para mahuli tayo? Magtitiwala ba tayo sa babaeng 'yan?"

Kumunot ang noo ko hindi dahil sa nabanggit niya ang pangalan ko kundi dahil mas lalo akong nalilito. Nagkakaroon ako ng duda kung kakampi ba talaga siya ni L o kakampi namin? Mas lalo kong pinagmasdan ang mukha niya. Para bang hindi ko na siya kilala. Ang hirap nang basahin ng kilos niya, ng mga reaksyon ng mukha niya. 

"Calm down. It's a show and you're invited. It's a shame if you turn it down."

"I still don't want to do this."

Ramdam kong nakatingin pa rin sa akin si Leo tila ba inaalam ang nararamdaman ko ngayong nakikita ko ang dati kong kaibigan na kasama ang taong pumatay sa magulang ko.

Napagdesisyunan kong lumabas muna upang hindi na marinig pa ang pag-uusap nila ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa si Nica.

"I-Im not betraying you, L."

Napatigil ako. Mukhang kinain ko rin ang sinabi ko dahil nagtiwala na naman ako sa kaniya. 

***

"Nica doesn't want to join the game," bungad ni Didrae nang makabalik siya. Walang nagsasalita sa amin ni Leo.

"She might be really in love with L."

Nakita kong tumingin siya sa akin habang tinatanggal ang kwintas niya na disguise as a hidden camera.

"Or with you."

"Ano't ano pa man, ituloy natin ang plano. Katulad ng ipinangako ko, sasali si Nica sa laro."

Napabuntong-hininga ako. 

"Hindi lang dito nakasalalay ang buhay ng kaibigan mo Aedrian, pati na rin ang pagkakataon na mahuli si L. Hindi ako papayag na hindi siya mahuhuli."

Pinagmasdan ko siyang maigi. Magsasalita na sana ako nang magpaalam siya. Agad siyang tumakbo papaalis ng bahay nang walang lingon-lingon.

"Didrae! Saan ka pupunta?" Sigaw pa ng uncle niya na hindi niya na pinansin. Iniwan niya ang kwintas na suot niya at kinuha iyon ni Sir Liam. 

"Ihahanda ko na ang mga pulis na magmamatyag sa hideout ni L. Nakahanda na rin ang mga pulis na magiging audience sa Romeo & Juliet. Ise-secure namin ang buong Laguna University upang hindi makalabas si L at maprotektahan ang mga inosenteng estudyante. Leo, maiwan ka rito. Ikaw ang magbantay sa mga monitors. Ipapadala ko bukas ang mga kailangan nating gamit para sa operasyon," mahabang paliwanag ni sir Liam. 

Umalis na si Sir Liam at naiwan kaming dalawa ni Leo. 

"Magpahinga ka na. Ako na ang bahala rito."

Ilang oras na ang nakalipas nang sinunod ko si Leo. Kanina pa ako nakahiga rito sa kama at hindi makatulog. Lalo na't naiisip ko ang mga posibleng mangyari. Bumangon ako sa pagkakahiga at napagdesisyunang bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Narinig ko ang mahinang pagpinid ng pinto at nakita ko si Didrae na dahan-dahang pumapasok.

"Ngayon ka lang?" Tanong ko na ikinagulat niya. Agad niyang itinago sa likod ang papel na nasa kamay niya kanina.

"O-oo. Ikaw? Bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog. Saan ka galing?" Tanong ko pa bago ako lumapit sa kaniya. Pansin ko ang mga sandaling pag-iwas niya ng tingin.

"D'yan lang. Sige na, Aedrian. Akyat na ako," paalam niya bago nagmadaling umakyat papunta sa kwarto niya. Sumunod na lang din ako sa kaniya at pumasok sa kwarto ko bago ko pinilit na matulog. Magtagumpay sana kami sa mga plano namin.

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto. Bumangon ako at sumalubong sa akin ang mukha ni Leo.

"Nica joined the game."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top