Chapter 56: Greatest Detective in Town
"So you're here and I see it's his room... Aedrian's room." Mas lalong lumaki ang ngisi niya pero halata mong galit ang mababakas dito. Hindi niya siguro alam kung matutuwa ba siya na nasa hospital si Aedrian o magagalit kasi binisita ko si Aedrian.
"So what happened? Why are you crying?" He asked. I shrugged, "I don't know. Maybe it's because of you that's why he's here." I tried to act like I don't really know what happened. I don't want him to know that Aedrian killed himself and I was the one who saved his enemy... I walked away from that door so he maybe will follow me.
"So bakit siya nandito?"
"I don't know." Hindi rin naman malalaman nito kung bakit nandito si Aedrian dahil confidential ang mga informations ng pasyente dito sa hospital.
"Talaga? Sa pagkakarinig ko, he committed suicide and you were there to save him. Am I right?" Napatigil ako sa paglakad nang marinig ko 'yon. Paano niya nalaman?
Tumakbo ako nang mabilis palayo sa kaniya pero ganoon din siya. Ewan ko kung bakit ako tumatakbo... Pakiramdam ko kailangan kong tumakas. Pakiramdam ko may posibleng masamang mangyari sa akin sa oras na mahabol niya ako. Natatakot ako. Parang nakikipaghabulan ako kay kamatayan.
Lumingon ako at nakita kong wala nang sumusunod sa akin. Unti-unti akong tumigil dahil nanghihina na rin ang tuhod ko. Nauubusan na ako ng hininga.
"Hinding-hindi ka makakatakas." Napaluhod ako nang marinig ko na naman ang boses niya. Nakita ko ang sapatos niya na lumalapit sa akin. Hinila niya ang buhok ko.
"Sabi ko naman sa 'yo akin ka lang! Hindi ka ba aware na nasasaktan mo ako sa tuwing nakikita ko sa mukha mo na nami-miss mo ang kaibigan mo? F*ck Janica! Mabait na nga ako sa 'yo! Hindi mo ba makita? O sadyang ganiyan kayong lahat? Ganiyan ba kayong mga babae? Alam mong kaya kitang patayin! Pero ginawa ko ba sa 'yo? Alam mo ba kung bakit hindi pa kita pinapatay? Kung bakit hindi kita pinapatay?!"
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang emosyong hindi ko pa nakita sa kung sinoman noon. Malungkot ang mga mata niya. Hindi na siya isang demonyo. Isa na siyang nakakaawang masamang nilalang dahil hindi niya makuha ang gusto niya. "Mahal kita Janica, simula noong mga bata pa tayo. Hindi mo ba matandaan?"
Napasinghap ako. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. M-mahal niya ako? Paano nangyari 'yon? Naguguluhan ako. Para siyang may dalawang pagkatao.
Niyakap niya ako at naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha niya sa balikat ko kasabay no'n ang malakas na pagpatak ng ulan. "Hindi ba pwedeng ako na lang?"
Hindi ko inakalang maririnig ko 'yon sa taong katulad niya. Parang imposible. Sigurado ba siyang ako nga ang mahal niya? Tsaka simula noong bata? Eh hindi ko naman siya kilala.
Inihiga ko siya sa kama at pinaltan ang damit niya. Papaalis ako para kumuha ng damit na pampalit niya nang hawakan niya ang kamay ko. "Kung susuko ako sa mga pulis, mamahalin mo na ba ako?"
Hindi ko mapigilang maawa. Naguguluhan ako. Umupo siya sa kama. "I will tell you everything. You can tell it to the police. I don't care. What matters to me is you."
***
"Aedrian, when will you wake up? The killer of your mother got arrested yesterday. I wish you were here. I miss you and your deduction skills."
"Nica, pwede ba tayong mag-usap?" Sir Leo asked. Tumango ako.
"How did you find the real L?"
"Sinabi ko na sa inyo, matagal ko na siyang sinusubaybayan. I have collected all the evidences to assure that he will be locked up in those bars. And sa tingin ko hindi naman mahalaga 'yon, what matters is nahuli na ang serial killer."
