Chapter 83: Scheduled Email

NICA

"I'm doing this 'cause I hate that woman."

Napasinghap ako sa narinig ko. 

"Why do you hate such a beautiful young lady?"

Ngumisi ito. "The same reason why you hate Aedrian."

Muling tumawa si L. 

"Alam mo magkakasundo tayo. Bakit hindi ka sumali sa fraternity ko? I can give you what you want. Money, power, whatever your heart desires."

"That's a good offer but I can't. Makakaramdam si Aedrian kung sasali ako sa inyo,  sagot nito. "But maybe kapag nagtagumpay kang sirain ang plano namin," dugtong pa niya.

Tila ba nagkakasundo sila sa tono ng kanilang pag-uusap. Hindi ko maialis ang tingin ko sa babaeng nakaupo na may suot pa ring talukbong sa kaniyang ulo. 

"Bukas, ipapadala ko sa 'yo ang kopya ng plano ni Aedrian. Makakaasa kang hindi kita tatraydurin katulad ng iba."

"At paano ako nakakasigurong hindi mo ako niloloko?"

"Feel free to kill me."

"No, no, para mas maganda, ikaw mismo ang magdala sa akin dito bukas. " Natatawang sambit ni L. 

"Sige. Walang problema." 

Inutusan niya na muli ang mga lalaking utusan niya na alisin na si Didrae sa lugar na ito. Maging ang bangkay na natuyo na ang dugo ay inalis na rin nila. 

"Kumusta pala 'yung misyon mo? Hindi mo pa rin ba nagagawan ng paraan na makuha ang loob ni hepe?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa. Humahanap pa rin ako ng pang-blackmail sa kaniya," sagot ko.

"Masyado ka yatang mabagal ngayon." 

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Kung wala kang mahanap na bala, tutukan mo ng baril. If you know what I mean."

Binitawan niya ako tsaka niya hinawakan ang baywang ko. Naramdaman kong nagsialisan na ang mga utusan niya. "Sa oras na mapasaatin si hepe, hawak na natin ang batas. At kahit anong gawin ni Aedrian, hindi niya ako mahuhuli. Walang batas na makakahuli sa akin." 

Sinimulan niya na akong halikan.

***

I'm on my way to the university when I saw a bunch of people in front of the gate. I forgot, ngayon na nga pala ang unang araw ng university week. Never notice the banderitas and the different booths on the field.

"Join our detective game to win a prize."

Napansin ko ang dalawang estudyanteng nagpapamigay ng mga flyers sa mga taong dumadaan papasok sa gate.

"Why don't you try to answer these riddles? Malaking pera ang mapapanalunan niyo!" Sigaw ng isa pang babaeng nagpapamudmod ng flyers. 

"Uy hindi ba, ikaw 'yung greatest detective in town? Bakit hindi mo subukang sumali?" Tanong sa aking ng isa habang nakaabang ang flyer kung saan nandoon ang mechanics ng laro. 

Sumingkit ang mga mata ko. "No thanks." 

Nilagpasan ko na sila.

"Ay snobber pala. Di wag." Rinig ko pang sabi niya. 

Dumeretso na ako sa room upang sumilip saglit sa mga kaklase ko na abalang-abala sa pag-seserve ng mga coffee at cupcakes sa customers. Coffee Shop pala ang ginawa ng section namin para sa university week. 

"Nica! Mabuti at dumating ka na. Halika at tulungan mo kaming magserve. Nag-cr kasi 'yung isa eh si ano. Nakalimutan ko 'yung pangalan," utos sa akin ng vice president namin.

"May gagawin ako eh," sagot ko. Naalala ko na namang kailangan kong pumunta sa police station para humanap ng butas laban kay hepe. Nararamdaman ko talagang may tinatago siyang pwede naming gamitin upang mapasunod namin siya. 

"Sandali lang naman. Mamaya pagbalik niya, pwede ka nang umalis." 

