Chapter 9: Trying Hard Detectives
AEDRIAN
AGAD KONG ibinigay sa lalaki ang kaniyang cellphone. Hindi ko na hiningi ang permiso niya at pumasok na ako sa loob. Narinig ko pa siyang pinipigilan ako pero tumakbo na ako. Kailangan kong makasigurong hindi ito isang krimen kahit malaki ang posibilidad.
Rinig na rinig ko ang ingay ng mga estudyante na kapwa nagtataka sa itsura ng bida. May iba pang pumupuri sa galing ng pag-arte niya pero kung tama ako ng pansin, hindi lang ito isang pag-arte.
Isasara na sana ang kurtina para sa susunod na eksena nang pinigilan ko ito. Agad na umugong ang mga tanong sa paligid ko, ang mga bulung-bulungan nila.
"Paalisin niyo nga 'yang lalaking 'yan! Sino ba 'yan?"
"Hoy! Bumaba ka d'yan! Sinisira mo ang play!"
"Nababaliw na yata ang isang 'yan! Munggo yata't umeepal sa stage!"
"Sino ka? Bakit mo ginugulo ang palabas?"
Hindi ko pinansin ang mga tanong nila at nilapitan ko si Lyca. Imposibleng kaya niyang imulat ang mga mata niya nang ganito katagal. Ni-check ko kung may pulso pa siya ngunit wala na. Sinasabi ko na nga ba, totoo na 'to at hindi acting lang.
Napatingin ako sa bagay na hawak niya--mansanas. Posible kayang totoong may lason ang mansanas na iyon at nang kagatin niya ay nalason siya? Napansin ko ang maliit na butas rito. Kahina-hinala. Alam ko na kung paano nailagay ang lason dito.
Tumayo na ako at kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko na ang kilala kong pulis na pinakamalapit sa akin.
"Anong ibig sabihin nito? Anong nangyayari ha? Bakit ka tumawag ng pulis?" Tanong ng babaeng umarte kanina bilang masamang reyna.
"Dahil hindi na lang basta umaarte ang bidang ito." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Nakaupo siya malapit sa bangkay at katulad nang ginawa ko kanina, sinusuri niya ito. "Kundi totoo na siyang patay."
Mas lalong lumakas ang mga bulung-bulungan ng mga manonood. Tila ba hindi makapaniwala sa kinahinatnan ng play.
"Ano? Wala akong kasalanan! Aalis na ako rito! Hindi ako ang pumatay sa kaniya!"
"Hindi ka pwedeng umalis! Huwag kang aalis! Ikaw ang pangunahing suspek sa pagkamatay ng artistang ito!"
"Ako? B-bakit ako? Wala naman akong ginawang masama!" Bakas sa mukha niya ang takot at kaba dahil nasa unahan siya ng listahan ng mga suspek.
"Dahil ikaw ang huling kasama ng biktima bago siya nalagutan ng hininga." Sabat ko.
"P-pero inosente ako! Nagsasabi ako ng totoo, wala akong kinalaman sa pagkamatay niya!"
"Meron, kung hindi talaga ikaw ang salarin maaring ginamit ka nito."
"Maniniwala ka sa kanila Lora?" A guy caught our attention. Mukhang siya ang gumanap na prince charming ni Snow White ayon sa kaniyang suot. "Hindi mo ba natatandaan? Sila 'yung nasa sikat na vid-ang mga trying hard detectives. Tanda mo?"
"Ano naman ang kinalaman nun dito? Ha?" Tanong ng seatmate ko.
"Baka kasi kayo talaga ang nagplano ng paglason kay Lyca dahil gusto niyong makaganti sa pagpapahiya niya sa inyo." He smirked. I just grinned hearing that word. Tama nga, ang mga sinungaling nahuhuli rin sa sarili nilang salita. Alam ko na kung sino ang salarin.
"We're not saying that we are detectives. We're just here because we are brave enough to unravel what's behind this crime and why would the culprit kill that innocent lady. Just so you know, Sir." I uttered. Sawa na kasi ako sa pagtawag nila sa 'min na mga trying hard detectives. We need to end this. For our reputation and my peaceful life, I will solve this crime. I am sure that someone who has a grudge towards the victim did this.
Ilang sandali lang ay dumating na ang mga pulis. Pinaalis na ng mga organizer ang mga estudyante sa loob kahit ang iba ay gusto pang makinood sa imbestigasyon pero dahil sabi ng police officer na makakagulo lang, wala na silang nagawa kundi umalis sa crime scene.
Kinuha na ang bangkay at ang mansanas upang suriin. Kahit mukhang alam na kung anong dahilan ng pagkamatay ng biktima kailangan pa ring patunayan 'yon ng test results. Naiwan ang dalawang pangunahing suspek: Si Lora Capistrano at si Lemuel Nacion-ang gumanap na evil queen at prince charming ni Snow White.
"May naiisip ka pa bang suspek?" Tanong sa 'kin ng seatmate ko.
"Hindi na kailangan. Alam ko na kung sino ang gumawa nito. Kailangan ko na lang ng ebidensya. Do you have any background informations about them?"
"Ang alam ko sa theater club na ito, humuhugot sila ng mga estudyante mula sa iba't ibang department lalo na kung may mga galing at talento sa theater act. Si Lora, first year college at Broadcasting ang kinuha niyang course samantalang si Lemuel sa College of Nursing and Allied Health."
"Bingo!" Agad na lumawak ang ngiti ko nang ma-realized ko kung ano ang sinabi niya.
"Mawalang galang na. Hindi niyo pa ba kami paaalisin dito? Sa totoo lang, naiinitan na rin kami sa costume namin." Reklamo niya sa mga pulis.
"Ah sige. Nakuha na rin naman namin ang statements niyo. Maaari na kayong umalis dito sa crime scene pati na rin kayo, Edoy." Tila ba nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Pero isinantabi ko muna ang inis sa kaniya at nagsalita.
"Paano kung i-dispose kaagad ng killer ang ebidensya? Anong gagawin mo para mahuli siya? Papa?" Nagtaka naman ang ibang mga pulis sa pagtawag ko sa aking ama.
"Killer? So isa sa amin ang killer? Ha?" Natatawang sabi ni Lemuel.
"Naalala mo pa ba ang sinabi mo kanina Lemuel? 'Baka kasi kayo talaga ang nagplano ng paglason kay Lyca dahil gusto niyong makaganti sa pagpapahiya niya sa inyo.' Naalala mo? Paano mo nalamang nalason siya kung hindi pa naman sinasabi ang resulta ng pagkamatay ni Lyca? Paano mo nalaman na sa lason siya namatay kung hindi mo pa nasusuring mabuti ang biktima?" Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya.
"D-dahil obvious naman na nalason siya ng mansanas na 'yon!"
"Hindi ko alam kung bakit nakakatawa kung paano mo ibuko ang sarili mo. Tila ba sa bawat salita mo dinidiin nito na ikaw talaga ang pumatay."
"A-ano rin ba 'yang sinasabi mo?"
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top