Chapter 54: Easiest Way
"Bakit? Bakit ako aalis? Bigyan mo ako ng dahilan."
"Huwag ngayon, Aedrian. Please, para rin sa 'yo 'to, umalis ka na." Pilit ko siyang pinagtutulakan pero tinanggal niya ulit ang kamay ko at sa pagkakataong 'yon, malakas na.
"Kung hindi ka magpapaliwanag ngayon, hindi ako aalis. Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya na para bang kailangan na kailangan kong sagutin. There's something in his question that makes me want to answer. I want to explain him everything para hindi niya ma-misunderstood. But I really have to zip my mouth because what I'm doing will benefit him someday...
"Ano? Bakit hindi ka makasagot? Ano bang tinatago mo? Nandito ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan? Ha?" Nanghina ang tuhod ko sa tanong niya.
"Janica, nandiyan ka na pala. Nakita ka na ba ni Levi?" Napatingin ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. "H-hindi pa po, hinahanap ko pa po siya."
"Ganoon ba? Teka magkakilala kayo?" Tanong niya muli na tila ba nagtataka dahil may kasama akong lalaki.
"N-naku hindi po, napagtanungan ko lang po siya kung nakita niya si Levi, hindi po pala." Palusot ko.
"Ganoon ba Aedrian?" Tumingin naman ito sa lalaking katabi ko.
"Ang totoo po niyan magkaklase kami ni Nica pero hindi po maganda ang pagkakakilala ko sa kaniya kaya hindi kami masyadong close, hindi ba?" Tumingin siya sa 'kin at nasasaktan ako sa mga tingin niya.
"Nandoon si Levi sa kubo. Pumunta na kayo ro'n baka naghihintay na sa 'yo ang nobyo mo. Isama mo na rin si Aedrian at ipakilala mo siya kay Levi."
"H-hindi po, sabi po niya uuwi na raw siya. Hindi ba? Halika na 'di ba nagpapasama ka sa 'kin kasi baka maligaw ka?" Hinawakan ko muli ang kamay niya pero muli ay tinanggal niya 'yon.
"Totoo ba hijo? Uuwi ka na?" Bakit kailangang palaging siguraduhin sa kaniya? Bakit kailangang itanong pa kay Aedrian?
"Hindi pa po tita, hindi ko pa po nakikita si Leila eh." L-leila?
"Oh Leila, may naghahanap sa 'yo. Hindi raw siya aalis hangga't hindi ka nakikita."
Napatingin kami sa direksyon kung saan naroon ang babaeng pamilyar sa akin ang mukha. Siya 'yung babaeng nawawalan kanina ng mp3 player. So magkakilala nga sila. Paano?
"Bagong lipat palang siya rito sa Laguna nang makilala niya ang anak ko hanggang sa naging magkaibigan na sila. Hindi na nakapagtataka kung isang araw---"
"H-hindi ko po tinatanong," sabat ko.
"Alam ko, gusto ko lang malaman mo kung saan ka lulugar." Nakangisi niyang sabi at tsaka niya ako tinalikuran. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin. Ang lugaw na may patay na daga. Sa tuwing naaalala ko 'yon ay bumabaliktad ang sikmura ko.
Muli kong tiningnan si Aedrian na sa ngayo'y kausap ang babaeng 'yon. Ano naman kung siya ang una niyang nakilala rito, ako naman 'yung palaging nakakasama niya... noon. Napayuko ako. I shouldn't be here. I left him so I shouldn't talk to him like there's nothing happened. How stupid I am. Bullshit.
Umalis na ako at iniwan ko sila. Pinili kong umakyat na lang uli sa kwarto kung saan ako nagkulong. Wala naman akong dahilan para makisaya sa kanila tutal hindi naman talaga ako masaya na nandito ako. I am like a prisoner. And I don't know how will I escape away from this hell. I don't know if there's someone out there will help me get away from this burning place.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako sa tunog ng pinto na kasasara lang. Nagkunwari akong tulog nang makita ko siya at ang hawak niya... kutsilyo na may bahid ng dugo. Kahit hindi bukas ang ilaw, aninag ko ang kumikislap na bagay na 'yon at ang bahaging may dugo. Sigurado akong may ginawa na naman siyang masama... may pinatay siya. Mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman kong lumalapit siya sa 'kin. Alam kong nakatingin siya ngayon sa mukha ko. Hindi ko mapigilan ang kaba dahil baka mamaya ako naman ang patayin niya.
Narinig ko ang tawa niya. "I killed her mother that I should've done a bit earlier." Nagngitngit ang ngipin ko nang marinig ko ang sinabi niya. I don't really understand why someone has to kill someone.
"I know you're awake. Tomorrow, visit him and check if he's still alive. It would be great if he's not."
I know what he's thinking. It's the easiest way to kill his enemy physically and emotionally. I feel so guilty right now that I am with my friend's enemy. I should be there when there's no one beside him but it is so hyprocrite for me kapag lumapit pa ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mahirap pala talagang mamangka sa dalawang ilog. I don't know what should I act. Iniwan ko siya pero siya pa rin ang inaalala ko. Hindi ko na alam.
Days passed and I am still struggling if I should visit him or just stay here in this place. Should I come? What if he doesn't want to see me? Of course, he doesn't want to see me. I am a traitor. But this is a good chance, I have an excuse to see him. I am allowed to see him. Should I come?
Huminga ako nang malalim tsaka ako pumasok sa gate ng bahay nila. I guess I am in the right place. Nabalitaan kong nailibing na kanina ang mama niya and I know I am not someone to go and see his mother. Kung malalaman lang siguro ng mama niya ang ginawa ko sa anak niya, babangon siya at itataboy ako.
Muli akong bumuntong hininga tsaka ako nagpatuloy sa pagpasok sa bahay nila. Kumatok ako sa pintuan pero walang nagbubukas sa akin. Napansin kong hindi pala naka-lock ang pinto kaya pumasok na ako. Akala ko sasalubong na sa akin ang mukha niya ngunit hindi pa pala. Napatigil ako nang may marinig ako mula sa taas. Kinakabahan akong tumakbo. "Aedrian!"
"Aedrian! Nasa'n ka?"
May naramdaman akong kakaiba. And I was afraid to think about him killed L. No! I can't! This isn't happening!
"Sagutin mo 'ko! Nasaan ka Aedrian Alminario?! A---" Nagulat ako nang makita ko siyang nakahandusay sa sahig. Duguan habang hawak-hawak ang kutsilyo. Napaluhod ako.
"H-hindi... H-hindi... Hindi 'to nangyayari. N-nananaginip lang ako." Sinampal ko ang sarili ko para mapatunayang isa lang itong panaginip ngunit hindi. Unti-unting bumagsak ang mga luha ko habang gumagapang papalapit sa kaniya.
"Aedrian naman... gumising ka... Nandito na ako oh. Hindi ka na nag-iisa. Pakiusap, g-gumising ka na." Hinawakan ko ang mukha niya. Nasasaktan akong nakikita ko siya sa ganitong sitwasyon. Ngayon ko lang napagtantong mas nakakatakot pa palang mapahiwalay sa kaniya. Sana nasa tabi niya ako. "Aedrian please... huwag mong gawin 'to. P-paano na ako? Akala ko ba hindi mo ako iiwan?"
"Utang na loob naman! Aedrian!"
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top