Chapter 55: Changing Minds
"We must be thankful na naagapan agad. She really knows how to control the bleeding by tourniquet. Mabuti na lang din at nadala siya dito sa hospital," sabi ng doctor kay Sir Leo na sa pagkakaalala ko nakikita ko siya kasama ang ibang mga pulis dati.
Nagpaalam na ang doctor sa amin kaya naiwan kami ni Sir Leo sa labas ng kwarto ni Aedrian. Tumingin siya sa akin.
"Maria Janica Silvania," pagbanggit niya sa buong pangalan ko. "Can we talk?"
"Tungkol po saan?"
"Follow me." Tumango ako at sinundan ko siya sa isang parte ng hospital kung saan maaari kaming makapag-usap.
"Bakit mo binisita si Ronaldo nang gabing 'yon?" Tanong niya na nagpatigil sa akin. Hindi ko inaasahan na uungkatin niya ang gabing 'yon kung kailan binisita ko ang lalaking tinutukoy niya.
Huminga ako nang malalim at saka ko inalala ang dahilan kung bakit ako dumalaw nang gabing 'yon. "Nalaman ko kay Aedrian na siya ang pumatay kay mama. Gusto kong tanungin kung bakit niya pinatay si mama..."
"Nalaman mo ba?"
Yumuko ako habang ibinabalik sa isip ko ang ibinigay na dahilan sa akin ng taong 'yon. Pilit kong tinatanggap ang dahilan niya pero isa lang ang alam ko...
"Hindi ko sinasadyang mabaril ang mama mo. Gabi no'n nang umuwi ako galing sa trabaho. Nagtaka ako nang madatnan kita sa labas ng bahay natin. Pinipigilan mo akong pumasok pero huli na ang lahat nang makita ko ang mama mo na may kasamang iba... hindi lang kasama. Kitang-kita ng dalawa kong mata na magkayakap sila. Narinig ko pa ang mga salitang akala ko sa akin niya lang sinasabi... sobrang nasaktan ako. Huli na ang lahat nang malaman kong nakuha ko na pala ang baril sa tagiliran ko at nakalabit ko na ang gatilyo. Kung alam mo lang kung gaano ako nagsisisi ngayon, na h-hindi ko naisip na maiiwan kita sa oras na makulong ako. Nakalimutan kong isa akong pulis... na isa akong ama..."
"Makasarili s-siya. 'Yan ang alam ko." Nabasag ang boses ko. Ayokong maniwala sa dahilan niya. Lalo na't wala akong natatandaang nangyaring gano'n. Kilala ko si mama... mabuting ina si mama. Hinding-hindi niya lolokohin si papa. Nagkakamali si papa... mali siya.
"Nalaman mo bang siya ang tunay mong ama?" Tanong niya habang ibinabato niya sa akin ang mga tingin na 'yon... tingin na para bang puno ng awa... awa sa akin dahil hindi ko mahanap sa puso ko na maawa sa tunay kong ama. Kung tunay ko nga ba talaga siyang ama... dahil wala akong amang mamamatay tao... na papatayin ang sarili niyang asawa.
"Hindi ko siya tunay na ama." Mapait na sagot ko.
"Mareth Silvania, ang nanay mo. Bernardino Rosalez, ang kinilala mong ama. Kasal ba sila?" Tumango ako. "Kung gano'n, sa tingin mo bakit hindi Rosalez ang apelyido mo?"
"Bakit hindi Villamor ang apelyido ko kung si Ronaldo Villamor talaga ang tunay kong ama ha? Sa tingin mo, baki---t?" Natulala ako nang may mapagtanto ako.
Hindi pa kasal sila mama pero nabuntis na siya at ako ang bunga. Mas pinili siguro ni mama na apelyido muna niya ang gamitin bilang apelyido ko dahil hindi pa sila kasal, hindi niya siguradong ikakasal sila, dahil hindi niya sigurado kung mahal--. Napapikit ako. Kung totoo akong anak ng kinilala kong ama na si Bernardino Rosalez, bakit hindi Rosalez ang apelyido ko?
