Chapter 7: Pile of Messages

Sa mga nakalipas na araw, sunod-sunod na akong nakatanggap ng text from that unknown number pero ngayon mukhang alam ko na kung sino. Siya lang naman ang nakakuha ng number ko at simula no'n ay nakatanggap na ako ng mga ganitong texts. Halos oras-oras yata ako nitong kinukulit na pumunta sa play. Minsan sinasabi niya rin ang mga ginagawa niya as in tinatambakan niya ako ng messages.

"Aedrian, sino ba 'yang nagtetext sa 'yo? Stalker ba 'yan o secret admirer mo?"

"Scam." Simpleng sagot ko.

"Nako scam? Patingin nga! Akin na ang number at tatawagan ko para malaman natin kung sino 'yang scammer na 'yan!"

"Huwag na. Kilala ko naman."

"Ah talaga? Sabi mo scam tapos kilala mo? May kilala kang scammer gano'n? Ba't di mo i-report? Kilala mo naman pala. Teka, niloloko mo naman yata ako eh!"

***

Kasalukuyan kaming nasa harap ng Oreta Building at hinihintay ma-process ang identification card ko. Sinabi ko namang huwag niya na akong samahan pero nagpumilit siya baka raw kasi maligaw ako. Ano sa tingin niya sa 'kin, bata?

"Hindi ka naman maabala! Sino ba kasi 'yang nagtetext sa 'yo?" Muli kong tiningnan ang screen kung saan naka-flash ang conversation namin kagabi ni Lyca.

From: Lyca 9:52 PM
May sumusunod na naman sa 'kin. Help me naman. May stalker yata ako.
-end of message-

From: Lyca 10:01 PM
Aedrian, mabuti na lang safe akong nakauwi ng bahay. But still, I really need your help. Mag-reply ka naman. Natatakot na ako sa stalker na 'yun. Promise, totoo na 'to. Someone's after me at alam kong matutulungan mo 'kong lutasin ang problema ko. Please, I'm begging you.
-end of message-

Ni-replyan ko siya.

To: Lyca 10:16 AM
How can I believe someone who pranked me?
-end of message-

From: Lyca 10:20 AM
Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang nangyari? Nagsasabi na ako ng totoo! May sumusunod sa 'kin, ilang araw at gabi na. Nagpapadala rin siya ng pictures ko kahit nasa c.r. ako sa school. Nagsesend siya ng mga creepy informations na alam niya tungkol sa 'kin. It's getting creepier. Sobrang natatakot na ako. Sasabihin ko sa 'yo lahat the day after tomorrow pagkatapos ng play. Tulungan mo ako. Please.
-end of message-

"Huy Aedrian, suplado ka talaga. Hindi mo man lang napansin na hawak ko na 'yung i.d. mo. Mukhang nakuha na talaga ang atensyon mo ng taong 'yan ah."

Hindi ko siya pinansin because still iniisip ko pa rin ang messages ni Lyca. I don't know if I will believe her story about having a stalker. Pero hindi naman nakakapagtaka 'yon dahil isa siyang sikat na estudyante at mas lalo yatang nagpasikat sa kaniya ang ginawa niyang pangloloko tungkol sa pagkawala ng cellphone niya. At kung totoong may stalker nga siya, sino iyon?

Napatingin ako sa katabi ko nang marinig ko ang sounds ng flash ng camera. "Holy cheese! What are you doing?"

"Hindi ba obvious?" Tumawa siya tsaka niya ibinato sa 'kin ang i.d ko. Tumakbo siya palayo habang inaasar ako. "Ayos 'yang i.d. mo! Ang pogi mo d'yan!" I just shooked my head.

Kinabukasan, tinanghali ako ng gising dahil sa pag-iisip ko kagabi tungkol sa stalker ng sikat kong kaklase. Kumilos na ako kaagad at pagkatapos ay bumaba na sa kusina. Nadatnan ko dun si mama at papa na sabay kumakain.

"Oh anak, kain na, malelate ka na sa klase mo." Kumuha na lamang ako ng tinapay at isinubo 'yun. Dali-dali na akong lumabas at sumakay sa bisikleta bago nagtungo sa school.

Mabuti na lamang at wala pa doon si Prof. Tobias kaya maswerte pa ako. Hindi ko pa mararanasan ang mag-squat sa likod hanggang matapos ang klase niya.

Hinanap ko sa upuan niya si Lyca ngunit wala pa siya. "Nakita mo ba si Lyca?" Tanong ko sa seatmate ko.

"Probably she's in her club. Why?"

"Club?"

"Theater Club. Don't you remember? Sinabi ko sa 'yong member siya ng club na 'yon at malamang sa malamang naghahanda na siya ngayon para sa play nila mamaya after lunch." Tumango na lang ako.

Ilang sandali lang ay dumating na rin si Prof. Tobias. Nabanggit niya ang tungkol sa play na magaganap mamaya sa cultural hall. Maaari daw pumunta ang mga estudyante doon upang manood dahil kahit ang faculties susuportahan din ang play na inihanda ng theater club.

"Manonood ka?" Tanong sa 'kin ng seatmate ko.

"Hindi ko alam. Bakit ikaw?"

"Hindi ako nakabili ng ticket kasi naubusan na ako. Next time na lang."

"So you mean gusto mong manood?" She nodded. I bursted out a laugh knowing that she really want to watch that fantasy play of seven dwarfs. Hindi lang ako makapaniwalang may pagkaisip bata rin pala siya. Akala ko puro mystery lang ang nagpapa-excite sa kaniya but base on her expression, she really want to watch that Snow White. Hindi naman kaya totoo 'yung mga 'yon. "Here, take this."

"Really?" Kinuha niya ang ticket mula sa mga daliri ko. "How about you? Hindi ka manonood? Ayaw mo?"

"I'm not fond of those. Its idea is really far from reality. Ayokong dagdagan ng walang kwentang informations ang mga mahahalagang data na nasa utak ko. Fantasy only exists inside human's head. And fantasy didn't exist in real life, just so you know."

"Ano naman? Makapagsalita ka parang hindi ka tao ah. Panoorin mo muna kasi bago mo husgahan. Wala namang masama kung maniniwala akong balang araw darating din ang prince charming ko at gigisingin ako sa mahimbing kong pagkakatulog." Napailing ako. Malayo ang ugaling ito sa pagkakakilala ko sa kaniya—malayo sa first impression ko sa kaniya.

Natapos ang klase at isa-isa nang nagsi-alisan ang mga kaklase ko. Nag-uunahan pa silang lumabas.

"Dude dalian mo! Baka mag-start na 'yung play!"

"Tol! 'Wag na tayong pumasok sa afternoon class natin. Nood na lang tayo!"

"Huwag na 'tol! Cutting na lang tayo. Pusta wala na talagang klase mamaya."

Napatingin ako sa seatmate kong kumakaway sa 'kin habang tumatakbo palabas ng pinto. "Babay! Salamat sa ticket!" Winagayway pa niya ang ticket na nakuha niya mula sa 'kin na binigay lang din naman ni Lyca. Speaking of that girl, sa pagkakaalala ko sa usapan namin after her play pa niya kami mag-uusap—kung kailan sasabihin niya ang lahat tungkol sa stalker niya. Maghihintay na lang muna ako habang nag-iisip ng paraan kung paano mahuhuli ang stalker niya.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top