Chapter 67: Flower in Disguise
"Ito po ba 'yung dating nakatira dito?" Her eyes narrowed and her head slightly shook.
"Hindi ko masyadong tanda hijo, ang kumausap kasi sa akin noon nung lumipat sila ay 'yung babae."
Sila?
"Saglit hijo, minumukhaan ko."
May nahulog mula sa kamay ko. Dumikit pala ang ticket sa likod ng cellphone ko. Kinuha iyon ng landlady at ibinigay sa akin.
"Salamat po." Pero bago pa man niya ito iabot ay nanlaki ang mga mata niya.
"Siya! Siya 'yung babae!" Tinuro niya ang babaeng nasa ticket ng Romeo and Juliet na ibinigay sa akin Didrae kanina.
"S-sigurado po kayo?"
"Oo, sandali at kukunin ko ang pinasa niyang photocopy ng id niya noong umupa siya ng kwarto." Iniwan ako ng landlady sa kwartong ito.
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Bawat gamit ay may kapares. Maging sa pasilyas ay may dalawang tuwalya, dalawang sipilyo at dalawang pares ng tsinelas na may magkaibang kulay.
"Hijo?" Rinig kong tawag ng landlady sa akin kasabay ang mga yabag ng paa papalapit sa pinto. Lumabas na ako at nakita ko siya na may hawak ng papel.
"Fleur Dela Fuente..." Magkatugma ang pangalang nasa id at ang pangalang nasa ticket.
Nagulat si manang nang mag-ring ang phone ko. Si Leo, tumatawag. Sinagot ko iyon.
("Nasa'n ka?") Bungad niya sa akin.
"Sa apartment." Simpleng sagot ko.
("Saang apartment? Huwag mong sabihing---")
"Apartment ni Louise Villaruel."
("Anong ginagawa mo d'yan? Papunta d'yan si Liam.")
Ibinaba ko na ang tawag at saka ako nagpaalam kay manang. Humingi na rin ako ng pasensya sa nagawa kong abala.
Lumabas na ako sa apartment na iyon. Sumakay na ako sa bisikleta ko nang makitang may paparating na kotse.
Hindi ako nagkamali kung sino ang lumabas sa kotseng iyon. Mabilis siyang pumasok sa apartment. Hindi naman siya nagtagal doon.
Tama ako. May dala siyang isang bag nang lumabas siya.
Bumaba ako sa bisikleta ko at agad siyang nilapitan.
"Miss Fleur Dela Fuente."
Gulat na gulat siyang lumingon sa akin.
"Sino ka? Ba't mo 'ko kilala?" Ang mukha niya ay punong-puno ng takot.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Huwag kang lalapit, sisigaw ako!" Luminga-linga siya at tsaka tumakbo papunta sa kotse niya ngunit bago pa siya makapasok ay nagsalita ako.
"May alam ka ba sa pagkamatay ng boyfriend mong si Louise Villaruel?"
Nanlaki ang mga mata niya. Pumasok siya sa kotse niya ngunit tila ba pinag-iisipan niya kung tatakasan niya ba muli ang katotohanan.
Bumaba ang salamin. "Pumasok ka."
Sinunod ko siya. Pumasok ako at umupo sa passenger's seat. Pinaandar niya ang kotse hanggang sa makalayo kami sa apartment na iyon.
"Sino ka?" Tanong niya na mababakasan ng kaunting takot.
"Aedrian Alminario, isang trying-hard detective," pakilala ko.
Ngumisi siya. "Alam mo, wala akong pakialam kung isa kang detective. Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Louise kaya huwag mo akong idamay!"
"Kung wala kang kinalaman, sigurado akong may alam ka..." Nakita ko ang bag na dala niya kanina doon sa backseat. Kinuha niya ang mga bagay niya doon sa apartment... Lahat ng mag-uugnay sa kaniya.
"Wala akong alam! Why are you accusing me?" Naiinis niyang tanong.
"I think, you forget something." Tukoy ko sa bag na nasa backseat. Ang mga mata niya ay puno ng pagtataka kung bakit alam ko ang mga kinuha niya.
