Chapter 5: Steal One's Thunder
"Hey, tell me, you're a detective, aren't you?"
Natulili ako sa tanong niya. "Why are you always putting up that question? As I've said, I'm not."
"But you can be! I know you can!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Of course you know, you can deduce me, right?" Sarkastikong sagot ko tsaka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko. Nagulat siya sa biglang pagkulog ng kalangitan. Ako nama'y napatigil lang sa pagkain. Umihip ang malakas na hangin kasabay nun ay ang agad na pagkidlat at pagkulog muli. Nagsi-iritan ang mga babae at dali-dali silang tumakbo palabas sa canteen.
"Sabi ko na eh, uulan ngayon." She said while wearing those smiles as if she's a fortune teller now. I just shook my head and head back to our classroom.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok nang makarinig ako ng sigaw. Hindi na dahil sa takot sa kulog kundi galit dahil may nawawala sa kaniya. "Ano? Nasaan na 'yon? Nasa bag ko lang 'yun, bakit wala?"
Teka, natatandaan ko kung sino siya, siya 'yung laging bumabati sa 'kin.
"Hoy Marco! Saan mo dinala ang cellphone ko? Bakit mo kinuha sa bag ko?"
"Hoy ka rin Lyca! Bakit ako ang pinagbibintangan mo? Aanhin ko 'yung cellphone mo? Iphone kaya 'tong cellphone ko, Samsung lang 'yung sa 'yo no!" Unti-unti nang nagkukumpulan ang mga kaklase ko at pinalilibutan sila.
"Akin na kasi Marco! Akala naman nakikipagbiruan pa ako! Ikaw lang naman ang hari ng mga trip dito at bully eh! Akin na kasi! Kagabi ko lang binili 'yon tas kukuhanin mo kaagad! Akin na dali! Bago kita i-report sa Guidance!"
"Anong i-rereport? Eh hindi ko naman kinukuha 'yang cellphone mo!"
"Eh ikaw lang naman nga ang katabi ko! Sino pa bang pagbibintangan ko? Isa! Akin na kasi!"
Napansin kong may nag-tetake na ng pictures and videos sa nangyayari. Tsk. Tsk. Maybe, the real thief's motive is to destroy Lyca's reputation. Gagawa siya ng ikaiinis ni Lyca tapos kukuhanan ng video then ipakakalat sa buong campus para masira na ang pangalan nito. Kung 'yun nga ang motibo, sino ang nasa likod ng pagnanakaw?
"What do you think about this one?" Narinig ko na naman ang boses ng seatmate ko. Basta-basta na lang siyang nagsasalita nang hindi sigurado ng kausap niya kung siya ba talaga ang kausap. "Sino kaya sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Sino sa kanila ang tinatago ang katotohanan? Want to find out?" I grinned hearing those questions from her. She's really a mystery enthusiast. The one who wants to know what's the reality behind.
"Ano ba guys? Sino ba talaga ang kumuha ng cellphone ni Angelica? Kung hindi si Marco, umamin na talaga ang kumuha! Ibalik niyo na sa kaniya! Mamaya, maabutan pa tayo ni Prof. Tobias dito! Lagot na naman ako do'n!" A girl with a short hair and bangs says loudly. She's also wearing an eyeglass with a pair of thick lenses.
"She's Betty Sandoval, our classroom president." Pagpapakilala sa 'kin ng seatmate ko. "Hindi naman maikakailang matalino siya, 'di ba nga siya ang president namin este natin. Kaso medyo may pagka-attitude lang din minsan. Maarte, saliwa sa physical appearance niya na akala mo nerd. Sabihin na nating brainy nerd with poor attitude." Pagpapakilala pa niya.
"Hindi Betty! Alam kong si Marco ang kumuha! Siya lang ang katabi ko! Siya lang ang posibleng kumuha nun!" Pagpipilit niya.
"Anong ako? May ebidensya ka bang ako ha? Nakita mo bang kinuha ko ang cellphone mo sa bag mo?"
"Oo meron! 'Yang mukha mo! Mukha mo palang, ebidensya na! Mukha kang magnanakaw!"
"Aba sumosobra ka na ah!" Ambang susuntukin ni Marco si Lyca nang may pumigil sa kaniya.
