Chapter 6: The Ticket

AEDRIAN

THIS IS annoying. I never thought that my life would be ruined just because of what happened yesterday. All I want is a peaceful high school life but why is this happening to me? Uggh.

Naisahan nila ako do'n. Pero ang ipinagtataka ko lang ay ang sinabi ni Marco na Samsung ang brand ng phone ni Lyca at hindi naman siya umapela doon ngunit bakit iba ang inilabas ni Lyca sa bulsa niya? Iphone brand.

"Uy 'di ba siya 'yung nasa vid?" Rinig kong bulong ng mga babae sa likod ko.

"Oo, siya nga 'yon girl!" Pagsang-ayon ng katabi niya.

"Gwapo sana kaso bobo yata."

"Aray girl. Sakit mo namang magsalita. Dapat talaga ang sisihin ay si Lyca! Napakasinungaling!"

"Pero kasi kung tunay silang matalino, hindi na sila nangingialam. Mga trying hard detectives kasi! 'Yan tuloy napapahiya! They're not Holmes' apprentice, okay?"

"Eh kasi naman transferee lang 'yan. Malay niya bang magaling na artista pala si Lyca."

"Eh basta rin! 'Yan ang napapala ng mga attention seeker! Second-rated trying hard detectives!"

And that's made my day. Tsk tsk. Hindi ko inakalang I'll be infamous in just three days since pumasok ako rito. At 'yon ay dahil sa isang presensyang mukhang papalapit na naman sa akin. "Transferee!"

"What?" I shouted. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Really? Nagagawa niya pang ngumiti sa mga araw na 'to? Gusto ba niyang pinag-uusapan siya ng mga estudyante? Kasi ako hindi.

Hindi ko na siya hinintay magsalita at pumasok na ako sa room. Katulad ng mga estudyante sa labas, pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. 'Yun lang naman ang kaya nilang gawin eh, ang tumingin at magbulong-bulungan. Hindi nila kayang lakasan ang mga boses nila kasi takot sila.

Naglakad na ako papunta sa likod at umupo. Gano'n din ang seatmate ko. Pagpatak ng alas siyete dumating na si Prof. Tobias at inumpisahan ang discussion. Napapansin ko ngang tumitingin siya sa dako ko na para bang may gusto siyang sabihin. Nakakainsulto rin ang mga tingin ng mga kaklase ko kaya tinitingnan ko na lang sila nang masama.

Nang mag-bell, inayos ko na ang gamit ko at naglakad sa pintuan. May mga ilang lalaking bumabangga sa 'kin at malamang isa na do'n si Marco. Para namang natatakot ako sa mga isip batang katulad nila. Tsk.

Natigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Lyca. Nakangiti siya sa 'kin habang inaabot ang isang piraso ng papel. "Peace offering ko sa nagawa ko sa 'yo kahapon. Ticket 'yan para sa play na gaganapin next week. Ako ang bida. Panoorin mo kung gaano ako kagaling umarte. Ha?"

"Nagpapatawa ka ba?" I asked. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang ginawa niyang pagpapahiya sa 'min. Biruin mong magkunwaring biktima kahit siya naman talaga ang may pakana.

"Hindi, pero mas nakakatawa kayo. Sabi ko na nga ba't may mahuhulog sa acting skills ko. At katulad ng nasa plano nakuha ko ang phone number mo." Tumawa siya."Wait, for the second thought ikaw pala ang kumuha ng number ko."

"Pwede mo namang kunin na lang 'di ba?"

"Not my forte. I love making things complicated and exciting at the same time. See you around, Aedrian." She walked away leaving the ticket in my hand. "Snow White and the seven dwarfs?"

***

Ganoon pa rin ang eksenang nakita ko pagkapasok ko ng canteen, puro sila nakatingin sa 'kin. Tss, hindi ko inakalang ganito kakitid ang utak ng mga tao rito.

Kinuha ko na ang pagkain ko at naghanap ako ng bakanteng upuan sa sulok ng canteen. Walang masyadong estudyante—tahimik—mas makakahinga ako nang maluwag. Ngunit ang paparating na sanang pansamatalang katahimikan ng mundo ko ay naudlot nang dumating ang seatmate ko. Malakas niyang inilapag ang tray kung saan nandoon ang pagkain niya. Masama siya kung makatingin.

"Galit ka ba sa 'kin?"

I chuckled. "Mukhang ikaw nga 'yung galit d'yan."

"Look, I'm sorry kasi nakalimutan kong sabihing member ng theater club si Lyca! Sorry na! Alam kong kasalanan ko ang pagkapahiya nating dalawa sa buong campus! Kasalanan ko kung bakit nasa ibabaw ng mga ulo natin ang nakatarak na signage na 'trying hard detectives' pero Aedrian naman, huwag naman 'yung hindi mo 'ko papansinin! Alam mo bang ikaw palang ang naging seatmate ko sa buong buhay ko?"

My jaw dropped not because of awe for her long speech but because for the first time I heard my name come out from her mouth. It's not a big deal after all, but compared to 'transferee', addressing me by 'Aedrian' is one of the things you can do to delight me.

"Ano? Hindi mo pa rin ba ako papansinin? Ano ba Aedrian? Binaba ko na nga 'yung pride ko kasi gusto talaga kitang maging kaibigan. Huy, pansinin mo na ako! Galit ka ba talaga?" I looked at her.

Mukhang mali ako sa deductions ko tungkol sa kaniya, hindi niya kailangan ng apprentice dahil ang totoo, gusto niyang magkaroon ng isang kaibigan. And I am not that bad to reject her offer. And I think, her deductions skill is somehow interesting.

"What if I don't want to befriend you?" I asked trying to tease her.

She sits down and answered. "Just an acquaintance is enough for me but please, be always by my side." Her words make me think about what's within those. What does she mean? As if she really need someone to be by her side.

I smiled to her. "Then let us be. Seatmates, friends, just an acquaintance or whatever we are now, let us be." Her lips let out a sweet smile and I can see na malapit na siyang umiyak. Really? Ganoon niya ako kagustong maging kaibigan tipong naiiyak siya? Weird.

"Hindi ka na galit sa 'kin?" Umiling ako.

"There's nothing to be mad about being infamous in this university." Nawala bigla ang ngiti niya.

"Ganoon talaga, we can't please them kahit na ano pang gawin natin. Kaya dapat hindi tayo nagpapadala sa mga tingin o salitang ibabato nila sa 'tin. Gawin natin kung anong tama at kung anong magpapalaya sa puso natin." She said and she starts to eat her lunch.

"Hey... tell me, wala ka bang napansin kahapon?"

"Tungkol saan?"

"About what happened yesterday. There's something we heard na hindi kaagad natin nabigyan ng pansin. There's anything, I know. May na-missed tayo."

"T-talaga? Ano?"

"You mean, you didn't know? Hindi mo napansin?"

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako doon.

From: +639**8658497 12:34PM
'Yung binigay ko sa 'yo, gamitin mo ha?
-end of message-

Kumunot ang noo ko. "Sino 'yan?" Tanong ng kaharap ko. Muli ay tumunog ang cellphone ko at kasunod nun ay ang pag-flash ng isa pang message sa screen.

From: +639**8658497 12:34PM
Malalaman mo kung gaano karaming tao ang mapapaniwala ko.
-end of message-

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top