Chapter 87: The Deceiver Pt. 2
DIDRAE
"Bakit ka pumunta sa school?" Rinig kong tanong ni uncle kay Aedrian nang makauwi kami.
"Paano kung malaman ni L na buhay ka pa? Maswerte na ngang nakaligtas ka mula sa pagkakalibing sa 'yo ni Bryce. Kung wala si Didrae eh 'di tapos ka?" Bakas ang inis sa mukha ni uncle.
"Uncle, hindi niya ako kinailangan noong umahon siya sa lupa. He came out on his own," sagot ko.
"Hindi naman pwedeng magtago na lang ako," pangangatwiran ng classmate kong pasaway.
"That's not what I'm saying. Gumagawa tayo ng plano para mahuli ang totoong L. Huwag ka namang padalos-dalos ng kilos. Hindi lang sarili mo ang pinapahamak mo, maraming tao."
"Leo, listen. I discovered something. Look."
Ipinakita ni Aedrian ang isang lumang dyaryo.
"Look at this article. That Dick Brain knows what really happened to Apple Fratern."
Napatingin si uncle sa akin.
"Saan mo nakuha 'yan?"
"From the library and I met a librarian who happened to be Apple's classmate and cousin. She gave me this picture."
"Sino 'yang lalaking kasama ni Apple Fratern?"
"Levi Villanueva, her boyfriend. See the difference?" Inilapag naman niya ang picture ni Nica na kasama si L. Kinuha ko ang ticket ng Romeo and Juliet na itinabi ko na gusto kong panoorin sa last day ng University week.
Hindi maitatangging malaki nga ang pagkakapareho ng mukha ng Levi na 'yon kay Louise Villaruel. Isang palaisipan pa rin sa akin ang bagay na iyon ngunit may napansin akong pagkakaiba nila.
"It was their eyes," komento ko. "It's different," dagdag ko pa.
"This is a proof na may dalawang taong magkamukhang magkamukha at malaki ang posibilidad na si Louise Villaruel nga ang nahuli ng mga pulis noon. The real L is still outside the bars and doing everything to prevent him getting in there."
Itinuon ni Aedrian ang mga kamay niya sa lamesa.
"Any minute now, maaaring nakarating na sa kanila ang balitang buhay pa ako at hindi nagtagumpay si Bryce sa pagkakalibing sa akin."
Tumingin si Aedrian sa akin.
"And it's possible that everyone I met today is in great danger. They might be gathering information about me and what I am planning to do. You should stay here, Didrae."
"Yan na nga ba ang sinasabi ko! Pwede ba Aedrian from now on, sabihin mo sa akin ang mga gagawin mo. Huwag kang basta-basta kilos. Tandaan mo, may kasama ka rito. Kung sa amin wala kang pakialam, meron kami sa 'yo at sa mga taong nasa paligid mo."
"Sorry."
Nagulat ako nang marinig ko siyang nag-sorry. Nagso-sorry pala siya.
"Didrae, katulad ng sinabi ni Aedrian, huwag kang lumabas ng bahay. Dito ka lang."
"No, uncle. Kung totoo nga 'yung sinasabi ni Aedrian then I must do something. Kung kukunin nga nila ako, it's our chance to know their whereabouts."
"Delikado, Didrae. Hindi ako papayag na umalis ka rito at mapunta sa pugad nila."
"Pero uncle, alam kong may magagawa ako. At kung makakatulong ako para makulong ang L na 'yon, hindi ko sasayangin ang pagkakataong 'yon," pagmamatigas ko.
"Bakit ba napapaligiran ako ng mga pasaway na bata?!" Inis na tanong ni uncle na para bang tinatanong ang Dios.
"Didrae, tama ang uncle mo, mapapahamak ka sa binabalak mo. Sa oras na lumabas ka rito, maaaring nakaabang na sila para kunin ka. At hindi natin alam ang mga posibleng mangyari."
