Chapter 8: Sleeping Death

Naiwan ako sa classroom which is ang naisip ko na lang na paraan para magpalipas ng oras ay matulog. Mag-aalas dos na nang magising ako. Naisipan kong lumabas ng kwarto at pumunta sa hall. Baka naman tapos na ang play dahil dalawang oras na rin ang lumipas.

"Anong eksena na? Nako naman patapos na yata!" Rinig kong tanong ng babae sa lalaking nagbabantay sa labas.

"Medyo malapit na."

"Ganun? Sige pasok na 'ko." Inabot niya ang ticket niya tsaka siya pumasok. Mukhang inaabangan talaga ang play na 'to ah kahit patapos na may gusto pa ring manood. Pumihit ang pinto kaya natanaw ko ang maraming taong nakaupo habang pinapanood ang play. Hindi ko talaga maintindihan, ano bang meron sa Snow White and the seven dwarfs? I have no idea.

"Teka, huwag mong isara." Utos ko sa lalaki nang akma niyang isasara ang pinto.

"Ano ka ba? 'Di mo rin makikita sa malayo. Eto oh may live streaming ako." Ipinakita niya sa 'kin ang cellphone niya. "Secret lang natin 'yan. Confidential ang link na 'yan para sa 'ming mga organizer." Tumango na lang ako dahil naiintindihan ko sila; na gusto nilang masubaybayan ang palabas kahit habang nasa trabaho sila.

Tumututok ang eksena sa isang magandang babae na kaharap ang salamin. "Magic mirror, on the wall, who, now, is the fairest one of all?"

"Over the seven jeweled hills, beyond the seventh fall, in the cottage of the Seven Dwarfs, dwells Snow White, fairest of them all." The mirror said.

"Snow White lies dead in the forest. The huntsman has brought me proof. Behold, her heart." The evil queen replied.

"Snow White still lives, fairest in the land. 'Tis the heart of a pig you hold in your hand."

"The heart of a pig! Then I've been tricked!"

Napatingin ako sa lalaki when he cleared his throat. "Akin na, napapasarap ka na yata d'yan." Kinuha niya sa 'kin ang cellphone niya. Pero dahil sa malakas na speaker ng cellphone niya naririnig ko pa rin ang sounds ng play.

"But wait! There may be an antidote. Nothing must be overlooked. Ah, hear this! The Victim of the Sleeping Death can be revived only by Love's First Kiss. Bah! No fear of that. The dwarfs will think she's dead. She'll be buried alive!"

"Bakit kasi hindi ka bumili ng ticket kung gusto mo palang manood?" Tanong niya sa 'kin habang ang atensyon niya ay nasa screen pa rin ng cellphone niya. "Sayang tuloy. Maganda pa naman ang palabas."

"Mukha ngang inaabangan ng lahat ang play na 'to. Bakit?" Tanong ko.

"Last play na kasi 'to ng bida. Kilala mo? Si Lyca. Ang balita kasi aalis na siya sa club at ito na ang last project niya."

Kaya pala marami ring nanood. Bakit kaya siya aalis?

"All alone, my pet?"

"Why? Why? Yes, I am, but..."

"Then the little men are not here?"

"No, they're not, but..."

"Mmm, mm-hm, baking pies?"

"Yes, gooseberry pie."

"It's apple pies that make the menfolks' mouths water. Pies made from apples like these."

"Oh, they do look delicious."

"Yes, but wait till you taste one, dearie. Like to try one, hm? Go on. Go up to on, have a bite."

"Ano bang kwento ng Snow white and the seven dwarfs?" Out of the blue kong tanong dahil na-curious na rin ako sa nakikita kong ekspresyon mula sa lalaking ito.

"Hindi mo alam? Sigurado ka? Hindi mo pa ba napapanood ang original cartoon version nito?" I shooked my head. "Pambihira! Ako'y naaawa sa 'yo. Oh eto na nga." Inihagis niya sa 'kin ang cellphone niya. Mabuti na lang at nasambot ko.

"And because you've been so good to poor old Granny, I'll share a secret with you. This is no ordinary apple, it's a magic wishing apple."

"A wishing apple?"

"Yes! One bite and all your dreams will come true."

"Really?"

"Yes girlie. Now make a wish and take a bite."

"Anong mangyayari 'pag kinagat niya 'yung mansanas? Matutupad nga 'yung mga pangarap ni Snow White?" I asked and heard his chuckle. "Panoorin mo na lang." Sagot niya habang ngumingisi at umiiling.

"Oh, I feel strange. P-poison..."

Kumunot ang noo ko. Lason? May lason 'yung mansanas?

"Ha? Poison?" Napatingin ako muli sa lalaking kababakasan ngayon ng pagtataka. Para bang may ni-check siya sa laptop niya. "Wala 'yon sa script."

"Anong wala sa script? Wala ba sa script na malalason siya?"

Ibinalik ko ang mata ko sa screen kung saan nakikita kong naghahabol na ng hininga si Snow White.

"Her breath will still. Her blood congeal."

"P-poison... P-poison... Apple..." Snow White drops onto the floor and now the queen's cackling. "Now I'll be fairest in the land!"

Humanga ako sa galing ng pag-arte ng kaklase ko. Aakalain mo talagang totoong nalason siya. Ngayon ko lang nalaman, hindi naman pala masamang manood ng mga ganitong play kahit talagang malayo sa katotohanan. Isasauli ko na ang phone nang mapansing nakakunot ang noo nito. "May problema ba?"

"Alam mo kasi, sa tagal ko nang nandito sa trabaho, ni minsan sa play hindi siya nag-adlib." "Adlib?"

"Si Lyca. Hindi siya nag-aadlib dahil magaling siyang actress, magaling siyang magkabisado ng linya niya. Praktisadong praktisado niya na ang mga lines na sasabihin at ang mga gagawin niya pero bakit ngayon, nag-adlib siya? Nakakapagtaka. Wala 'yon sa script."

"Ano bang sinasabi mo?" Kukunin niya na sana ang cellphone niya mula sa kamay ko nang ilayo ko sa kaniya upang muling tingnan ang screen at ang kakaibang itsura ni Snow White. Kung totoong arte lang niya ito, bilib na bilib ako.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top