Chapter 82: Woman Hate

NICA

"Aedrian was seen in Laguna University," rinig kong balita ng isa kay L.

"Ano?! Akala ko ba nailibing siya ng buhay ni Bryce." Bakas sa tono niya ang galit at pagkagulat sa balitang narinig.

"May tumulong sa kaniyang makaahon sa lupa, boss."

"So Aedrian is alive. I see. Dalhin niyo sa akin si Bryce. Ngayon na," utos ni L.

"Boss, hindi namin makita si Bryce. Wala siya sa mga posibleng lugar na puntahan niya," sambit ng isa pang lalaki na naging dahilan ng mas lalong pagkainis ni L.

Lihim kong itinago ang baril sa bag ko. Inilagay ko ito sa ilalim ng kama.

"Hanapin niyo siyang maigi. Dalhin niyo siya rito. Kung pumalag, ilaglag."

Lumabas ako sa kwarto ko dahilan upang mapatingin sila sa akin. Alam nilang naririnig ko ang pag-uusap nila.

"Baka kaya hindi mahanap, dahil ayaw magpahanap," sabat ko.

Lumapit sa akin si L. Masama ang tingin niya. "Are you that happy? To know that your friend is alive?"

Hindi ako sumagot.

"Saan ka pumunta noong gabing inilibing siya ni Bryce? Ikaw ba ang tumulong sa kaniya? Ha?" Paghihinala niya. Napahinga ako nang malalim lalo nang hawakan niya ang baba ko.

"Kapag nalaman ko lang na bumabaliktad ka, sinasabi ko sa 'yo, kahit mahal kita, papatayin kita sa harap niya."

Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan. Binitawan niya ako. Rinig ko ang pag-ring ng phone niya na para bang may hinihintay siyang sumagot sa tawag. Lumawak ang ngiti niya nang tumigil ang tunog.

"So totoo nga ang balita, buhay ka pa Aedrian."

Nagngitngit ang mga ngipin ko nang marinig ko ang pangalan niya.

"Really? Hindi ka pa rin tumitigil? You're planning something, aren't you?"

Napayuko ako at dagling hinabol ang mga malalalim kong paghinga.

"I told you before, you'll never lure me out. You'll never get the justice you've been longing."

Naramdaman kong tumingin sa akin si L. Ngumisi siya.

"Sige lang. But ask yourself, handa ka bang malaman ang totoo?"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Ibinulsa niya na ang phone niya at saka tumingin sa mga lalaking utusan niya.

"Alamin niyo kung sinu-sino ang nakasama ni Aedrian noong nakita siya sa university. Dalhin niyo rito ang mga taong nakausap niya."

"Masusunod po."

Ilang sandali lang ay may dumating na ilang estudyante dito sa hideout. Lahat sila ay ay may talukbong sa ulo. Ang isa ay pinaupo sa isang upuan. Nakatingin kaming lahat sa kaniya. Kitang-kita ko ang panginginig ng kaniyang tuhod. Maging ang pagkutkot niya sa kaniyang mga kuko.

"Sabihin mo sa 'kin, anong kinalaman mo kay Aedrian?"

"Aedrian? Aedrian Alminario?" Tanong nito. "Kak-kaklase ko siya. S-siya ba ang dahilan kung bakit niyo ako dinala rito? Siya ba?" Dagdag pa niya.

"Oo siya. Mali kayo ng napiling kaibigan."

"Kaibigan? Hindi namin siya kaibigan! Tinutulungan niya lang kami sa project namin!" sabat ng isa na mukhang nababahala na rin sa kaniyang naririnig.

"Oo nga! Bakit niyo ba kami dinala rito? Wala naman kaming kinalaman sa kaniya! Bakit hindi si Didrae ang kunin niyo? Siya ang pinsan ni Aedrian!"

"Pinsan?" Tumawa si L. "May pinsan si Aedrian?" Tumingin siya sa isang lalaki na nasa ilalim rin ng kapangyarihan niya. "Hanapin mo ang tinutukoy niya at dalhin mo siya rito."

"Tama! Si Didrae na lang ang kunin niyo. Pakawalan niyo na kami!"

"Tumahimik ka! Inuutusan mo ba ako?" Galit na sigaw ni L. "Kanina ka pa sumasabat ah. Wala kang galang."

Hinila niya ang taong 'yon at siya ang pinaupo. Sumigaw ito nang malakas dahilan upang lalong mainis si L.