"We'll win this war, Aedrian. We'll end it. Kailangan kong mapunta sa lugar nila para mailigtas natin ang kaibigan. That's what you're trying to do, right? Kaya agad mong binago ang laro."
"Anong ibig niyang sabihin Aedrian? Anong laro?" Nagtatakang tanong ni uncle.
Tumingin muna sa akin si Aedrian bago bumuntong-hininga. "This coming week is our university week. Lahat ng section ay mag-o-organize ng activities or booth na open sa public. And our section is planning to have a detective game. May riddle na sasagutin ang mga sasali at ang sagot ang magtuturo sa kanila sa isang destinasyon. At ang unang makakapunta sa final destination ay mabibigyan ng cash prize," mahabang paliwanag ni Aedrian.
"At si Aedrian ang gumawa ng laro?"
Tumango ako bilang sagot.
"At kailangang makasali ni Nica sa larong 'yon para mailigtas siya?" Tanong pa ni uncle. Tumango naman si Aedrian.
"Paano kayo nakakasigurong sasali si Nica sa larong 'yan? Maaaring hindi siya sumali," dagdag pa ni uncle.
"Gagawa tayo ng paraan para sumali siya," sagot ko naman. "May naisip ako."
Kapwa silang napatingin sa akin at hinintay ang sasabihin ko.
"Let me betray you so I can betray them."
Kapwa silang napahinga nang malalim nang marinig ang suhestyon ko. Wala naman silang nagawa nang sabihin ko ang plano ko.
Huminga muna ako nang malalim bago ako tuluyang lumabas sa bahay ni uncle. At katulad ng inaasahan, agad na may mga taong lumapit sa akin at tinalukbungan ang ulo ko.
"Sino kayo? Bitiwan niyo ko?" sigaw ko. Naramdaman kong isinakay nila ako sa sasakyan. Nagbilang ako at pinakiramdaman ang takbo ng sasakyan. Mabilis. Kahit nakatalukbong ako, malalaman ko kung saang lugar nila ako dadalhin.
Nilakasan ko ang loob ko nang mapansin kong tumigil na ang sasakyan. Tumigil na rin ako sa pagbilang. Ibinaba nila ako at inakay sa isang lugar na nasa imahinasyon ko lang dahil hindi ko makita. Narinig ko ang tunog ng pagpihit ng gate.
Sinadya kong hubarin ang tsinelas ko para maramdaman ang inaapakan ko. Mga maiiksing damo. Bermudagrass.
"Sandali! 'Yung tsinelas ko!" reklamo ko. Agad naman silang tumigil at parang may isang tumakbo para kunin ang tsinelas ko at isuot sa akin.
Mataman kong pinakinggan ang kapaligiran.
"I'm one of you now. Anong kailangan kong gawin? May misyon ba ako? Papatayin ko ba si Aedrian?"
Narinig ko ang isang pamilyar na boses. It must be one of my classmates. Tama nga si Aedrian, kinuha nila ang mga kaklase ko, ang mga nakasama ni Aedrian kanina.
"You just got to stay still," sambit ng isang lalaki. Malamig ang boses niya at nakakakilabot. Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa kaniya.
"Kayong lahat ng mga nandito, sabihin niyo sa kain ang pinaplano ni Aedrian. Hindi kayo makakaalis hangga't hindi niyo sinasabi sa akin."
Doon ko nasigurong siya si L. Ang may ari ng nakakatakot na boses na para bang mapapasunod ka niya sa lahat ng kaniyang sabihin. Malakas ang authority ng boses niya.
"Ako, ako ang magsasabi," sabat ko.
Naramdaman ko ang pag-akay nila sa akin sa isang lugar at pinaupo ako. Ito na, ito na ang simula ng pagkalap namin ng hustisya para sa mga taong nasaktan at namatay dahil sa kasamaan ng taong nasa harap ko ngayon. Hindi ka na makakaligtas sa kamay ko.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top