Chapter 52: Scapegoat
Tumingin akong muli sa babae at tinanong siya. "Ano ba? Bakit hindi ka magsalita? Sino sa tatlong lalaking ito ang kumuha ng mp3 player mo? Ituro mo sa 'kin." Ngunit muli siyang yumuko. Hindi ko siya maintindihan. May nawawalang bagay sa kaniya at alam kong gusto niyang maibalik 'yon sa kaniya, ngunit bakit hinahayaan niya lang na makawala ang totoong may sala? Kahit na mukhang alam niya naman kung sino talaga ang kumuha ng mp3 player niya... Bakit ayaw niyang magsalita?
"Tinutulungan na nga kita e, bakit hindi naman ako ang tulungan mo? Sasabihin mo lang naman kung sino ang kumuha ng mp3 player mo! Gaano ba kahirap 'yon? Huwag mong hayaang tratuhin ka nila ng ganiyan!" Hindi ko na napigilan siyang sigawan. Bakit ba kasi hinahayaan niya na lang mawala ang isang bagay na mahalaga sa kaniya? Hindi ba't kung totoong mahalaga sa kaniya hindi niya ibibigay sa iba?
"Tama na 'yan." Napatigil ako nang marinig ko ang boses niya. Ang boses na matagal ko nang hindi naririnig. Nadudurog ang puso ko. Hindi ako makakilos. Hindi ko magawang lumingon sa kaniya. Hindi ko siya kayang tingnan dahil nahihiya ako... wala akong mukhang maihaharap sa kaniya. Pagkatapos kong gawin ang lahat? Ako 'yung unang hindi nagtiwala sa kaniya, kaya paano siya magtitiwala sa akin kung malaman niya ang totoo?
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nang hindi pa rin ipinapakita ang mukha ko. Dahil alam kong sa oras na makita ko ang mukha niya... masulyapan ko ang mga mata niya... Hindi ko mapipigilan ang sarili kong yakapin siya. Ngunit ayokong maging makasarili. Tama na 'to, ako na ang magdusa... huwag lang siyang masaktan.
"Hindi na mahalaga 'yon, sabihin mo sa 'kin kung anong nangyari rito." Naramdaman ko ang paghakbang niya papalapit sa 'kin pati ang pagsulyap niya sa mukha ko.
"Hindi Aedrian..." His name... "Hayaan mo na ako." Is the most unforgettable name I have ever known. "Hindi ko kailangan ng tulong mo."
Ibinaling ko ang atensyon ko sa babaeng nasa harap ko. I know I look like a dumb now, holding back my tears so he can't see how stupid I am. "May bibig ka naman 'di ba? Huwag kang matakot sa kanila! Hindi ka naman papatayin ng mga 'yan! Sabihin mo sa 'kin kung sino ang kumuha ng mp3 player mo para maibalik natin sa 'yo. Ituro mo! Magsalita ka!"
Nagulat ako nang biglang magtakip ng tenga 'yung babae at umiling-iling. Sumisigaw siya kaya natakot ako sa ginawa ko. What am I doing? I was supposed to ask her politely then why does my feelings can't function accurately? My emotions are mixing and overflowing and I can't think straight right now. What did I do?
Nagsilayuan ang mga tao sa amin na tila ba natatakot. Patuloy pa rin sa pagsigaw 'yung babae na para bang may nakikita o naririnig. Nilapitan siya ni Aedrian at hinawakan sa magkabilang-balikat. "A-ayos ka lang ba?" Tumingin ito sa kaniya. Nagulat ako nang yakapin siya nito.
"K-kilala mo ang taong 'yan?" Tanong ko na hindi niya sinagot.
"Halika na, ihahatid na kita sa inyo." So kilala niya nga ang babaeng 'yan. Teka, posible kayang kilala niya na rin si---?
Napatigil ako sa pag-iisip nang maglakad sila papalayo sa akin. "T-teka! Saan mo siya dadalhin? Hindi pa ako tapos sa kaniya! Tinatanong ko pa siya!" Sigaw ko na nagpalingon sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata namin. At hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng sobrang sakit. 'Yung sakit na parang sinasaksak ka ng milyong-milyong kutsilyo... na para bang hindi na ako makahinga. Ang sakit... Gusto kong umiyak sa harap niya. Sabihin sa kaniya lahat. Humingi ng tawad. Gusto ko ako 'yung hawak-hawak niya. Gusto ko ako lang ang kaibigan niya. Ako lang ang nakikita niya.
"Wala ka naman sa lugar, e! Bakit hindi ang tatlong 'yan ang tanungin mo? Kapkapanmo sila! Mas madali 'yon, hindi ba?" Hindi ko inaasahang sisigawan niya ako. Naalala ko nung tinawag ko siyang 'Edoy' 'yon ang unang malakas na sigaw niya sa akin. Pakiramdam ko may mali na naman akong nagawa... nasaktan ko na naman siya.
Napapikit ako. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang nagbabadya nang kumawala... "Bakit? Gano'n ba ang ginawa mo dati? Ha? Mas madali pala ang paraan na 'yon e, e 'di sana gano'n ang ginawa mo para wala tayo sa sitwasyong ito!" Iniwas niya ang mga mata niya sa akin na para bang ayaw niyang nakikita ako. "Huwag kang mag-alala, ibabalik ko ang lahat sa dati."
Naglakad siya papunta sa mapayat na lalaki at inilahad niya ang kamay niya. "Akin na, babayaran ko na lang." Inilabas ng mapayat na lalaking 'yon ang mp3 player sa bulsa niya. Hindi ko na napigilang mapaiyak. How I missed this guy so much... Only heaven knows.
Unti-unti na sila naglakad palayo sa akin. Ganito pala kasakit ang maiwan sa ere. I know what he really feels when I left him...
"What are you doing here? Ha? Why are you here? I'm asking you." It's him again, looking so madly strange. "Tatakas ka no?"
"H-hindi." I was obviously lying. I know he knows it.
"You can't fool me, Janica. Where are you going? To your father? To Aedrian?"
I heard his name again and now I realized that now, I don't have Aedrian anymore... Who's beside me now is him. "Why are you always putting his name between our conversation? Aren't you satisfied that I am here beside you, knowing that I choose to leave him for you? Because I know I can't go against you. I gave you all of me, ano pa ba ang gusto mo? Ano pa bang gusto mong gawin ko para pagkatiwalaan mo ako?"
"Do whatever I asked you to do. Go to your father and give him these, I know he's finding you and he's starving."
"You're not coming with me?" I asked for assurance.
"I'm not. Basta bumalik ka sa 'kin kung ayaw mong habangbuhay mamatay."
I tried to smile at him but I doubt it. What's with him? Akala ko galit na naman siya pero bakit biglang nagbago ang ugali niya? Hindi ko na siya inusisa pa at naglakad na ako papunta sa kung saan. Hindi ko nga pala alam kung saan daan papunta sa amin. But all I did is to walk far away from that insane guy. Hindi ko inakalang maiisahan ko siya. Hindi na ako babalik sa kaniya, ngayong nagkaroon na ako ng pagkakataong makalaya. Bakit pa ako babalik sa impyernong 'yon? Kapag nahanap ko na si papa, aalis na kami. Magpapakalayo-layo. Ayoko nang ma-involve pa sa gulong ito. Ayoko nang makisama pa sa isang demonyo dahil sa tuwing nakikita ko siya, parang nasusunog na rin ang kaluluwa ko dahil pinili kong sumama sa kaniya.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top