Wala na akong nagawa kundi suotin ang isang apron na parang galing pa yata sa anime ang itsura. Magrereklamo pa sana ako nang iabot niya na sa akin ang isang tray na may nakapatong na kape at cake. 

"Sa table number 12 'yan."

Sinunod ko ang utos niya at pumunta sa sinabi niyang table. 

"Excuse me, here's your order po," sabi ko sabay lapag sa harap niya ng mga in-order niya. Ibinaba niya ang dyaryong binabasa niya kaya napantingin ako sa kaniya. Laking gulat ko nang makita ko ang isang babaeng nakita ko kagabi. Si Didrae. 

Ngumiti siya na para bang close na close kaming dalawa sa isa't isa.

"Nandoon ka kagabi, tama?" Tanong niya. Naalala ko ang sinabi niya kagabi. Tama, how can she tell na nandoon ako kung nakatalukbong siya. Itinuro niya pa ako sa pagkakatanda ko. 

Tumawa siya. "I saw you. Nakita ko rin siya." Napalakas ang tawa niya dahilan upang magsitinginan ang mga tao sa dako namin.

"Kahit ibigay ko ang plano kay L, hindi 'yon magtatagumpay kung hindi ka sasali sa detective game namin. Alam mo naman kung anong ibig kong sabihin, hindi ba?" Nakangiti niyang sabi sabay itinuon ang siko sa table niya.

"Wala kang choice kundi ilagay sa kapahamakan ang buhay ng kaibigan mo. Sa ayaw at sa gusto mo, sasali ka sa detective game." 

Inilabas niya ang flyer at ipinatong sa table niya. Humigop siya ng kape tsaka tumayo at tuluyan nang lumabas sa room namin. Naiwan akong nakatunganga sa flyer na iyon. Napakagat ako ng labi nang ma-realize na wala nang ibang paraan para makaalis rito. Sa oras na mabigay ni Didrae ang plano kay L, maging siya ay pipilitin akong sumali doon upang ma-corner si Aedrian. 

Hindi 'to pwedeng mangyari. Kailangan kong mag-isip ng paraan!

Bumalik ako sa sulok kung saan ang preparation area ng section namin. Akmang huhubarin ko na ang apron nang makita ako ng vice president namin.

"Sorry Nica, wala pa kasi si ano eh. Pwede bang tumulong ka muna?"

"I told you. May gagawin ako," matigas kong sagot. 

"Pero kasi kulang tayo sa tao. Please, tulungan mo kami." 

Napansin ko ang pila sa labas. Totoong marami ngang taong dumadagsa sa coffee shop namin. 

"Isang oras. Isang oras lang at may kapalit man o wala, aalis ako." 

Nakita ko siyang tumango at ngumiti. Tinalikuran ko na siya at muling kumuha ng tray na ise-serve sa customers. May ginagawa man ay hindi ko itinigal ang pag-iisip ng posibleng paraan para makaalis sa gulong paparating. Ito pala ang mas mahirap, ang pag-iisip ng sagot sa problemang hindi pa naman dumadating. Mas maraming kailangang paghandaan. Mas maraming tanong na kailangang sagutin. Ngunit isa lang ang malinaw sa akin, hindi ko dapat mailagay sa kapahamakan ang buhay ni Aedrian. 

Kumampi ako sa kalaban upang alamin at pag-aralan ang galaw ni L. Upang magtrabaho nang palihim at sundan ang mga kilos niya. Kinuha ko ang tiwala niya maging ang puso niya katulad ng pagkuha niya sa akin mula sa kaibigan ko. Hindi ko hahayaang masayang ang lahat nang ganito. Malapit ko nang maisagawa ang kabuoang plano. Ang planong pagpapabagsak kay L.

Kinuha ko ang cellphone ko at muli akong nagsend ng scheduled email kay Aedrian. Sa tamang panahon, malalaman mo rin ang lahat.

###



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top