Chapter 59: Decoy

Lumipas ang ilang buwan, hindi na rin ako nakakabisita kay Aedrian dahil abala ako sa pag-rereview para sa entrance exam. Kung saka-sakali, unang taon ko ito sa college at hindi sumagi sa isip ko na makakatungtong ako sa gradong ito.

Naaalala ko pa noon nang pinapahinto ako sa pag-aaral ng tinuring kong ama. Ipinagkakait niya ang bagay na dapat ang lahat ay meron nito. Ito na nga lang ang kayamanang pwede niya sa aking ipamana pero kung iisipin nga, hindi niya nga pala ako tunay na anak kaya ganoon na lang kadali sa kaniyang tanggalin ang karapatan ko sa pag-aaral.

Dumating ang resulta ng exam at nakapasa ako. Mabuti na lang at wala nang bayad ang matrikula kaya ganoon na lang kadali sa akin ang makapag-aral.

"Kailangan mo ba ng pera?" Tanong ng kaibigan ko sa akin.

"Bakit? May ibibigay ka ba?" Biro ko. Tiningnan niya ako na para bang may halong kayabangan. Naglakad siya papunta sa kwarto at ilang sandali lang ay lumabas na. May ibinato siya sa akin at agad ko 'yong sinambot. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang kumpol ng nakarolyong pera.

"Saan mo naman nakuha 'to? Eh wala ka namang trabaho!" Sigaw ko sa kaniya. Siguro kung may kapitbahay kami, matagal na kaming inireklamo biruin mo daig pa namin aso't pusa kung magbangayan.

"Nanalo ako sa pustahan." Inirapan ko siya.

"Mag-uusap tayo mamaya pag-uwi ko, hintayin mo 'ko." Nagpaalam na ako sa kaniya.

Nasa hallway ako nang marinig ko ang mga dakilang chismosa at tila ba may nakuha na namang subject para simulan ng chismis. Ewan ko ba kung bakit hindi nila pagchismisan ang sari-sarili nilang buhay. As if namang may magagawa sila. Hello? Buhay namin 'to at may buhay din silang kanila, bakit may oras pa silang mangialam.

Lalo akong nainis sa pag-aakalang isa sa kanila ang nabangga ko ngunit agad na nawala at napalitan ng gulat dahil sa taong nakikita ko ngayon. Habang tinititigan ko ang mga mata niya, hindi ko mapigilang alalahanin ang mga bagay na meron kami noon, ang mga pinagsamahan namin... na sana hindi nawala dahil nakakapanghinayang.

"I-I'm s-sorry, miss," sambit niya na para bang wala siyang ideya na kilala niya ako. Na para bang ni minsan sa buhay niya hindi niya ako naging kaibigan.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Nakakabaliw!

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. If it is genuine or just forced. I still don't understand and I'm at the edge of insanity whenever I tried to understand myself.

"Sorry miss, una na 'ko. Mag-ingat ka na lang din sa susunod." Paalam niya ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko... "Finally, you're awake." ...na naging dahilan nang paglingon niyang muli sa akin.

"Excuse me, do you know me?"

Sa pagkakataong 'yon, pakiramdam ko huli na ang lahat para magsisi. Huli na ang lahat para bumalik pa ako sa kaniya. Na nung gabing iniwan ko siya, nawalan na ako ng karapatang bumalik. Na ngayong hindi niya na ako makilala, nagpapatunay na dapat tanggapin ko na sa sarili ko, panindigan ko na ang lahat ng desisyong ginawa ko. Na kahit lingunin niya ako pabalik, 'yung mga nawala, maglalaho na nang tuluyan.

Buong klase akong nakatunganga at walang pumapasok sa utak ko maliban sa taong nakita ko kanina. Gulong-gulo ang utak ko ngayon. Hindi ko alam, kahit hanggang sa paglabas namin sa room, lutang ang utak ko. Muntikan na nga akong mahulog sa hagdan pero mabuti na lang may humila sa akin.

Papalabas na ako ng gate nang mahagip ng mata ko ang pamilyar na bisikletang naka-park malapit sa guwardya. Hindi naman siguro masama na kahit saglit lapitan ko ang bisikleta niya. Hindi naman ako magpapakita.

Kahit nakakandado ay sumakay ako at pinaglaruan ang bisikleta ni Aedrian. Pinagpapadyak ko ang pedal na para bang nasa isa akong palaruang pambata. Nagulat ako nang biglang magpakita sa akin ang taong ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na pagpapakitaan.

"What are you doing with my bike?" Dahil sa gulat, hindi ko alam ang gagawin ko at sa sobrang likot ay nawalan ako ng balanse. Pero mas ikinagulat ko nang pagmulat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang mukha niya. Napaatras ako lalo dahil ayokong marinig niya ang lumalakas at bumibilis na tibok ng puso ko. Hindi. Hindi ito totoo. Hindi maaari.

Kakalimutan ko nang nangyari ang araw na ito dahil isa itong pagkakamali. Napasunod ang mga mata ko sa mga patrol cars na naglalampasan sa tabi namin. Lahat ng 'yon ay sumisirena nang malakas na nakakabingi.

Sa pagkakataong 'yon, nabalik ako sa sarili ko. Kailangan ko nang umalis dahil ngayon... alam kong ngayon ang araw na 'yon.

Tuluyan na akong humiwalay sa kaniya. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin hanggang sa pag-uwi ko ng bahay. Nagtaka ako kung bakit may isang lalaking lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko. Napatulala siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa nakita niya. Nilampasan ko ito upang dumeretso na sa lalaking nadatnan kong may kausap sa cellphone niya. Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay agad ko siyang tinanong.

"Sino 'yung lalaking galing dito at sino 'yang kinausap mo?"

"Isa-isa lang." Tumawa siya. "Just a new recruit of the fraternity."

"Mapagkakatiwalaan ba 'yon? Bakit kailangan pa niyang pumunta rito?" I just crossed my arms habang ine-interrogate siya. "Eh sino naman 'yung kinausap mo sa cellphone?"

"Someone in the fraternity told me that L successfully escaped."

Umiling ako at huminga nang malalim. "I already know. Patrol cars were everywhere finding L."

"I see... How's school?" Pag-iiba niya ng usapan.

"As usual, another case was solved." Kumuha ako ng malamig na tubig mula sa ref at isinaling sa isang baso tsaka ko ininom. "I'm sure, police gonna be asking my statement since I am the great detective who lured out L but suddenly he just escaped," I said out of sarcasm.

"Why? Aren't you happy? You fooled the police."

"Yeah, because we both know who the real L is," I stated and I saw him grin.

"Never thought of you being a fan of Sherlock Holmes will be so useful. How brilliant it is to suggest using a decoy."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top