Chapter 86: Challenge Accepted
NICA
The Greatest Detective in Town
by Dick Brain
Looks like some kind of a joke, isn't it?
Why did this girl become so afraid of telling us the truth?
Is she really the greatest?
Or was that title is also fabricated?
Like how she manipulated things.
Why don't you prove us?
The talent you claimed you were.
Join the detective game,
And prove to us who you are.
Naningkit ang mga mata ko nang mabasa ko ang nasa article na sinulat ng kung sino mang taong nagtatago sa codename na Dick Brain. Hindi man niya binanggit ang pangalan ko ngunit alam kong ako ang tinutukoy niya. Ramdam ko rin ang mga tingin ng mga estudyanteng kanina pa nag-uusap tungkol sa school newspaper na ito.
Hinahamon ba ako ng taong 'to?
Mukhang alam niya rin ang tungkol sa ginawa ko noon kung bakit ako binansagang greatest detective in town pero ang titulong iyon ang unti-unting nagdadala sa akin sa kahihiyan.
Tinalikuran ko ang mga babaeng nakatingin sa akin na para bang nang-uuyam. Wala akong balak sumali sa kalokohang ito sa kahit na anong dahilan. Akmang aalis na ako sa lugar na iyon nang may pumigil sa akin. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga tao ni L.
"Umalis ka sa harapan ko," utos ko ngunit mas lumapit siya sa akin.
"Natagpuan na nila si Bryce."
Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko sa balitang narinig ko mula sa kaniya.
"At alam kong may kinalaman ka sa pagkamatay ni Bryce. Sa oras na makita nila ang bala sa ulo ni Bryce at ang baril na nasa ilalim ng kama mo, malalaman nilang isa kang traydor."
Tinulak ko siya. "Bakit mo sinasabi 'yan sa akin? Anong gusto mo?"
"Makalaya ang kapatid ko. Ako si Florenz, kapatid ko si Fleur. At kung tama ang hinala ko, kakampi ka pa rin ni Aedrian. Matutulungan mo ako sa kapatid ko."
"Nagkakamali ka ng nilapitan. Hindi ako kakampi ng kung sino mang inaakala mo."
Naglakad na ako papalayo sa kaniya.
"Kung gano'n, bakit hindi ka sumusunod sa plano? Bakit hindi ka sumasali sa laro? Ayaw mo bang iligtas ka ng kaibigan mo?"
"If my safety would be other's danger, I would rather not do it."
Nakita ko siyang ngumisi. "Kakampi ka nga ni Aedrian. Isa kang traydor kay L. Sigurado akong sa mga oras na ito ay alam na nila ang katotohanan, wala ka nang takas Nica."
Napatingin ako sa paligid at napansin kong may mga pamilyar na lalaking papalapit sa amin. Mga alagad ni L. Nalaman na kaya nila ang totoo?
"Ang tanging makapagliligtas lang sa 'yo ay ang larong ginawa ng kaibigan mo."
Sandali kong tinitigan si Florenz. "Sumama ka sa 'kin."
Agad akong pumunta sa gate at kumuha ng flyer na pinamimigay nila.
"Until now wala pa daw nakakapunta sa final destination. Mukhang mahirap talaga ang detective game na 'yan," rinig kong komento ng isang babae.
"Try kaya natin? Mukhang exciting naman," sambit naman ng kasama niya.
"Huwag na. Sayang lang oras natin d'yan. 'Di naman tayo matalino."
Tiningnan ko ang flyer na hawak ko at saglit na tiningnan si Florenz. Bakas sa mukha niyang bata pa siya.
"So this is the detective game they were talking about. The one made by my old friend to save me," bulalas ko.
"So, you're joining?" Tanong niya.
"Katulad ng sinabi mo, I have no choice."
Binasa ko ang mechanics ng detective game at nakita ko rin ang unang riddle na kailangang sagutin para mapunta sa first destination.
You visit me sometimes,
but how come you're not talking?
Leaving after you took something,
After so many days, now you're returning?
I read it once again and remember the times when I heard the news he took his life. I immediately called an ambulance that took him to the hospital. That night, I was about to tell him everything and confess what I did but things got worse. I lost my chance.
