Chapter 89: The Hidden Books
"Can we talk to chief Salonga?" Tanong ko kay Leo.
"Ano na namang binabalak mo?"
"I want to know bakit niya ginagawa 'yon. Why does he have to take some girls and be the satisfaction of their flesh? Wala ba siyang anak na babae?" Tuloy-tuloy kong tanong. "Are they taking drugs?"
"Aedrian, kumalma ka. Kailangan nating mag-isip ng paraan para maayos ang lahat ng ito."
"We need to talk to chief Salonga. At kung hindi siya tutulong sa atin, ilalabas natin ang video na nakuha ni Didrae."
"Chief Salonga is one of them."
Napatingin ako sa nagsalita. Nakabalik na pala si Didrae at base sa kalagayan niya ngayon, mukhang magandang balita ang dala niya.
"Narinig ko ang pag-uusap ng mga lalaking naghatid sa akin. Sumanib na sa kanila ang hepe ng pulisya. Isa na siyang myembro ng Apple Fratern. Magiging mas mahirap na kumbinsihin ang mga pulis na kumampi sa atin."
"Kung gano'n, ilalabas talaga natin ang video na nakuha mo Didrae para mahalungkat ang pagkamatay ni Apple Fratern. Maging ang tungkol sa rape case niya. Matutuklasan din ng marami ang ilegal na gawain ng mga pulis at kung mangyari 'yon, maaaring matanggal sa pwesto si Salonga," mahaba kong paliwanag.
"Kakausapin ko si Liam. Siya na ang bahalang kumumbinsi kay chief Salonga. Sigurado akong mamamangka sa dalawang ilog ang hepe. Pwede na nating gamiting bala 'yon laban kay L," sabat naman ni Leo.
Tumango-tango ako at saka nabaling ang tingin kay Didrae.
"Kumusta ang lakad mo? Sinaktan ka ba nila?"
Umiling siya. "He took the bait. He wants the plan, Aedrian," pagtukoy niya sa planong pagliligtas namin kay Nica.
"He wants me to give it to him tomorrow."
"Sinasabi ko na nga ba't hindi basta-basta 'yang L na 'yan. Hindi ka niya pinagkakatiwalaan kaya pinababalik ka niya sa lungga niya," wika ni Leo.
"Normal lang 'yon, uncle. We don't expect him to believe me easily. Hindi ito bad news, good news ito upang makabalik ako sa lugar nila. I must have a hidden camera once I get back there," suhestyon ni Didrae.
"And if something happened, we'll be there."
"No, walang mangyayaring masama sa akin. Mas maiging ma-preserve natin ang hideout nila upang hindi sila makatakas sa oras na lusubin natin sila. At magagawa lang natin 'yon kung aalis si L sa lungga nila at makakapunta sa final destination."
Pumunta si Didrae sa harap ng computer at para bang may hinahanap sa mapa.
"Hindi masyadong malayo ang hideout nila L mula rito. Nasa 30mins lang ang byahe at mabagal lang din ang takbo nung nakasakay ako sa van nila. Siguro ay para hindi kumuha ng atensyon." Napatingin ako kay Leo at katulad niya ay hindi rin ako makapaniwala sa ipinapaliwanag ni Didrae.
"At kung susumahin, ang range ng hideout nila ay nasa 13 to 15km lang mula rito. May gate ang hideout nila at may bermuda grass. May naamoy din akong hindi magandang amoy at usok na umaalingasaw."
Tumango-tango ako.
"From that, kami nang bahala ng uncle mo. Tomorrow, I'll give you the plan. You should take some rest for now."
Mahina ko siyang itinulak papunta sa upuan.
"Bakit mo siya pinaalis?"
"Bakas sa mukha niya na malapit niya nang patayin si L," pagbibiro ko na ikinatawa niya naman. Katulad nang napag-usapan ay tinawagan niya si Liam at ako nama'y sinusubukang hanapin ang hideout ni L.
