Chapter 73: The Promise

"If you wanted us to help you, why don't you help yourself first to tell us all the truth?" Pangungumbinsi ko. "You're asking help from someone you didn't trust?"

Hindi pa rin siya nagsalita. Para bang mas gusto niya na lang tumahimik habang buhay. "It's up to you, if you wanted to suppress the burden and guilt inside you."

Tumayo na ako at nagdesisyong lumabas sa office ni Leo. Nasasanay na ako sa ganitong mundo. It's either finding someone to trust or deciding not to trust anyone and live in this world alone while asking for your purpose why you still choose to live and fight.

Now, I am sure about two things. It's either Fleur killed her boyfriend or someone killed him in front of her.

"Aedrian... Promise me that you'll end this. " Natigil ako sa paglakad nang tawagin niya ako. "I'll tell you everything." Nilingon ko siya.

"I killed him. I killed Louise." Kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Lumapit ako sa kaniya. Seryoso ba siya? Totoo ba ang narinig ko?

"I was so scared that day. Noong nakatakas siya, he immediately came sa apartment namin. Sinabi niya sa akin ang lahat maging ang nalaman niya nang mahanap niya ang diary ni Apple Fratern. Pakiramdam ko nagkamali ako nang pakikipagrelasyon sa kaniya. Nadadamay ako sa ginagawa niya. Pati ako, nilalagay niya sa alanganin. At nang gabing 'yon, nakatanggap ako ng text. Alam nila ang relasyon namin ni Louise maging ang lihim naming pagsasama. At kung hindi ko raw sasabihin kung nasaan siya ay mamamatay ako at ang pamilya ko."

"At noong gabi ding 'yon, pinainom ko ng sleeping pills si L-louise." Nabasag ang boses niya at nagsimula nang mamula ang mga mata niya. Ang mga labi niyang nanginginig habang nagsasalita na para bang nagsusumbong sa akin. "Pinatay ko si Louise. Pinatay ko siya. Tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nagawang tingnan. Hindi ko kayang tingnan ang ginagawa sa kaniya. Ang mga malalakas niyang sigaw paulit-ulit sa utak ko. Palagi kong napapanaginipan... Pinatay ko ang taong mahal k-ko." Tuluyan na siyang humagulgol ng iyak at napaluhod.

"Anong naging kasalanan ni Louise upang patayin siya?"

"May nalaman siyang hindi niya dapat nalaman." Medyo humina na ang kaniyang pag-iyak at pinapakalma niya na rin ang kaniyang sarili.

"Ano?" Tanong ko.

"That Apple Fratern was raped." Para bang may bumara sa lalamunan ko nang marinig ko 'yon. Ang isang babaeng may disability ay na-rape? Hindi ko maiwasang maawa.

"Nalaman ba ni Louise kung sino ang gumawa no'n kay Apple Fratern?" She shrugged.

"Kahit si L ay hindi alam. Kaya ipinagpatuloy niya ang Apple Fraternity para hanapin ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Apple Fratern." Kumunot ang noo ko. 

"Anong kinalaman ni L kay Apple Fratern?" I need a specific answer upang ang mga hinala ko'y mabigyan ng kasagutan.

"Apple Fratern was L's girlfriend." My jaw dropped because of unbelief. Siya ba ang tinutukoy ni Apple Fratern sa diary niya? Sandali, may parte doon sa pagkakatanda ko ay tumutukoy sa kapatid ni L. 

"You will understand everything after you read the diary."

"Anong diary?" Nagulat kaming pareho nang may magsalita malapit sa pintuan. Hindi man lamang naming namalayang nandito na pala si Leo.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Apple. "We need to find the diary of Apple Fratern para maintindihan ang lahat," sagot ko at sinusubukang malaman kung hanggang saan ang napakinggan ni Leo tungkol sa aming usapan.

"I know pero bago ang lahat, I heard what happened yesterday." Seryoso ang mukha niya.

"It's my fault. I'm so sorry." Sabat ni Fleur.

"It won't happen again," sagot ko.

"Hindi na talaga mauulit."

I was surprised when police came to the scene and read the warrant of arrest. Unti-unti silang lumapit kay Fleur. She looks terrified and anxious. Humarang ako. This can't be happening. I looked at Leo's face seems unbothered.

"Hindi niyo siya pwedeng dalhin. Wala siyang kasalanan," giit ko ngunit umiling lang ang mga pulis at ngumisi.

Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Fleur na humawak sa braso ko. Tumango siya na para bang sinasabing tumigil na ako. Na may kasalanan siya at hayaan ko na siyang sumama sa kanila. Ang mga mata niyang nagsasabi sa akin ng buo niyang pagkatalo. Suko na siya.

Nagngitngit ang mga ngipin ko. Talaga bang wala akong kakayahang protektahan ang mga tao sa paligid ko?

"Baka sa pamamagitan nito mapatawad ako ni Louise, mapatawad ko ang sarili ko." Ramdam ko ang lubos na pighati sa mga salitang iyon. Ang tanong na minsa'y tinanong ko sa sarili ko. Sa gitna ng mga nangyari at mga posible pang mangyari, dahil sa pag-alam ko sa mga bagay, maraming nawala... Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ang lahat. At lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sayangin ko itong lahat. Kailangan kong tapusin ito.

Hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Tiningnan ko ang mga mata niyang wala nang pag-asa. "I promise, Fleur. I promise."

Tatapusin ko itong lahat.

###


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top