Chapter 51: In Front of Him
"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang hawak-hawak ang braso ko at pinipigilan ako sa pag-alis. "Uuwi, malamang."
"You're not going anywhere. You'll stay here with me."
"Then what about my father?"
"He's not your father." Natahimik ako. Yeah, he's right, but I can't help to think about my father since he was the one who takes care of me.
"I don't care, he's alone and I should be there beside him."
"Do you think I would just let you go? Who knows if that is your scapegoat and you are just trying to go to Aedrian?"
Damn it. It's just his name but my system suddenly stopped. It weakens me and I know any minute now I might cry because of the guilt bugging inside me but I need to control myself. I couldn't just show L that I am affected. How can he trust me? How would I know everything?
"If you don't trust me, then don't. I will still go to my father."
"I said he's not your father!" He shouted. He's now pissed off. "You can't fool me, Janica! If you stepped out of this room, you'll surely pay for the price! I will kill your father!" Napatulala na lang ako sa itsura niya. Titig na titig siya sa mga mata ko. Pinapakita niyang galit siya at ayaw na ayaw niyang sinusuway siya.
"But why would you do that? Why don't you just kill me instead?"
He grinned and pulled my hair. He leans closer to my ear and makes sure that I will hear every word he will say, "Soon babe, but I'll make sure that I will kill you in front of him."
That doesn't matter, my life isn't important after all since it was all messed up. What I don't want to happen is to see him die. I still have something to say, words that I can't say for now because our situation doesn't like before.
Ibinalibag niya ako sa kama. Napapikit ako nang mauntog ang ulo ko sa headboard. Agad siyang umakyat sa kama at nilapitan ako. Hindi ko mapigilang maawa sa sarili ko. Gusto ko mang sumigaw ay wala rin itong magagawa para pigilan siya. Wala rin namang makakarinig sa 'kin dahil kung meron sana kanina pa nandito ang pamilya niya ngunit isa rin siguro sila sa mga taong nagbibingibingihan o kaya nama'y walang ginagawa para itama ang alam nilang mali.
"Pera lang naman ang gusto ng tatay mo, hindi ikaw. Babayaran ko siya kapalit ng buhay mo at ng buhay niya na kayang-kaya kong kunin sa oras na nawala ka sa paningin ko. Naiintindihan mo?"
Aedrian, kung malalaman mo kaya ang bagay na 'to, gugustuhin mo pa rin bang maging kaibigan ko?
***
Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwartong kinalalagyan ko. Hinang-hina man ay kinaya ko pa ring tumayo at pagbuksan kung sino man ang kumakatok kanina pa. Sumalubong sa akin ang mukha ng isang ina.
"Kumusta hija? Hindi ka ba nagugutom? Dinalhan kita ng pagkain." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko mapigilang mapangiti, siguro kung buhay pa si mama, hindi ako malalagay sa ganitong sitwasyon.
"Malapit na rin kasing masira ang lugaw na 'to. Sayang naman kaya ikaw na ang kumain." Agad niyang ibinigay sa akin ang babasaging mangkok. Napaatras ako nang matamaan niya nang malakas ang dibdib ko. Medyo natapon pa nga.
"Pagkatapos mo, hanapin mo 'yung anak kong babae. Hindi ko na naman mahagilap at baka saan na naman sumuot. Dalian mo d'yan baka may mangyari do'ng masama birthday pa naman no'n, ikaw ang sisisihin ko kapag hindi mo 'yon nahanap." Bumaba na siya at naiwan naman ako rito sa taas. Kung narito lang talaga si mama wala ako sa kalagayang ito.
Tiningnan ko ang loob ng mangkok na hawak ko. Nagulat ako sa masansang na amoy na sumalubong sa akin. Isang patay na daga ang nasa ibabaw ng lugaw. Masuka-suka kong itinapon ang mangkok sa basurahan. Agad akong tumakbo palabas ng bahay. Hindi ko man alam kung anong lugar 'to ang mahalaga na lang sa 'kin ay makalayo ako sa bahay na 'yon.
Napahinto ako nang may makita akong grupo ng tao na mukhang may pinagkukumpulan sa gitna. Dahil sa kuryusidad, lumapit ako roon at kumunot ang mga mata ko nang makita ko ang isang babae na pamilyar sa akin ang mukha.
"Anong kaguluhan 'to?" Tanong ko. Nagsilingunan naman sila sa akin dahil nakuha ko ang atensyon nila. Maging ang babaeng pinagkakaguluhan nila ay tumingin sa akin. Doon ko lang naalala kung sino siya. Siya 'yung may birthday ngayon.
Nilapitan ko siya. "Hinahanap ka ng mama mo, umuwi na tayo."
Umiling siya at tumingin sa tatlong lalaking nasa harap niya. Tila ba may sinasabi ang mga mata nito. Nilapitan ko siya at tinanong, "Anong nangyari? Inaaway ka ba ng mga ito? Sinaktan ka ba nila? May nawala ba sa 'yo?"
Alam ko dapat sa mga oras na ito ay tumatakbo na ako palayo pero hindi ko mapigilang tulungan ang babaeng ito. Lalo na't mukhang inaapi siya ng mga tao rito. Sa itsura niya mukha siyang mahina at walang kalaban-laban. Kumbaga inosente, malayong-malayo sa ugali ng pamilya niya. Hindi ko alam kung mas maaawa ba ako sa kaniya. Kung alam niya ang mga ginagawa ng kuya, magsisisi akong nabuhay ako bilang isang kapatid ng masamang tao.
May pag-aalinlangan siyang tumango. Tumingin siya sa tatlong lalaki na nasa harap niya. "Anong kinuha sa 'yo?" Dahan-dahan niyang ipinakita ang earphone na hawak niya.
"Cellphone?" Umiling siya. "Eh ano pala?" Mas ipinakita niya ang earphone niya sa akin. Kumunot ang noo ko. "Earphone?" Umiling ulit siya.
"Ano bang nawala sa 'yo? Ba't di mo sabihin kung ano?" Napayuko siya. Bakit ba kasi hindi niya na lang sabihin para naaayos na nang mabilis. Napansin ko ang paghawak niya nang mahigpit sa earphone niya. "Mp3 player ba?"
Agad niyang inangat ang ulo niya at tumango sa 'kin. "Sino sa kanila ang kumuha ng mp3 player mo? Ito ba?"
"Teka nga, sino ka ba miss? Huwag kang makisali rito. Kaano-ano mo ba 'yan at nangingialam ka?"
"Bakit? Ikaw ba ang kumuha?" Nginisian ko ang mapayat na lalaking ito.
"Paano ka naman nakakasiguro? May ebidensya ka ba? Paano mo nalaman? Eh siya nga hindi masabi kung sino sa amin ang kumuha!"
"So isa nga sa inyo ang kumuha. Nakakasiguro akong ikaw 'yon. Sa ayos ng itsura mo at sa pananalita mo halatang ikaw ang magnanakaw rito. Ebidensya ba kamo? Mukha mo palang ebidensya na."
Akmang susuntukin niya ako nang hindi niya malabas ang kamay niya sa bulsa niya. Now I know where it is. Ang kailangan ko na lang gawin ay siguraduhing nandoon nga iyon sa bulsa niya at siya talaga ang kumuha. I don't want to make a mistake twice, if you know what I mean.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top