Lutang ang isip ko habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Sir Leo.
"Kilala ko si Ronaldo Villamor... Isa siya sa mga senior ko. Hindi siya makasarili. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang pag-ibig niya sa ina mo. Tiniis niya ang lahat at hanggang sa huling beses na makita niya ang ina mo na may kasamang iba... hindi siya naging makasarili. Kung naiintindihan mo lang ang dahilan niya."
"...hindi niya pinatay ang mama mo dahil napuno siya sa panloloko nito sa kaniya... hindi iyon ang dahilan... hindi niya gustong patayin ang ina mo... hindi niya iyon sinasadya. Nagawa niya lang 'yon dahil... mas pinili niyang magalit ka sa kaniya kaysa sa mama mo. Alam niya kung gaano mo kamahal ang mama mo kaya ayaw niyang maging masama ang tingin mo rito... kaya niya ginawa 'yon..."
Umiling ako.
"Hindi ako naniniwala... Pinatay niya si mama kasi galit siya... Ganoon lahat ng mamamatay tao, gusto nilang patayin ang isang tao dahil galit sila rito... dahil niloko sila o sinaktan... kaya gusto nilang gumanti... Pinatay niya si mama, 'yun ang alam ko."
"Kung gano'n, naisip mo ba kung bakit hindi binaril ng ama mo ang lalaking kasama ng mama mo?"
"Basta pinatay niya si mama! Dapat lang na mamatay din siya! Dapat lang na namatay siya! Hindi ako nagsisisi! Kasi dapat lang na namatay siya! Dapat lang!"
"You will never understand this Nica unless you experienced it. And I hope you wouldn't understand."
"Wala akong ama na mamamatay tao," saad ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Aedrian kung saan kitang-kita ko ang mukha niya na sobrang putla na para bang uminom siya ng maraming suka. Nawalan siya nang maraming dugo dahil sa ginawa niya. Lumapit ako sa kaniya tsaka umupo sa tabi niya.
"Hey sleepyhead, wake up. You're sleeping so long. Would you mind to take a break and open up your eyes for me?" I hold his hand and place it beside my cheek. "I know I'm so stupid because I'm here beside you now... I know I don't have the rights to see you and I am becoming selfish again... Ang tanga ko kasi kinakausap kita ngayong hindi mo naman ako naririnig... kinakausap kita ngayong hindi ka naman makapagsalita. Ano ba 'tong kaibigan mo, Aedrian? Bakit hindi ka pumili ng matino? Bakit hinayaan mong magkaroon ka ng kaibigang iiwan ka? Bakit ka pumayag na maging kaibigan ko? Hindi ba't matalino ka? Why do you always choose to be hurt when you deserved to be happy?"
Muli ay naramdaman ko na naman sa aking pisngi ang maiinit na likidong nagmumula sa aking mga mata. Pinipigilan kong humikbi dahil alam kong posibleng marinig niya.
"I know, you're confused from my immediately changing minds. When I said you must know the real answer but I am suppressing you. When I said, you have to be always near me but I am the one running away from you. I am sorry... I know sorry is not enough but I am really sorry for being a true fake friend... for acting like a friend when we're together but when we're apart the truth is... I don't want to be just your friend."
"But because of my decisions we turned into like this. Nakaupo lang ako rito kinakausap ka habang natutulog kasi... kasi hindi ko kayang humarap sa 'yo at kausapin ka. I am ashamed of myself. Aedrian..."
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang ako kasi ginigising ako ni Sir Leo. "Umuwi ka na, ako nang bahala rito. Baka hinahanap ka na rin sa inyo."
Umiling ako. "H-hindi po, okay lang po ako. Hindi po ako aalis dito hangga't hindi siya nagigising." Nagulat ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. "K-kailangan ko na po palang umuwi. B-babalik na lang po ako." Paalam ko.
"Sige, mag-ingat ka."
Nagulat ako nang paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang mukha niya. Nakangisi ang mga labi niya. "So you're here and I see it's his room... Aedrian's room."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top