Chapter 81: Her Confession
AEDRIAN
"Do you have someone in your mind na maaaring pumatay sa pinsan mo?" Tanong ko.
"I don't know. The only person who was suspicious beside her was her boyfriend, Levi Villanueva."
Napasinghap ako nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Sinasabi ko na nga ba. Siya ang hinahanap ko.
Nilabas niya ang isang litrato kung saan naroon ang dalawang tao. Isang babae at isang matabang lalaki.
"That guy didn't even bother to visit the wake of my cousin."
Napatingin ako nang maigi sa picture na inilapag niya sa lamesa. Napakunot ang noo ko.
"Who's this guy again?"
"Apple's boyfriend, Levi Villanueva. Do you know him?" Tanong niya.
"Ganito talaga siya kataba noon?" Paniniguro ko. Ibang-iba ang itsura ng Levi Villanueva na tinutukoy niya sa kilala kong Levi Villanueva ngayon. Naalala ko na naman ang pagsisinungaling niya sa akin tungkol sa pangalan niyang Robin. Sandali, paano niya nakilala ang kapatid ko? Coincidence lang ba ang paggamit niya sa pangalang iyon. Napaisip ako nang malalim.
"What do you mean? Wala kasi akong balita sa kaniya. After Apple's death, nawala siya na parang bula. Kahit noong puntahan ko ang bahay niya upang subukang kausapin siya tungkol sa pagkamatay ng pinsan ko, hindi ko siya natagpuan."
"Dahil ito na siya ngayon." Ipinakita ko sa kaniya ang larawan na nakuha ko noon sa locker ko. Ang picture ni Nica na kasama si L.
"No way! Are you sure? Wait, natatandaan kong siya ang nakita ko noon nung pumunta ako sa Effloresce. Don't tell me, si Levi 'yan?" Halata sa mukha niya ang pagkalito. "Bakit kamukha siya ni Romeo? That guy na nakulong all because of that greatest detective in town." Tinuro niya si Nica.
Hindi ako nakasagot.
"Wait, it makes sense now. Her confession."
Nakita kong kinuha niya ang phone niya at may ini-scroll. She played a video clip and showed it to me. Natigilan ako nang makita ko ang mukha ni Nica.
"It was their project. A video of confession. Kumalat ito noon sa campus because it was so heart-breaking. Kaya pala sinabi niyang..."
I was dumbfounded when I went out of that cafeteria. I heaved a sigh. I can't believe what I just saw. Is that the whole truth? Was that the reason why she left me?
"Aedrian!" Nabalik ako sa reyalidad nang may umakbay sa akin. "Kanina pa kita hinahanap. Akala ko hindi ka na papasok."
Napatingin ako sa kaniya. Agad kong nakita ang pagkawala ng mga ngiti sa labi niya at napalitan ng pag-aalala.
"May nangyari ba?" Tanong niya.
"Didrae," tawag ko sa pangalan niya.
"Yes?"
"We need to make some changes about that riddle game."
"What do you mean? We're almost done. Why so suddenly do we need to make some changes?" Sunod-sunod niyang tanong pero hindi ko na siya sinagot pa at nauna nang maglakad papunta sa room namin.
Kinausap ko ang mga kaklase kong nag-o-organize ng detective game na gagawin namin sa nalalapit na University Week. Pumwesto ako sa harapan at nagsulat sa white board ng plano.
"This game is open for all. We'll assign people to distribute the flyer kung saan naroon na rin mismo ang first riddle. And then, kapag nasagot nila, it will take them to a room. Nandoon naman ang second riddle which will be a clue to their next destination. At kung sinong maunang makapunta sa last destination, which means makasagot ng riddles ay siyang panalo."
Tumango-tango ang mga kasama ko at ang ilan ay nagte-take ng notes.
"Kaming dalawa na ang magbibigay ng flyers," suhestyon ng isa kong kaklase na babae.
"Okay, make sure na mabibigyan ang lahat. Hindi man sila sumali, ang mahalaga marami tayong prospects. It will lead us to winning the competition for our finals," sambit ng president namin.
"Then mag-a-assign din tayo ng mag-mo-monitor each destination para malaman natin kung sino talaga 'yung nauna at nakasagot ng tama."
"What will be our price sa mananalo?" Tanong ng isa pang officer.
"Maybe plaque? Or money?"
"Kung may money involved, we'll ask for sponsors. We'll check na rin kung enough 'yung contribution natin sa class or if not, we really need to find sponsorships."
Ilang sandali pa kaming nag-brain storming tungkol sa kalalabasan ng detective game. Maging sa gagawa ng props at ng mga essentials sa mga riddles na ginawa namin.
"What about our final destination? Sinong mag-aayos no'n?" Tanong ng isa.
"Mukhang imposibleng may makarating sa final destination. Mahihirap din ang puzzles and riddles natin eh."
Napansin kong tumingin sa akin si Didrae. Tila ba sinusubukan niya akong basahin.
"Ako nang bahala. Believe me or not, may isang makakarating sa final destination," komento ko.
Natapos ang meeting namin na buo na ang ideya. Preparation na lang ng mga necessities like layout ng flyers and setting up ng hidden cameras, banners etc. Nagpaalam na ang iba sa amin.
"We'll make sure na maganda ang kalalabasan ng detective game na ito, Aedrian," sambit ng president namin tsaka siya nagpaalam na mauuna nang umuwi. Naghanda na rin ako sa pag-uwi.
"Aedrian." Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Didrae.
"Yes?"
Umiling siya. "Wala. Uwi na tayo."
***
Pagkatapos kong maglinis, dumeretso na ako sa kama at humiga. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang video na pinasa sa akin ni Abbie Kate kanina. Naalala kong may ganito nga kaming project noon. Hindi na pala ako nakagawa nito dahil sa mga nakalipas na nangyari.
Napahinga ako nang malalim at muling nagdesisyon na panoorin ang video. Napapikit ako bago ko pinindot ang play button.
"Hi, I know by the time you're watching this wala na ako sa tabi mo. Malayong-malayo na sa 'yo. But still, I want you to know na hindi man kita pinili, hindi ko man piniling mag-stay, I'm doing this for your own good. I did my best to consider everything and my decision lead me to this. I have to go. I got to let you go in order to protect you. I'm a bad person and I'm trying to use that reason a purpose to end this. You may never understand this, might never forgive me but I'll be going with him. You don't deserve to have a friend like me. You don't deserve to be included in my miserable life. You deserve to be happy."
Nakita ko siyang bahagyang ngumiti.
"Hey, are you a detective?"
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top