Chapter 79: Last Hope
DIDRAE
Pumunta ako sa sementeryo upang sundan si Aedrian. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Paano naaatim ng isang taong gumawa ng masama laban sa kapwa niya?
I couldn't move for a moment. Bakit naging ganito kasama ang mundo? Bakit may mga taong pinipiling maging masama kung pwede namang mabuhay sila ng tahimik at matiwasay? Walang inaapakan. Walang kailangang apihin.
Gusto ko mang iligtas si Aedrian ngunit wala akong magawa. Kailangan kong makaisip ng paraan para matulungan si Aedrian nang walang nakakapansin. Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang kuhanan sila ng video.
"Bryce..." Rinig kong sabi ng kaklase ko sa kaniya. Gising na siya. Sa wakas.
"Sa wakas, akala ko hindi mo na maaalala ang pangalan ko."
Napahinga ako nang malalim nang marinig ko ang boses niya. Sinisiguro kong makukulong ka dahil sa mga ginawa at ginagawa mo kay Aedrian.
Lumipas ang ilang sandali nang iwan niya ang lugar na ito. Nang masigurado kong nakalayo na siya, naghanap ako ng paraan para tulungan si Aedrian. Kailangan kong maghanap ng pala.
"Babalik ako, Aedrian."
Sinubukan kong maghanap ng pala o kahit na ano mang pwedeng gamitin upang makahukay nang mabilis. Nakakita ako ng walis at dustpan sa gilid ng isang sosyal na libingan. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko iyong kinuha. Nagmadali akong bumalik kung saan inilibing si Aedrian nang buhay.
Nabitawan ko ang dala ko nang makitang parang may gumagalaw sa ilalim ng lupa. Halos mapasigaw ako nang may lumabas na kamay. Zombie Apocalypse na ba?
Hindi ko na talaga napigilang sumigaw nang may bumangon mula sa lupa.
"Didrae. Shush."
Nagtaka ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Naaninagan ko ang kamay na parang may binubuksan sa upper part ng katawan niya. Wait, ulo ba yon? Na tinakpan ng damit?
At iniluwa no'n ang pagmumukha ng kaklase kong si Aedrian.
"Come here, help me."
Nabalik ako sa wisyo at tinulungan ko siyang makaalis sa pagkakalibing.
"What exactly did you do to survive?" bulalas kong tanong.
Pinagpagan niya ang sarili niya bago nagsimulang maglakad papalayo sa sementeryo. Sinundan ko lang siya. "I covered my head using my clothes para hindi maprotektahan yung mata ko. Then I try to kick the lower part of the wooden coffin hanggang sa masira. And then---"
"I get it. I get it now Aedrian. So what do we do now?"
Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Remember the detective game I made?"
"What about it?" Tanong ko.
"You need to perfectly execute that, mawala man ako."
Napatigil ako sa paglakad. Napansin naman niya iyon.
"And also, I think you should turn off the flashlight of your phone now."
Napatingin ako sa bulsa ko at nakitang may liwanag ngang tumatagos mula sa phone ko. Wala akong natatandaang binuhay ko ang flashlight nito. Kinuha ko ang phone ko at nakitang hindi ko pa pala napapatay 'yung video. Napanganga ako nang ma-realize na second life ko na pala ito. Nagvi-video ako kanina nang naka-on 'yung flash! What a stupid! Didrae!
"Can you send me a copy of that video?" Wala akong nagawa kundi sumang-ayon sa kaniya.
"Matibay itong ebidensya para makulong si Bryce sa pagsaksak niya sa akin noon maging ang pagpatay niya kay Louise Villaruel. Ito rin ang magpapatunay na hindi si Louise Villaruel ang totoong L," paliwanag ko.
"Maniniwala ang mga pulis?" Tanong ko. Alam ko na rin ang bagay tungkol kay L, ang pagpapakita niya sa mga pulis na naging dahilan ng pagsunod ng marami sa kaniya. Madali niyang nababaliktad ang katotohanan.
"Katulad nga ng sinabi ko, itong video na ito ang magpapatunay na hindi si L ang nakita nila noon kundi si Louise Villaruel."
"Hindi basta-basta maniniwala ang mga pulis. Imposibleng may dalawang taong magkapareho ang mukha."
Nakita ko siyang tumango. "Tama ka, kaya kailangan nating humanap ng ebidensyang magpapatunay na magkamukha nga silang dalawa o kaya..."
Napatingin ako sa kaniya. Ganoon din siya sa akin. Tumango ako. "Makita ng mga pulis si L without L knowing that he's seen."
"At isa pa, itong video na 'to ang magiging katapusan ng Apple Fraternity," sambit ni Aedrian habang nakatingin sa phone niya. Bakas sa mukha niya ang pag-asa.
Akmang tatakbo na kami paalis nang may ma-realize ako.
"Sandali Aedrian!"
Tumingin siya sa akin at itinaas ang mga kilay tila ba nagtatanong kung bakit.
"Babalik ka sa bahay? Paano kung malaman nilang buhay ka pa?"
Tumawa siya. "Mahirap paniwalaang may taong kayang bumangon sa pagkakalibing, 'di ba?"
Natawa ako. Tama siya. Only he can do that.
***
Nakatingin sa akin si uncle nang matapos niyang panoorin 'yung video na nakuha ko. Nangangamoy pagagalitan ako sa ginawa ko.
"Didrae, hindi ba't sinabi kong---"
"Sorry uncle," pagputol ko sa sasabihin niya. "Alam ko naman 'yon pero hindi na mahalaga kung mapapahamak ako. God gave me an opportunity so I grabbed it."
"I know, but haven't I told you that safety must be prioritized?"
"Uncle nagiging emotional ka lang. Wala namang nangyari sa aking masama. At isa pa, naniniwala akong it is what it is, what will be, will be. Kung mapapahamak ako, mapapahamak ako. Kung mamamatay ako, mamamatay ako but at least nagawa ko 'yung tama," mahaba kong paliwanag.
Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"But I know, you'll never let it. Me, dying," hirit ko pa.
Nakita ko siyang tumingin kay Aedrian. My classmate just shrugged.
"So tell me, can we use that video against them?" Tanong nito kay uncle.
"Give me time to check this thoroughly. This might be our last hope to find the real culprit. To find L."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top