Chapter 64: Detective Game

AEDRIAN

"Class Dismiss."

PAALAM SA AMIN ng huling professor na naka-sched ngayong araw. Lahat kami ay umaliwalas ang mukha dahil makakauwi na kami. Makikita ko na ulit kung may progress ba ang imbestigasyon tungkol kay L.

Oo, ito ang plano.

Napagdesisyunan kong bumalik sa school upang mas kumalap pa ng impormasyon sa taong hinahanap namin. At kung may ebidensya pang mapapasakamay namin nang palihim. Dahil hindi pwedeng makaramdam si L na sinusundan pa rin namin siya.

Sa totoo lang, may hinala na ako kung sino siya ngunit hindi ko pa sinasabi kay Leo. Gusto kong makasigurado na ang taong ituturo ng imbestigasyon ni Leo ay ang taong nasa isip ko.

Halos nakalabas na ang iba nang bumalik muli sila kasunod ang adviser namin. Nagbabadyang magiging bato ang pag-uwi namin nang maaga.

"Okay class, I'm sorry to interrupt you all at mukhang excited na excited na talaga kayong umuwi. Mayroon lang akong ilang announcements. So please settle down."

Nagsibalikan sila sa upuan ngunit ang iba ay hindi na inalis ang bag sa katawan nila at nagsi-upo na lang sa malapit sa pintuan.

"For the final week of this semester... Napagdesisyunan ng faculty na mag-held ng first ever Festival week. Ang bawat section ay magtutulungan upang gumawa ng booth or something na pakulo to accomodate students and also guests from the outside. For example, you can build a small cupcake house or coffee shop using our room. It is just to lit up the mood of the students... Kaya tulungan niyo kami, tulungan natin ang isa't isa na mas lalo pang maging masigla dito sa Laguna University," paliwanag ng adviser namin.

Umingay ang klase at kaliwa't kanan ang bulungan, suhestiyon, komento sa mga naiisip nilang ideya. Bakas sa mga mukha nila ang excitement na hindi na sila mag-eexam pero papasa pa rin sila sa semester na ito.

"May idea ka?" Tanong ni Didrae na ngayon naman ay palihim na kumakain ng kimbap na binili niya kanina.

Umiling ako.

"Alam mo, nakakainis ka na. Kung hindi tango, iling ang isasagot mo sa akin. Wala ka bang bibig?"

"Meron," sagot ko na para bang ikinagulat niya na naman.

"Sabihin mo nga ahhhhh."

Sinunod ko naman siya. Natawa ako nang isubo niya sa akin ang kimbap na nakabalot pa. Uto-uto.

"Hindi basta-bastang booth ang gagawin niyo dahil sabi ko nga dapat may pakulo. Ang pinakamaraming attendees ang makakakuha ng pinakamataas na points at premyo galing kay University President. Kaya pag-isipan niyong mabuti," dagdag pa ng adviser namin.

"Prof, ba't hindi kaya gumawa tayo ng isang Detective Game? Parang riddle or something na solving mystery ganun?" Tumingin ako sa katabi ko at tama ako, siya nga ang may lakas ng loob na nagsalita.

"Parang ang kumplikado naman na'n Didrae!" Banat ng iba kong kaklase.

"Kahit sa mga ideas, nerd ka pa rin! Mga matatalino lang ang magkakainteres sa ganiyan!" Pang-uuyam pa ng iba.

"Well, you see it's a nice idea," sabat ng adviser namin. "Can you tell us more about that in detail, Ms. Fernandez?"

"Basically, pwede natin siyang gawing treasure hunt or parang amazing race pero this time gagawin nating full of mysteries and riddle games." I never thought that she really can produce ideas this fast. I mean, I know she's smart but I did not imagine that she's into mysteries...

