Chapter 72: Nightmare of Truth


Nakatitig lang ako sa malamlam niyang mukha. Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na ito na makikita ko siya. Hindi ko siya kilalang personal ngunit sa mga nabasa at nakalap kong impormasyon, siya ang taong sumaksak noon kay Aedrian. Hindi ako makapaniwalang hindi siya nakulong sa ginawa niya. Dahil ba minor palang siya o dahil malakas ang koneksyon niya? Wala akong alam. Ang alam ko lang ay nasa harap ko siya ngayon.

"Hindi naman kita sasaktan. Hindi ako nananakit ng babae." Halos matawa ako sa loob-loob ko. Walang taong hindi nakakasakit. Intensyon man o hindi sinasadya, ang lahat ng tao'y may kakayahang manakit ng ibang tao sa pisikal o mental mang paraan.

"Didrae Fernandez, tama?" Nagngitngit ang mga ngipin ko nang banggitin niya ang pangalan ko. "Ikumusta mo naman ako kay Tita Amanda." Napakuyom ako ng kamao nang banggitin niya ang pangalan ni mama.

"Matagal ka na palang hindi umuuwi sa kanila dahil nag-i-stay ka sa tito mo. Sigurado ka bang gusto mo do'n tumira?" Natahimik ako. Sa gitna ng pagaspas ng mga puno ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa na tila ba nang-uuyam.

"Bakit hindi tayo magtulungan?"

Kumunot ang noo ko. "Wala namang magagawa si Aedrian para sa 'yo. Kahit ang mga pulis ay hindi ka matutulungan. Napatunayan mo na 'yan lalo na sa nangyari kanina."

"He puts you in danger. And you let him do that. But at the end of the day, he will not choose you. Don't waste your time helping that cheap detective," dagdag pa niya na sumira ng araw ko.

Biglang nag-ring ang phone ni Bryce. Wala siyang nagawa kundi lumayo sa akin at sagutin iyon. Ito na ang pagkakataon ko upang makatakas.

Ngunit di pa man ako nakakalayo nang mapansin ko ang pamilyar na marka na nasa batok niya. Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko na ito noon. Bago ko pa makalimutang tumakas ay tumakbo na ako nang mabilis. Napansin niya ang ginawa ko ngunit tuluyan na akong nakalayo sa kaniya.

Agad akong pumunta sa lugar kung saan kami magkikita ni Aedrian. Ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Yes L, Nica and Aedrian are together."

Hindi ko na alintana na nakasunod na pala sa akin si Bryce. At kahit siya ay nasaksihan ang nangyari. Hindi ko masabi. Hindi ako makapaniwala.

Tumalikod ako at kitang-kita ko ang reaksyon ni Bryce. Kahit siya'y hindi makapaniwala sa nakita niya. Ang kaninang mapang-asar niyang mukha ay nawala at napalitan ng pagkamuhi.

Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Are you still on his side after you saw him kissing with his bestfriend?"

Ngumisi ako. Sa pagkakataong ito, alam ko na ang kahinaan niya. "Sa tingin ko, may mas kailangan kang ayusing gulo." Tinuro ko ang puso niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Si Bryce ay may gusto kay Nica. Samantalang si Nica ay... at si Aedrian... Si L.

Bumalik na ako sa bahay ni Uncle Leo.

***


AEDRIAN


"Tagu-taguan, maliwanag  ang buwan.

Pagkabilang kong sampu nakatago na kayo.

Isa... Dalawa... Tatlo..."

"Maghiwalay tayo para hindi tayo makita ni kuya Robin." Wika ko sa babaeng kalaro ko.

"Tama ka, sige. Doon ako, ikaw sa kabila." Nakangiti niyang sagot.

Nakita kong papalapit na si kuya sa kaniya nang gumalaw ako. Hindi dapat siya mahuli!

"Boom Aedrian!" Saktong namatay ang ilaw nang makita ako ni kuya.

"Kuya, wala akong makita."

"Kumuha ka ng kandila at posporo!" Utos niya na aking sinunod. Nangangapa ako habang hinahanap ang aparador kung saan natatandaan kong nakalagay ang kandila at posporo dito sa basement kung saan kami naglalaro.

"Nakita ko na kuya!" Sigaw ko at ikiniskis ko ang palito upang sindihan ang kandila.

Teka, ano 'yung naaamoy ko?

"Kuya? Asan ka?" Tanong ko ngunit walang sumasagot.

"Edoy..." Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Boses ng isang babae.

"S-sino ka?" Tanong ko ngunit naramdaman ko ang matulis na bagay na tumarak sa puso ko dahilan upang mabitawan ko ang kandila. Walang anu-ano'y nagliyab ang buong bahay.


"Aedrian!!!"

Nagising ako nang marinig ang malakas na sigaw na tumatawag sa pangalan ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin suot ang mga nag-aalalang mukha.

"Okay ka lang?" Tanong ni Leo.

Unti-unti akong bumangon habang hawak-hawak ang dibdib. Habol hininga at tumatagaktak ang pawis.

"Tubig oh." Inabot sa akin ni Didrae ang isang basong tubig at ininom ko iyon.

"Okay ka na? Kanina ka pa namin ginigising dahil panay ang ungol mo. Binabangungot ka yata."

Bangungot...

But it feels real.

"Uncle, pasok na 'ko," paalam ni Didrae tsaka siya sumulyap sa akin. Nginitian niya ako tsaka siya tuluyang umalis.

"Sabay na kayo ni Aedrian," komento niya.

"Wala siyang pasok Uncle, irregular student siya." Muntik na ring mawala sa isip ko na wala nga pala akong pasok ngayon.

"Ganun ba?" Lumabas na rin si Leo at Fleur. Bumangon na rin ako at inayos ang pinagtulugan ko bago ako naligo. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa office ni Leo upang doon kami magkita ngunit wala siya. Iba ang nakita ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagulat si Fleur nang makita niya akong nasa loob ng office ni Leo ngunit mas lalo akong nagtataka kung bakit nandito siya.

"H-ha? W-wala. Hinihintay kita. Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa niyo kahapon."

"Wala 'yon. Nasa'n nga pala si uncle?" Tanong ko.

"Umalis," sagot niya. Tumango ako. "Can I ask you something?" Tanong ko pa.

"Iniisip ko kasi, kung magka-live in kayo ni Louise, imposibleng hindi mo malalamang may pumapatay sa kaniya nang gabing 'yon. Thinking that it was brutally crucifixion." I asked out of curiosity as I sit on the couch looking at her reaction way too obvious to be guilty.

I saw her bite her pale lip and her hands are a little trembling. "You killed him?" Tanong ko pa.

Her eyes widened tila ba hindi makapaniwala sa kaniyang mga naririnig. Mga tanong na wala na siyang lusot.

"If you wanted us to help you, why don't you help yourself first to tell us all the truth?" Pangungumbinsi ko. "You're asking help from someone you didn't trust?"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top