Hindi ko na namalayan ang oras at kumakalam na ang sikmura ko. Tinawag ako ni Leo at inutusang puntahan si Didrae para sumabay na sa pagkain ng hapunan. Nakailang beses ako ng katok sa kwarto ni Didrae ngunit walang sumasagot. Tulog ba siya?
Hinawakan ko ang doorknob upang i-double check sana kung naka-lock ay tulog na nga siya ngunit nagtaka ako nang bukas iyon.
"Didrae?" Tumawag ako bago ako tuluyang pumasok. Wala siya sa kwarto. Dumeretso ako sa higaan niya at sa ilalim kung nagtatago lang ba siya nang mapansin ko ang isang malaking baul. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinakialaman ko 'yon.
Laking gulat ko nang makita ko ang makakapal na libro ng isang pamilyar na manunulat.
Itinabi ko na iyon nang may maramdaman akong paparating. Papalabas na ako sa kwarto nang may tumawag sa akin.
"Aedrian?" Napaharap ako sa kaniya ngunit agad ding tumalikod nang mapansing nakatapis lang siya. "Anong ginagawa mo rito ha?"
"Yayayain sana kitang kumain."
"Kumain? You mean a date?"
"Ha?" Napatingin akong muli sa kaniya at nakita ang mapang-asar na ngiti. Kumunot ang noo ko tsaka tumalikod at lumabas ng kwarto niya. "Tinatawag na tayo ng uncle mo sa baba. Kakain na daw."
"Aedrian, bakla ka ba?"
Napapikit ako sa sinabi niya at umiling na lamang bago tuluyang umalis sa lugar na iyon. Bumaba na ako para kumain.
"Nakausap ko na si Liam. Pupunta siya rito mamaya upang i-set up ang mga monitors at magdadala rin siya ng hidden camera na gagamitin ni Didrae," sambit ni Leo. "Sigurado ka bang gagamitin natin ang video na nakuha ni Didrae?"
"Masakit mang tanggapin pero kailangan nating gawin ang tama. Sa tingin ko, maiintindihan ni papa ang gagawin natin. Kailangang magsimula sa atin ang hustisya upang matanggap rin natin ito."
Hindi ko man mahanap sa sarili ko na maniwalang si papa nga ang gumawa no'n kay Apple, alam kong kailangan kong gawin ang tama. Iyon man ang katotohanan o hindi. Kung totoo ngang nakita ni Leo at Didrae si papa noon, kailangan kong tanggapin sa sarili ko na kahit ang pinakamabuting taong kilala ko ay may tinataglay ring lihim na pagkakamali ng nakaraan. At sa pamamagitan nito, kung mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Apple, maaaring sa pamamagitan no'n ay mapatawad niya si papa.
Tumango si Leo. "Naiintindihan ko. I-uupload natin ang video sa oras na sumali si Nica sa laro kaya kailangan nating mapasali siya sa laro."
"Huwag kayong mag-aalala. Gagawa ako ng paraan."
Napatingin kaming pareho sa nagsalita. Naalala ko na naman ang mga librong nakita ko sa ilalim ng kama niya.
Tumingin siya sa kin. "Our goal is to save your friend and catch the real L. At mangyayari 'yon kahit anong mangyari. Ipinapangako ko sa inyo."
"Ipinapangako ko ring poprotektahan ko kayong dalawa kahit na mga pasaway kayo," nakangiting sabi ni Leo sabay gulo ng buhok ko.
"I promised that no one will be hurt from the people around me."
Ito na. Sa oras na maibigay ko kay Didrae ang plano ng laro, kailangan ko nang mas maging handa sa mga posibleng mangyari. Kailangang mahuli namin si L nang wala nang napapahamak. Kailangang maprotektahan ko ang mga taong malapit sa akin dahil ginagawa nila ang lahat. Ganun din dapat ako.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top