Chapter 71: The Deceiver
Tumayo ako mula sa aking kama pagka't hindi ako makatulog. Muli kong kinuha ang diary ni Apple Fratern at binasa ang kasunod.
August 6, 2013
7:42 PM
Dear Diary,
A guy kept disturbing me. Every time I caught him staring, he will smile and wink. I don't know what he's up to.
We became seatmates in a History subject and he loves to talk to me. He told me that his sister has the same condition as mine. It comforts me. But I don't think we can be friends.
Ps. I don't make friends because betrayers came from them.
~Apple Fratern🍎
***
I decided to go out of my room to get a glass of water. I went to the balcony to have fresh air when I saw my classmate standing there.
She's looking at the moon who's blankly looking at her too. The stars are quietly shining above us. How come this silence can make me feel calm? I remember this bleeds my ear usually. But now, this silence makes me breathe freely.
Uminom ako ng tubig. "Hinahanap kita kanina, nakauwi ka na pala," pambabasag ko sa katahimikan.
Hindi siya sumagot sa halip ay ngumiti lamang at muling tumingin sa kalangitan. Pinagmasdan ko lamang siya.
"Sorry nga pala," sambit ko. "Hindi ko naisip na maaari kang mapahamak sa ginawa ko."
"I told you..." Simula niya. "...even if it's dangerous to be with you..."
Our eyes met. I was immersed by the moment when she chooses to look at me than to look at the beautiful sky with that fascinating moon and shining stars.
"...I will stay."
"I will not betray you even if it's the only choice to be alive."
I saw how those tears left her. Her hands are shaking. I don't know what happened, why a brave like her will be like this.
"Thank you for not being my friend."
***
DIDRAE
I IMMEDIATELY locked the door. My heart was still trembling because of the plan I am executing. I never thought I would feel like I'm on Mission Impossible or something James Bond movie.
"H-hey! W-what are you doing?!" Just what I expected, there she is. Fleur is inside this comfort room. Looking so timid and hopeless.
"Take off your clothes." I bluntly stated while removing the buttons of my blouse.
"At bakit ko gagawin 'yon? Sino ka ba?"
"Si Aedrian ang nagpadala sa akin dito para tulungan ka. Kung ayaw mo, it's your choice." Mataray kong saad. Hindi ko alam kung bakit tila ba iba ang pakiramdam ko sa taong ito. Siguro'y dahil hinahangaan siya ng lahat dahil isa siyang magaling na theater actress. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung umaarte lang ba siya ngayon o hindi.
Tutal wala akong alam sa nangyayari, bahala na si Aedrian. Ang magagawa ko lang ay tulungan siya dahil ganoon din naman ang ginawa niya sa akin. Sa ganitong paraan lang ako makakabawi.
"Alam mo naman sigurong pinaghahanap ka ng pulis ngayon. At sinasabi ko sa 'yong nandyan sila sa labas ng pintong iyan." Tila ba naalarma siya sa kaniyang narinig at sinunod niya ang plano. May kakaiba talaga sa ikinikilos niya. Ewan ko kung ako lang ba. Basta, hindi ko siya feel.
"So magpapalit lang tayo ng uniform?" Tanong niya.
"Pati ng hairstyle." Dagdag ko tsaka ko iniladlad ang buhok ko at ibinigay sa kaniya ang crunchie ko. "Ako ang unang lalabas," sambit ko habang tinitingnan ang sarili. Nakakapanibago ang itsura ko. Hindi ako sanay na nakaayos ang buo kong mukha maging ang pagsuot ng hapit na uniform at mataas na heels.
Huminga ako nang malalim bago ko hinawakan ang doorknob.
"I'm curious, why are you doing this? Why would you put your life in danger just to save me?" Tanong niya.
"I'm not doing this for you," simpleng sagot ko.
"Then, do you like him?" I remained silent trying to stay calm even in this state.
"I'm ready." I hold the cold knob and face my grave. I saw how the polices were shocked to see me outside believing that I am the one they were finding. I immediately ran off from that place. Para akong nakikipaghabulan kay kamatayan. Hindi ko alintana ang mataas na heels na aking ipinangtatakbo ngayon. Ang alam ko lang ay kailangan kong makatakas sa kamay ng mga pulis.
Rinig ko ang mga pagsigaw nila na pinatitigil ako sa pagtakbo. Hindi pa rin siguro nila napapagtantong niloloko ko sila. Ang paligid ay malinaw kahit kapirasong pagitan lang ng aking mga mata ang nakabukas. Kapag nasa gitna ka talaga ng kagipitan, magagawa mo ang lahat ng hindi mo inakalang magagawa mo.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa ang paghabol nila sa akin ay naging kasing hirap ng paghabol ko sa aking hininga. Napansin kong malayo na ako sa kanila at wala nang humahabol sa akin. Na-realize na siguro nila ang katangahang ginawa ko. Ngayon ko naramdaman ang kahinaan ng tuhod ko dahilan upang mapaluhod ako.
Tinanggal ko ang heels na suot ko at sumalampak ako sa damuhan. Hanggang ngayo'y hindi ko nararamdaman ang baga ko. Para bang walang kwenta ang mga paghingang ginagawa ko. Nauubusan pa rin ako ng hininga.
Natawa ako nang maalala ang plano. Sana naman ay nakatakas si Fleur. Sana naman ay nagkita na sila ni Aedrian. Gusto kong humiga sa pagod. Sa tagaktak ng pawis ko ay para na rin akong naligo. Muli akong natawa, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
"Mukhang pagod na pagod ka ah. May humahabol sa 'yo?" I was surprised when someone approached me. Lumingon ako at lalo akong hindi nakahinga nang makita ko ang taong 'yon. Sa sandaling iyon ay tinakasan ako ng lakas at takot ang bumalot sa sistema ko. It's him.
"Mukhang kilala mo ako ah." Ngumisi siya. "Namumutla ka. Natatakot ka ba?" Hinawakan niya ang labi ko. "Huwag kang matakot, binibini."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top