Tumango siya. Nagpaalam na ako sa kaniya dahil may klase pa ako. I am on my first year in college and I am so popular since the day L got arrested. They were calling me the greatest detective in town. I was happy because it was my dream. Dati, pinapanood ko lang ang Sherlock Holmes and Detective Conan, now everybody's calling me one. At ngayon gusto ko itong ipagpatuloy kaya ang pinili kong course ay related.
"What if you encountered a scene like this? Is this a suicide or a murder?" Prof Mateo asked while he showed us some pictures of a corpse where the crime scene is... wait! Sa rooftop galing?
Base kasi sa pictures, mukhang nahulog yung babae mula sa rooftop.
Napaisip ako...
At pinagmasdan kong mabuti ang mga larawan.
"SIIIIIR! M-MAY TUMALON SA BUILDING NATIIIIIN!" Agad kaming napatingin sa babaeng sumisigaw sa may pintuan. At may tinuturo siya sa corridor... Dali-dali akong tumayo at dumungaw sa ibaba magmula dito sa fifth floor. And there I saw someone who's soaking on his own blood.It's abominable. Hindi ko kayang tingnan. Sinubukan kong sumilip sa itaas and there I saw a lady.
Tumakbo ako papataas hanggang sa seventh floor. Hindi alintana ang hingal at pagod. Kumunot ang noo ko nang may makita akong isang babae. Payat siya at may kaliitan. Hindi maitatangging maganda siya dahil sa maputi ang kinis niya ngunit ang kaputian 'yon ay wari bang nagiging maputla dahil sa takot. "I-It wasn't me... I was told by someone to come here and then... I don't know what happened. I don't really know."
Humakbang ako papalapit pero umaatras siya palayo. "I am telling the truth. I am innocent. Please, believe me." Pinagmamasdan kong mabuti ang ekspresyon ng mukha niya ang takot at kaba kaya patuloy ko pa rin siyang nilalapitan.
Napapikit siya nang lumapit ako. Rinig ko ang pagpigil niya ng hininga. Dumungaw akong muli sa ibaba at nakita ko ang kawawang bangkay ng lalaki. Ilang minuto lang may dumating na ring mga pulis sa baba maging dito sa rooftop.
"Nica, what happened here?" Sir Leo asked me.
"It's a suicide."
Nagulat ang mga tao sa paligid ko at napatingin sa akin.
"Are you sure? Hindi ba't kahina-hinala ang babaeng 'to? We have to know why she's here first." Sabi ng isang pulis.
"It was just my hunch. Nasa sa 'yo kung paniniwalaan mo 'ko." I crossed my arms at tiningnan ang pulis na 'yon.
"Huwag ka na munang mangialam pansamantala rito, makinig ka lang and then I'll ask you later about your deductions, okay?" Sir Leo told me and I just nodded.
"Ang pangalan ng biktima ay Jordan Timothy Albay. 20 years old. Third year college at isang varsity player. May nakakita sa kaniyang umakyat dito at nakita rin nito na umakyat ang babaeng ito kasunod. Pwede bang malaman namin ang pangalan mo, miss?"
"B-bali, a-ako po si Dorothy Canberas. 19 years old. Second year education, MAPEH Major. Ang totoo po niyan, may tumawag po sa akin kanina na pumunta raw po ako rito...."
"Sino naman kaya ang tatawag sa 'yo?"
"H-hindi ko po kilala, ang tanging alam ko lang po ay lalaki ang tumawag sa akin."
"Anong estado niya nang madatnan mo siya rito?"
"P-po? A-ang naaalala ko lang ay huli na ang lahat ng dumating ako. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon upang pigilin siya."
Pansin ko ang pangangatal ng boses niya maging ang pangangatog ng kamay niya. Anong problema? Ano kaya ang tinatago ng babaeng ito? Sinuri ko ang paligid. May naaamoy akong matapang na pabango. Habang iniisip ko ang mga posibilidad at koneksyon ay bumaba ako hanggang sa kinaroroonan ng bangkay ng lalaki. Laking pagtataka ko nang maamoy ko ang matapang na pabango na naamoy ko kanina.
Napakunot ang noo ko nang makita ko ang bagay na 'yon. Mukhang tama talaga ang hinala ko ah.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top