Agad akong nakarating sa lugar na tinutukoy ng riddle. Walang duda. Ito nga ang tinutukoy ng riddle na nasa flyer. Pinagmasdan ko ang kabuoan ng building na nasa harap ko. Ang library. Hindi naman pala ganoon kahirap ang riddle na ito at masyadong maraming hint. Tinapon ko na ang flyer matapos kong malaman ang sagot.
Malimit nga lang siyang puntahan ng mga estudyante at kapag nakapasok ka na ay hindi pwedeng maingay kung kaya't marami ang hindi na nagsasalita at tahimik lang na nagbabasa. Umaalis ang estudyante pagkatapos manghiram ng libro at pagkalipas ng ilang araw ay babalik upang isauli ito.
Hinawakan ko na ang doorknob at unti-unting binuksan ang pinto. Laking gulat ko nang tumambad sa akin ang mga estudyante na tila ba nagkaroon ng pag-asa nang makita ako. Ang iba ay tumayo pa at napanganga na para bang hindi inaasahan ang pagdating ko.
Nagulat kaming dalawa ni Florenz nang biglang magsara ang pinto. May mga estudyanteng humarang sa pintuan. Anong ibig sabihin nito?
"Isang araw na kami rito," sambit ng isa.
"Bakit?" Tanong ko.
"Hindi nila kami pinalalabas hangga't hindi namin nasasagot ang pangalawang riddle."
Kumunot ang noo ko at tiningnan silang lahat. Napansin kong pilit na binubuksan ni Florenz ang pinto ngunit hindi niya ito mabuksan. May mga bakas na rin na sinubukan nilang sirain ang pinto ngunit mukhang hindi sila nagtagumpay.
"Negative. Kahit ang mga bintana ay masyadong maliit para magkasya ang tao," komento ni Florenz.
Kinuha ko ang cellphone ko upang subukang tumawag nang maalala kong hindi pala iyon magandang ideya kung kaya't pinatay ko na lamang ito.
"Sinubukan niyo na bang humingi ng tulong sa labas?" Tanong ko pa.
"Wala kaming nasasagap na signal kung kaya't hindi rin kami makatawag sa mga kakilala namin na nasa labas."
Huminga ako nang malalim at saka pinagmasdan ang kabuoang lugar ng library. Bakit nga ba ako masyadong nag-aalala kung ang kailangan lang gawin para makalabas rito ay sagutin ang riddle. At mukhang may nakasagot naman ng riddle dahil kung wala ay siguro'y puno na ang lugar na ito.
"Nasaan ang riddle?" Tanong ko.
Nagsitinginan sila at nagkibit-balikat.
"Hindi namin alam."
Kumunot ang noo ko.
"Anong ibig niyong sabihin?"
"Hindi mo ba binasa 'yung mechanics ng laro?" Tanong ng isa kaya pinanliitan ko siya ng mata. "Maghahanap ka ng paraan para makalabas."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Anong klaseng laro 'to?
Nakarinig ako ng iyak kung kaya't napatingin ako sa isang babae na kausap ang isang lalaki. "Kasalanan mo 'to. Hindi na dapat tayo sumali rito. Hindi na tayo makakalabas."
"Ang OA mo naman, makakalabas tayo dito. Para namang walang paki sa atin 'yung mga teachers. Syempre malalaman nila 'yung totoong ginagawa sa atin ng gumawa ng kalokohang larong 'to."
"Paano nila malalaman? Eh hindi nga tayo makalabas?"
"Pwede ba tumahimik ka? Kahapon ka pa eh!" sigaw ng isa pang babae.
"Masyado kang kulang sa atensyon. Papansin! Kaysa umiiyak ka d'yan, ba't hindi ka mag-isip ng paraan para makalabas dito?"
"Ang yabang mo namang magsalita eh wala ka rin namang ambag," komento naman ng isa.
Napabuga ako at sinubukang lumayo sa kanila upang hindi ko marinig ang mga iringan nila sa isa't isa.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Florenz.
I crossed my arms and think. Pinagmasdan ko ang pinto sa harap ko maging ang mga shelf sa gilid nito. May dalawang klase ng libro, kulay green at kulay red. May mga libro nakahanay sa shelf at may mga puwang na tila ba may nawawala.
"Mukhang kailangan nating hanapin sa libo-libong libro dito ang mga librong nawawala sa shelf."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top