"H-huwag niyo akong saktan! G-gagawin ko ang lahat, huwag lang akong mamatay!" Ikinukuskos siya ang dalawa niyang palad na para bang nagsusumamo na huwag siyang gawan nang masama.

"Gagawin mo ang lahat?" Pag-uulit ni L.

"O-oo." Tinanggal ni L ang talukbong sa ulo nito dahilan upang makita niya kaming lahat.

"I-ikaw? Kasama ka rito? Hindi ba't ikaw ang greatest detective in town? Sandali..." Pagtukoy niya sa akin. Halatang hindi siya makapaniwala nang makita ako ngunit lalong tumindi iyon nang makita niya ang lalaking kaharap niya. Ang lalaking kausap niya.

"Ikaw 'yung lalaking ipinakulong ni Nica pero bakit nandito ka? Hindi ba't namatay ka na? P-papaanong nangyari?" Bakas ang pagkalito sa mukha niya.

"It's uncanny to have someone looks like me. That's my first reaction too when I saw that guy. So I used him and include to my plans. He became the president of the Apple Fraternity when he's just a member of it."

"Dahil ikaw ang totoong nasa likod nito. Ako, ako, isali mo rin ako. Susundin ko lahat ng iuutos mo."

Tumawa nang malakas si L at napapalakpak. "See that? You should learn from her," komento niya sa akin.

Pinalapit niya ang isang lalaki doon sa babae sabay pinayuko. Sinimulan na siyang lagyan ng tattoo sa batok. Hindi naman natinag ang babae at nakangiti ito nang matapos.

"I'm one of you now. Anong kailangan kong gawin? May misyon ba ako? Papatayin ko ba si Aedrian?" Sunod-sunod niyang tanong na para bang nasisiraan ng ulo.

"You just got to stay still," sambit ni L. Sabay kuha ng baril at ipinutok sa babaeng iyon. Napasigaw ang mga taong nakatalukbong dahil sa kanilang narinig. Kahit ako, hindi ko inaasahan na papatay siya sa harap ko.

"Kayong lahat ng mga nandito, sabihin niyo sa akin ang pinaplano ni Aedrian. Hindi kayo makakaalis hangga't hindi niyo sinasabi sa akin."

"Ako, ako ang magsasabi." Napunta ang atensyon namin sa boses ng isang babae na nakatalukbong din. Hawak siya ng lalaking inutusan ni L kanina.

"Boss, nahanap na namin si Didrae. Ang pinsan ni Aedrian."

"Dalhin niyo siya rito."

Pinaltan nila ang upuan kung saan nandoon ang bangkay ng babae at nagkalat na dugo nito. Pinaupo nila si Didrae at sinimulang kausapin ni L.

"Alam ko ang plano ni Aedrian. Sasabihin ko sa 'yo lahat sa isang kondisyon." Nawalan ako ng hininga nang marinig iyon sa kaniya. Ang taong pinagkakatiwalaan ngayon ni Aedrian ay siya ring bumabaliktad sa kaniya.

"Anong kondisyon?"

"Palayain mo ang lahat ng mga kaklase ko upang hindi makahalata si Aedrian na alam mo na ang plano."

Ngumisi si L. "I see." Inutusan niya ang mga lalaking may hawak sa mga kaklase ni Didrae. Umalis ang mga ito at naiwan kaming tatlo. Ako, si L at si Didrae.

"We're planning to hold a detective game sa darating na university week. It was all planned by Aedrian. And I can see that he's trying to save his friend from you." Tumingin ito sa akin. Napakunot ang noo ko. What is she trying to do?

"Ibibigay ko sa inyo ang kopya ng plano maging ang final destination kung saan maaaring iligtas ni Aedrian si Nica. All you need to do is wait for the right time and kill him."

I clenched my fist trying to maintain my composure. Is this the feeling of seeing someone betraying a friend? Ito pala ang pakiramdam. Kinakain ako ng sarili kong karma.

"Tell me, why are you doing this? Aren't you his cousin?" Tanong ni L.

"I'm not. I'm doing this 'cause I hate that woman." Tinuro niya ako. Nakakapagtaka na naituro niya ako gayong nakatalukbong ang mukha niya.

Malakas na paghalakhak ni L ang pumuno sa apat na sulok ng hideout na ito. Ang alingawngaw ng tawa ng demonyo ang sumisira sa tenga ko. Hindi ko lubos maisip na ito ang pinili ko, ang kapalarang maging masama habangbuhay.

###




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top