Chapter 80: The Death of the Apple

AEDRIAN

"Didrae, nakita mo ba 'yung bag ko?" Tanong ko sa kaklase ko. Kanina ko pa kasi hinahanap 'yung bag ko pero hindi ko makita. 

"Hindi eh. Bakit?" 

"Hindi ko mahanap."

"Wait, dala mo ba 'yun noong pumunta ka sa sementeryo?" 

Natigilan ako nang maalalang dala-dala ko nga 'yon noon at nawala na sa isip kong kunin sa pagmamadaling makaahon mula sa libingang iyon. 

"Patulong na lang tayo kay uncle na hanapin 'yung bag mo. Ano bang laman no'n?" 

"Mahalagang bahay para umusad ang kaso laban kay L."

Tumango-tango siya. "Nandoon si uncle sa office. Gusto mo ba ako na ang pumunta o ikaw na?"

"Ako na," sagot ko tsaka ako naglakad paalis.

"Wait Aedrian, hindi ka ba papasok?" Tanong niya at napansin kong naka-uniform nga siya. May pasok ba ako ngayon?

"Bakit?"

"Punta ka sa school. Pinaghahandaan na kasi 'yung sa university week. We need your help."

"Sure." Ngumiti siya bago nagpaalam na papasok na. Tumuloy na din ako sa office upang humingi ng tulong kay Leo na hanapin ang bag ko. Nandoon ang file case ng Arson 2007 at nandoon ang newspaper year 2015. Nasa bag ko pa ang diary ni Apple Fratern. Hindi pwedeng mapasakamay ng kalaban.

Napansin kong bukas ang pinto. Kumatok ako bago tuluyang pumasok sa pintuan. Nakita kong nakaupo si Leo at may binabasa. Sandali akong napanganga nang makitang diary iyon ni Apple Fratern. Tumuon ang mga mata ko sa mga gamit na nakapatong sa table niya. Ang bag ko.

"This is the diary of Apple Fratern. I tried to read it last night but I'm not yet finished. Fortunately, may nakuha na akong lead kung sino ang totoong L. It must be Apple Fratern's friend, no, it was her boyfriend."

Tumingin siya sa akin. "Pero hindi pa ito sapat na ebidensya para mahuli natin siya. We need to do something para mapaniwala natin ang mga pulis na hindi si Louise Villaruel ang totoong L upang mabuksan muli ang kaso ng pagkamatay ni Louise Villaruel at ang mga kasong kinasasangkutan ng kriminal na si L."

"They must see him."

"Mapapahamak ang makakakita sa totoong L," sambit ni Leo.

"Unless masiguro nating makukulong siya at hindi na siya makakalabas pa," sagot ko. Nakita kong tumango-tango si Leo na para bang nag-iisip din siya nang paraan kung paano namin tuluyang mahuhuli si L.

"Nga pala, saan mo nakita 'yang bag ko?"

"It came from your friend."

Kumunot ang noo ko. "Friend?" Napasinghap ako nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya. "You mean, Nica?"

"Yes, and she gave me this too." Pagtukoy niya sa hawak niyang diary. Napaisip ako. What is she up to now? Why would she give us the diary? And also return my bag here? 

"I'm confused. Bakit niya ibibigay sa 'yo ang isang bagay na pwedeng magturo sa pinuno niya? Tell me, is she on our side? Or this is just another tactics of her?"

"Why don't you ask her yourself?" 

Mas lalong kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"She knows you're alive."

"You told her?" Tanong ko.

"She went to your grave and check if you were really buried there."

Natawa ako. "Of course, she will check. She has to know and assure my death."

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni Leo.

"Don't trust her fully, Leo. He once betrayed me and conspire with L. She might be doing that again."

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na sa office ni Leo. Tiningnan ko ang loob ng bag ko at nakitang nandito pa rin ang file case ng Arson 2007. Ganoon din ang dyaryo na nakuha ko sa library. Speaking of the library, haven't I got the number of that librarian?

Sinubukan kong tawagan ang number ng librarian na sa pagkakatanda ko ay Abbie Kate ang pangalan. I told her to meet me in the nearest cafe from the university. 

"Aedrian," bati niya sa akin nang makita niya akong nakaupo sa pinakadulong table. Tumingin siya sa paligid bago umupo.

