Chapter 84: Peace Talk
NICA
Iniwan ko na ang apron sa preparation table. Katulad nang napagkasunduan, may kapalit man ako o wala aalis ako. Hindi na ako nagpaalam pa at iniwan ko na silang lahat sa room namin. Marami pang taong nakapila at totoong nagdadagsaan nga ang mga tao mula sa labas ng school upang pumunta sa mga booth na pinaghandaan ng bawat section ng Laguna university. Kani-kaniyang pakulo.
Tuluyan na akong lumayo sa lugar na 'yon at inalalaang marami akong kailangang gawin ngayong araw lalo na ang itago ang baril na ginamit ko upang patahimikin si Bryce. I got no choice. He's a big hindrance to my plan.
"Saan ka galing?"
Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. I was on my way from the cemetery. I checked Aedrian's grave and fortunately he wasn't there. At tanging bag niya lang ang nakita ko. I bet someone saved him.
Nilingon ko kung sino ang nagsalita. Hindi ako nagkamali kung sino siya. It was Bryce. Napapansin kong parang sinusundan niya ang kilos ko nitong mga nakaraang araw.
"It's none of your business," sagot ko tsaka ko siya tinalikuran.
"Paano kung sabihin ko kay L 'yang mga ginagawa mo?"
Naningkit ang mga mata ko tsaka ko siya tiningnan. "Bakit? Ano bang ginagawa ko?" sarkastiko kong tanong.
"You're planning something against L, aren't you?"
Nilapitan niya ako. Hindi ako natakot sa kaniya.
"Kung ako sa 'yo, itigil mo na 'yang paghuhugas kamay na ginagawa mo. Hindi mo na mababaliktad ang katotohanang masama kang tao. Isa kang traydor sa paningin ng kaibigan mo at kahit anong gawin mong lihim na pagtulong sa kaniya, hinding-hindi ka magiging bayani. Hindi mo na mababago ang desisyon mong pag-iwan sa kaniya noon. Wala ka nang babalikang pwesto sa buhay niya."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Maging ang mga ngipin ko'y nagngitngit sa galit. He's pushing my buttons.
"See? Sumama ka na lang sa 'kin. For all of the people around you, I am the one who truly cares about you, Nica." Hinawakan niya ang mukha ko.
"Shut up or else I'll kill you."
Tumawa siya ngunit naputol ang pagtawa niya nang tumunog ang cellphone niya. "Speaking of the devil. Mukhang hinahanap ka ng nobyo mo. Sagutin ko ba ang tawag niya?" Pang-aasar niyang tanong.
"Tell me, sasama ka ba sa 'kin o sasabihin ko kay L ang lahat ng ginagawa mo?"
Hinugot ko ang baril mula sa bag ko tsaka ko siya binaril sa bibig bago pa man niya masagot ang tawag ni L. Dumanak ang dugo sa sahig. Walang pagdadalawang-isip na hinila ko ang katawan niya papunta sa libingang hinukay niya kanina. May silbi rin pala ang kabaong na ginawa niya kanina dahil in the end, siya rin pala ang gagamit. Tinabunan ko na ng lupa ang bangkay niya tsaka ako nagmadaling umalis.
***
Pumunta ako sa locker room upang itago pansamantala ang baril na ginamit ko. Wala naman sigurong maghihinala na may baril ako rito. Delikado rin kung iiwan ko sa headquarters dahil maghihinala sila sa akin. Pinaghahanap na rin nila si Bryce at imposibleng makita nila ang taong 'yon.
Nagpalit muna ako ng damit at nagsuot ng hoodie bago tuluyang lumabas ng school. Nagmadali akong pumunta sa police station kung nasa'n ang target ko sa misyong ito. Kailangan kong manmanan si Hepe Salonga at maghanap ng butas laban sa kaniya. Kailangan niyang maging kasapi ng Apple Fraternity upang maging immune kami sa batas.
Agad akong nagtago nang makitang papalabas si Hepe Salonga. Sumakay ito sa kaniyang sasakyan na animo'y parang may pupuntahan. Lihim ko siyang sinundan at hindi ko namalayang nasa isang liblib na lugar na kami. Nagulat ako nang may mga babaeng ipinasok sa sasakyan niya. Mga menor de edad at naka-uniform pa.
Malakas ang kutob ko sa mga ito at hindi nga ako nagkamali nang muli kong sundan ang sasakyan nila. Napunta kami sa isang building na mukhang sikat tuwing sasapit ang gabi. Bumaba ang mga pulis at nagpalinga-linga. Kasunod ay ang mga menor de edad na babae na sapilitan nilang pinapasok sa building.
Hindi ako nagpahuli at kinuhanan ko sila ng litrato maging ang pagbaba ni Hepe Salonga mula sa sasakyan hanggang sa makapasok siya sa loob ng building. Maya-maya pa ay pumasok na ako sa building ngunit isang malakas na pagpalo ang naramdaman ko sa batok ko.
Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at sumalubong sa paningin ko ang mga pulis lalong-lalo na ang Hepe na kasalukuyang nakaupo sa harap ko. Tiningnan ko ang sitwasyon ko. Nakaupo ako at nakatali ang kamay at paa ko sa upuan.
"Gising na siya hepe," rinig kong sabi ng isang pulis.
"Nakikita ko." Lumapit siya sa akin habang hawak ang cellphone ko.
"Bakit mo 'ko sinusundan?" Tanong niya. Nakatingin lang ako sa cellphone ko na tumutunog. Tumatawag si L at wala akong maisip na plano gayong nasa ganito akong kalagayan. Nakapaligid pa sa akin ang mga pulis na kapwa may mga baril sa tagiliran. Isang maling kilos ko'y mawawala na ako sa mundo.
"Ito ba ang boss mo?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot. Kung nasabi ko lang sana ang baho ng hepe na ito kay L ay magkakaroon ako ng tyansang makagawa ng alyansa sa pagitan ng Apple Fraternity at ng pulisya.
Nagulat ako nang sagutin ng hepe ang tawag at tinapat sa tenga ko. Naka-speaker din ang tawag kung kaya't rinig nila ang boses ni L.
(Nasa'n ka?")
Tumingin ako kay hepe at nakita ko siyang humudyat na sagutin ko ang tanong ng kausap ko sa tawag.
"Nandito sa... Sinundan ko sila hepe Salonga."
("Anong nalaman mo?")
Muli akong napatingin kay hepe at sa mga pulis na nakapaligid sa akin.
"Kumukuha siya ng mga menor de edad na babae at dinadala niya sa isang building."
Narinig ko ang pagtawa niya. ("I know you're there, chief. Can we talk?")
Kinuha ng hepe ang phone ko na para bang binibigyan ako ng paano-niya-nalaman-na-nandito-ako-look. Tinanggal niya sa loud speaker ang tawag at lumayo siya sa akin.
Ilang sandali pa ay pinalaya na nila ako. Ibinalik na rin ng hepe ang cellphone ko. At ang sumunod ay ang balitang malaya na kami sa batas. Nagtagumpay ang plano pagpapasapi ni L kay hepe Salonga at ngayon, nangangamba akong wala nang katatakutan si L. Mas lalong mahihirapan ang kahit na sinong pabagsakin siya.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top