"We can make flyers na pwede nating ipamigay at sa likod no'n ay nandun na ang clues or steps para ma-solve ang mystery case. At kung sino man ang maunang makasagot ng tama ang siyang bibigyan ng premyo." Proud na proud niyang sabi kasabay ng pagpalakpak niya sa sarili. Natawa ako. Kung hindi ko siya kaklase, mapagkakamalan ko siyang baliw.

Pero sa isang banda hindi ko mapigilang mag-isip at ikumpara siya...

"Hmmm... So how about the mystery? Who will create that puzzle slash maze-type mystery? Because you see, it is really interesting but if it's too complicated to make then we'll have to think another way."

"Yun lang." Natawa ako sa sagot niya. Tumingin si Didrae sa akin looking like she's asking for help. "Bobo ako dun," bulong niya sabay kamot sa ulo.

"I see... Okay, we can work on with that but all of you are open to suggestions. But remember, we just have this week to prepare." And there she said the magic word made us celebrate and go out from that room.

"Mr. Alminario," rinig kong tawag ni Prof sa apelyido ko bago ako tuluyang makalabas.

"I know you can help them and I want to tell you that, it is your special project." Ngumiti si Prof at saka nagpaalam sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa huling salitang iyon ay para bang iba ang tama sa akin. Na para bang isang opportunity na kailangan kong i-grab... At pagsisisihan kong palampasin.

***

"Kumusta?" Tanong ko kay Leo.

"Hindi ko alam kung ako ba ang kinukumusta mo o 'yung imbestigasyon. Wala ka bang assignment?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Syempre ikaw, ikaw ang nagbibigay ng baon sa akin eh." Pang-uuto ko.

"Kasi ayaw mong gamitin ang mga naiwang pera ng mga magulang mo. Para sa 'yo naman 'yon ah."

"Okay na 'ko, naglilinis naman ako ng bahay mo ah kapag wala ka. 'Di ka na rin lugi do'n," sambit ko.

"Okay na sana e kaso Leo pa rin ang tawag mo sa 'kin." Umiling-iling siya.

"Anong gusto mo 'kuya'?"

"Tawagin mo 'kong master."

Natawa ako. "Opo master. So kumusta na nga ang kaso?" Pagbabalik ko ng usapan.

"Ang tanong ko muna ang sagutin mo, wala ka bang assignment?"

"Wala, matatapos na namin 'yung research paper namin. Limang review lit na lang at kaunting revision. Oo nga pala, U'Fest namin next week. Punta ka, master."

Natawa siya. Pareho kaming napunta ang atensyon sa cellphone niyang nag-ri-ring. Sinagot niya ang tawag. Nakita ko kung paano sumeryoso ang kaniyang mukha. Tumingin siya sa akin.

Pagkatapos ng tawag tila ba nagdadalawang isip siyang kausapin ako.

"What is it?" Seryosong tanong ko.

"It's about Louise Villaruel."

He opened his desktop and the mail that was sent by Police Officer Liam. It is the profile of Louise Villaruel (20).

He was a student of Performing Arts and also in his fourth year.

Naka-flash sa screen ang photos of the crime scene.

And there I remember how brutal the corpse was discovered.

He was crucified.

The possibilities are two; he might be the real L and someone is against him kaya siya pinatay, or he is just a decoy and was killed by the real culprit.

"Wait, hindi ba't pumunta kayo noon sa Effloresce noong nakatakas ang sinasabi niyong L? Bakit kayo pumunta doon?"

"Because Louise Villaruel stayed there for several months. Flor Villanueva adopted him for a while to support him to his studies. Police Officer Liam discovered that Louise Villaruel's family is in Davao. Eventually, he met his uncle here in Laguna and suggested to stay with him. Sadly, Louise died before his graduation," pagbibigay niya ng detalye sa akin pero naiwan ang isip ko doon sa unang impormasyong nalaman ko.

I remember, I met someone in Effloresce named Levi, boyfriend of my seatmate, but I couldn't remember his face. Wait, this is proving something.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top