"Your scent."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Matapang masyado ang pabango mo at sigurado akong maaamoy ng mga pulis iyon. At sigurado rin akong mahahalata ng mga pulis ang biglaang pagkawala ng ibang mga gamit sa apartment na iyon," paliwanag ko.
Napapikit siya sa inis at mahinang nagmumura. Halata mong nababanas na siya sa akin. "Ano bang maling nagawa ko para masira ang buhay ko nang ganito?"
"Hindi ka man magsalita sa akin, sigurado akong mahahanap ka ng pulis at pipigain ka nila. Malalaman nila ang lihim niyong relasyon ng namatay na si Louise Villaruel."
"Ano bang kailangan mo sa akin ha?"
"Ang gusto ko lang malaman ay 'yung alam mo. Si L ba ang pumatay kay Louise Villaruel?"
Agad niyang tinakpan ang mga tainga niya. "My goodness! Shut the f*ck up! Don't you ever mention his name! Ang creepy!"
"So, kilala mo si L."
"Oo at hindi siya si Louise Villaruel. Hindi si Louise Villaruel ang tunay na hinahanap mo," litanya niya.
"Kung gano'n, sino ang tunay na L? Anong pangalan niya?"
Umiling siya. "I don't wanna die."
Napapikit ako. Nag-iisip kung paano ko siya kukumbinsihin.
"But I'll give you that damn diary."
"Diary?" Tanong ko.
"Kasalanan ni Louise kung bakit siya namatay. He should've just let them and never involve himself. Pati tuloy ako at ang career ko nadadamay. Okay naman kami noong una but he became so curious about that case..."
"That case? Which case?" Tanong ko pa.
"The case about the death of the owner of Apple Fraternity, Apple Fratern."
Sandaling nanahimik ang kapaligiran. I can't find words to say.
"...All I did was to love him but then he put me in danger."
She started to cry. I don't know if it's true or just acting. She's a theater actress, after all. Nevertheless, I have to see that diary.
Napansin niya ang uniform ko. "So we're schoolmates?" She wiped her tears and try to calm herself.
"I'll give you the diary tomorrow. Magkita tayo sa Library's Research section. 9 sharp."
Bumaba na ako sa sasakyan niya. Akmang isasarado ko na nang magtanong uli siya.
"How did you know our relationship?"
"I don't know. It's just a hunch but you proved it right." Inirapan niya ako tsaka siya umalis.
Muling nag-ring ang phone ko at nag-flash sa screen ang pangalan ni Leo.
("Nasa'n ka?") Sigaw niya sa akin.
I looked around and there I saw the municipal. Hindi ko namalayang madilim na pala at napadpad na ako sa labas ng munisipyo. I just sat at the waiting shed and looked at the cars passing by.
("Aedrian?") I heard him worried.
("Uncle, ayun siya.")
He hung up the phone. And there I saw the patrol car coming. Lumabas doon si Leo.
"Halika na. Nakuha na rin namin ang bisikleta mo." Sumunod na lang ako sa kaniya.
Doon ko nakita ang isang pulis na siyang nagmamaneho ng patrol car.
"Siya si Police Officer Liam." Pakilala ni Leo na ngayo'y nakasakay na sa passenger's seat. Ako nama'y nandito sa backseat katabi ang kaklase ko.
"Ako po si Aedrian," pakilala ko. "Nice to meet you po." Pinilit kong ngumiti.
"Siya pala 'yung anak ni Cardo. Namana ang kagwapuhan sa tatay," biro ni Sir Liam tsaka nagsimulang magmaneho.
Muli ko na namang naalala si papa. Tumingin ako sa bintana. Kung buhay pa siguro siya, magkasama kaming lumulutas ng kaso. Sana ngayo'y tinuturuan niya ako. Sana ngayo'y mas madali ang lahat. Walang sakit. Walang pait.
Sana masaya kami kasama si mama.
"Hmmm..." Naramdaman ko ang pagsandal ng ulo ng kaklase ko sa balikat ko. Aalisin ko sana nang mapansing nakapikit siya at mahinang humihilik.
Napabuntong-hininga ako. Hinayaan ko na lamang siya at ibinalik ko na lamang ang atensyon sa labas.
"Sorry... Aedrian..."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top