"What took you so long to contact me?"

Dumating na 'yung waiter and served our drinks. 

"May nangyari lang," sagot ko. 

"Akala ko hindi ka na interesadong malaman ang tungkol sa pagkamatay ng pinsan ko. Aedrian, tulungan mo akong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Apple Fratern."

Hindi ako nakasagot kaagad pagka't nakatingin lang ako sa kaniya. Mukhang matagal niya na ring inaasam ang buong katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kaniyang pinsan.

"Nabasa mo na ba 'yung article about my cousin?" Tanong niya.

"Yes, I did but I am confused of that part if it's true or not."

"Which part?" 

"Here." Inilabas ko ang dyaryong nakuha ko sa kaniya at binuklat ang parte kung nasaan ang maiksing article tungkol sa pagkamatay ni Apple Fratern. 

"Sure na sure ang writer ng article na 'to na murder nga ang nangyari kay Apple Fratern."

"Dahil totoong may pumatay sa kaniya. Hindi magpapakamatay ang pinsan ko."

"But here is someone's confession about your cousin's case." Ipinakita ko sa kaniya ang video na nakuha ni Didrae noong inililibing ako ng buhay ni Bryce.


"Ikaw... Ikaw ang nagpako kay Louise Villaruel."

"Kailangan kong gawin e. 'Yoko pang mamatay." 

"Kailangan? Bakit? Bakit kailangan mo siyang patayin?"

"Hindi mo alam? Okay tutal naman ililibing na kita, sasabihin ko na sa 'yo. Nalaman niya ang lihim na agenda ng fraternity nang maging member siya ng Apple Fraternity. Nakita niya pa ang diary ni Apple Fratern. Masyado na siyang maraming nalalaman kaya kailangan niya nang mamatay."

"Hindi ba't ang fraternity na iyon ay para tumulong sa mga may disabilidad. At kaya niyo ginagawa ang lahat ng ito ay para malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Apple Fratern? Paanong hidden agenda?"

"Matagal nang alam ni L ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Apple Fratern. She was raped by a police officer. At nabuntis si Apple dahil doon. Hindi matanggap ni L ang nangyari kaya nagpakamatay si Apple."

"Kung gano'n anong hidden agenda ng Apple Fraternity ngayon?"

"Kapangyarihan... Pera."


Nakita ko ang pagpikit ni Abbie Kate na tila ba hindi maatim ang kaniyang napanood. "A part of it is true. She was raped. That night, she told me na pupunta siya sa boyfriend niya because she was invited to a birthday party." Tukoy niya noong gabing huli niyang nakasama ang pinsan niya.

"And then tomorrow that night, she was discovered dead on the ladies comfort room." Tiningnan ko ang date kung kailan na-publish itong dyaryo. "Dahil may laslas sa pulso ang pinsan ko kaya naisip nilang suicide nga ngunit nakapagtataka na bakit sa school pa siya matatagpuang patay. Bakit siya doon magpapakamatay?"

Napakunot ang noo ko. Totoong nakapagtataka ang bagay na 'yon. Kung noong gabi ay nasa party siya kasama ang boyfriend niya, bakit mapapunta ang katawan niya sa ibang lugar?

"Two days after, that newspaper was published," dagdag pa niya. "My questions are also in the said article. Pareho kami ng tanong. Anong dahilan kung bakit magpapakamatay ang pinsan ko? She was a founder of a good fraternity. Unless, someone have grudge on her."

Napaisip ako. Unless may naiinggit sa kaniya, maaaring 'yun ang dahilan kung bakit siya pinatay. I don't know. I need some evidences and truth. I need to know why her body was discovered in the comfort room of our university.

"And because of that newspaper, police agreed for the autopsy and discovered that she was raped but suddenly the investigation stopped. The case was closed. It remains as suicide case. At hindi na rin nasundan ang article na 'yan."

"Kilala mo ba kung sinong sumulat ng article na ito?" Tanong ko dahil ang nakalagay lang sa article nito ay ang pseudonym niya.

Umiling siya. 

Muli kong tiningnan ang article at napakagat ang labi. Posibleng may alam ang taong sumulat ng article na ito. 


The Death of the Apple

Written by Dick Brain


###



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top