Chapter 58: Love Square
Pinagmasdan kong mabuti ang music sheet na ito. Pamilyar sa akin ang piyesa ngunit parang naging paulit-ulit ang nota lalo na sa huling parte. Hindi ko rin kaagad nalaman pagka't iba ang lyrics nito.
Do you see this sky?
Rainbow is blinding me
Might see that soon
Far away from this sorrow
So I'll end it now
Loving you is hard
Till my last breath
Do you know I still like you?
Tuluyan na akong napaupo nang mabasa ko ang kabuoang sulat. It's a note... not a typical note but a suicide one.
At unti-unti nang bumuo sa utak ko ang isang ideya. That scent that I smelled earlier I don't know if it was handmade but I guess I was right since he is a chemistry major.
"A-ayos ka lang ba, Nica?"
Hindi ko siya sinagot sa halip ay umalis na ako sa lugar na 'yon. Masyadong masakit at ayoko nang lalong isipin pa. Bago ko pa man lisanin ang nakakalungkot na tagpo ay tiningnan ko muli ang mga itsura nila. And there I remember their names, Dorothy, Soledad, Lanz and Timothy. Hindi ko alam kung bakit naiisip ko ito gayong parang imposible. They were probably friends in the past. And maybe someone like someone but then that someone like the other one. But all of these things running through my mind is just my speculations. I don't want you to believe me but that is what I am feeling after I read that note.
Remember those times?
Miracles are true
Fact that you all were here
So I hold on to your promises but
Lying is all we can do
To protect what we have
Don't miss yourself having me.
Hindi ko na namalayan na dinala na naman ako ng paa ko sa hospital kung nasaan si... bubuksan ko na dapat ang pinto nang may lumabas.
"Doc, ano pong ginawa niyo sa loob? May nangyari po ba sa kaniya?" Agad kong tanong pero hindi niya ako sinagot at agad na siyang umalis.
Bumigat ang dibdib ko nang maamoy ko 'yon. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakalingon kaagad... Muling namuo ang takot sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko ang amoy niya...
What was he doing here? He's supposed to be behind those bars.
"Nica! Are you alright?" Narinig ko ang boses ni Sir Leo. Tumango ako. "Bakit nandito na kayo kaagad? Tapos na ba ang imbestigasyon?"
"It all turned out with that sad ending. Nakakalungkot na sa ganoong tagpo sila nagkita ulit." Pumasok kami sa loob at nagsimula ko siyang usisain.
"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ko.
"Magkakaibigan sila. Si Timothy, Dorothy, Soledad at Lanz. Ngunit hindi lang sila basta magkakaibigan dahil higit pa ro'n ang turingan nila. Si Dorothy at Timothy ay may lihim na relasyon ngunit lihim ding minamahal ni Soledad si Timothy at ganoon din si Lanz kay Dorothy."
"Love Square?" Paninigurado ko at tumango siya. "Kung gano'n murder ang kasong ito?"
Umiling siya. "Tama ka, it was a suicide."
"P-paanong nangyari?"
"Mas mahal ni Dorothy ang pagkakaibigan nilang apat kung kaya't napagdesisyunan niyang makipaghiwalay kay Timothy ngunit makalipas ang ilang araw. Kanina, tumawag si Timothy sa kaniya at nais makipagkita sa rooftop." Paliwanag ni Sir Leo.
"Kung gano'n, totoong nakita ni Lanz ang dalawa. Kaya pala nagtataka ako kung bakit natandaan niya kaagad ang dalawang taong dumaan sa harap niya dahil kilala niya ito at higit pa ro'n ay kaibigan niya." Muling tumango si Sir Leo.
"At si Soledad, alam niya ang planong pagpapakamatay ni Lanz ngunit kahit anong pigil niya sa kaibigan niya ay hindi niya ito maawat. Masakit para sa kaniya na makitang ang mahal niya ay handang magpakamatay para sa iba pero anong magagawa niya?"
"Kaya mahirap na magkagusto ka sa kaibigan mo. You really have to take the risk and also you have to prepare yourself for the pain."
Binaling ko ang atensyon ko kay Aedrian. He's still unconcious. Hindi ko alam hanggang kailan siyang ganito. Hindi ko gustong nakahiga lang siya at walang magawa. He was supposed to be with me. We promised to fight together.
"You are torn between love and friendship." Napatingin ako kay Sir Leo. Alam ko hindi ako ang pinatutukuyan niya pero bakit ako natatamaan. Kahit ako, hindi ko alam kung kanino ba talaga ako. Ang masaklap, hindi ko na kilala ang sarili ko. Tuwing tumitingin ako sa salamin, hindi ko na nakikita ang dating ako. Ano bang nangyari sa akin?
Napagdesisyunan ko nang umalis. Nagpaalam na ako kay Sir Leo. Papalabas na ako sa pintuan nang magsalita siya.
"Saan ka na nga pala umuuwi ngayon? Nabalitaan kong pumanaw na pala ang ama mo."
Sandali akong napatigil sa tanong niya. Nilingon ko siya at sinagot. "Sa kaibigan ko."
Tumango-tango siya. "Kung gayon, alam mong wala na ang ama mo, bakit hindi ka nagparamdam?" Dugtong niya pa.
"Hindi ko naman siya tunay na ama, bakit pa ako mag-aabala?" Sarkastikong tanong ko rin sa kaniya. Hindi na siya nagtanong pa at hinayaan na lang akong umalis. Napahawak ako sa sentido ko. Hindi ako dapat mangamba, wala akong kinalaman sa pagkamatay ng lalaking 'yon.
Umuwi na ako sa bahay at nadatnan ko ang kaibigan ko sa salas na nanonood ng balita. Umupo ako sa tabi niya dahilan upang mapansin niya ang pagdating ko.
"Hindi mo ba dadalawin ang boyfriend mong ikaw mismo ang nagsuplong?"
Natawa ako at tumingin sa kaniya. "Are you kidding me?" Ngunit ang mga mata niya'y nakatutok pa rin sa lalaking nasa balita ngayon. Hindi maalis-alis sa labi niya ang ngiti hanggang sa matapos ang balita. Pinatay niya na ang telebisyon at ibinaling ang atensyon sa akin.
"How's the feeling of being a great detective?" Tanong niya.
"It's my dream since then." Simpleng sagot ko na siguro'y alam niya na ang nais kong ipaghiwatig. "Pero hindi ako masaya, aaminin ko."
"In war, it doesn't matter who cheated or who didn't, it's the point that counts, Janica."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top