"Huwag pare! Babae 'yan, huwag mong patulan." Wika nito.
"He's Paul Rosales, ang escort ng section natin. Wala naman akong alam na bad attitude niya. Tahimik siya, masipag mag-aral at minsan 'pag may gulong nangyayari dito sa room isa siya sa mga pumipigil. Ang weird nga lang sa kaniya ay 'yung pagsusuot niya ng magkaibang medyas." Tiningnan ko ang tinutukoy ng seatmate ko. Totoo nga, he's wearing a two different socks; Ang isa ay puti at ang sa kanan ay itim.
"Akin na kasi! Kung hindi ikaw ang kumuha Marco, sino? Bwisit naman! Wala ba siyang magawa sa buhay? O kaya naman wala ba siyang cellphone? Dapat sinabi niya sa 'kin para binigyan ko siya ng pera! Ang cheap cheap ng style ha!"
"Ano? Tatahimik na lang ba tayo rito? Hindi ba natin lulutasin ang kasong 'to?" Tanong na naman ng seatmate ko sa 'kin. Nilingon ko siya tsaka ako nagdere-deretso sa likod at umupo. "Sayang naman 'yung pag-eeffort kong i-describe ang mga 'yon." Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pag-iisip ko.
"Bahala ka nga d'yan! Kung ayaw mo, ako ang lulutas sa kasong 'to! Lyca! Alam ko na kung sino ang kumuha ng cellphone mo!" Napatingin ako sa kaniya, ganun din ang mga kaklase ko. Really? That's her way to enter the show?
"Ano? Nica? Alam mo na kung sino ang kumuha?"
"Oo pero bago ko sabihin kung sino, ipapaliwanag ko muna kung paano at anong oras niya kinuha ang cellphone mo."
"Talaga Nica? Siguraduhin mo lang na alam mo ang sasabihin mo. May kaso sa salang pambibintang, tandaan mo." Narinig ko ang pagbabanta ni Betty sa seatmate ko.
"May kaso rin sa pagtatago ng katotohanan, Betty. Alas dose ng tanghali nang i-dismiss tayo para sa lunchbreak natin. Unti-unti na tayong nagsi-alisan para bumaba at kumain sa canteen. Samantalang ang isa sa inyo or should I say, ang magnanakaw na 'yon ay sinadyang magpa-iwan." Panimula niya.
"Nang lunch break, nasa canteen ako kasama ang barkada ko." Paglilinis ni Marco ng kaniyang pangalan.
"Around to 12:05 to 12:10, posibleng nangyari ang pagkuha niya ng cellphone sa bag ni Lyca. Pagkatapos ay pumunta siya sa canteen; sa mga barkada niya at nagkunwaring nag-cr lang."
"Sinasabi mo bang si Marco talaga ang kumuha ng cellphone na 'yon?" Rinig kong tanong ni Paul.
"Hindi, dahil lahat kayo ay kayang magawa 'yon."
"Isa sa amin? Sigurado ka bang kasali kami d'yan? Sinasabi ko sa 'yo, 'wag kang mambibintang." Tumayo na ako nang makaisip ako ng paraan para malaman kung sino ang tunay na kumuha ng cellphone ni Lyca.
"Lyca, tell me again why do you think Marco would take your phone?" I asked suddenly na ikinagulat niya.
"Dahil bukod sa bintana, wala na akong katabi kundi si Marco lang na nasa kanan ko." Mahinang sagot niya na kababakasan pa rin ng pambibintang na tono.
Natawa ako. "Do you consider Paul and Betty as one of your seatmates? Bukod kay Marco, their seats are next to you too." Paliwanag ko. Natahimik ang lahat at kapwa napatingin sa dalawang taong nabanggit ko. Kailangan kong ibaling sa iba ang sisi para hindi ma-pressure masyado ang salarin.
Pero posible talagang si Marco ang kumuha ng cellphone ni Lyca. Ang sabi ni Lyca kabibili lang niya ng cellphone kagabi ngunit bakit alam na kaagad ni Marco kung anong brand nito? Bukod sa prohibited ang paggamit ng phone during classes, sa lunch break lang ito pwedeng magamit. May iba pa kayang dahilan kung bakit kilala kaagad ni Marco ang bagong biling cellphone ni Lyca?
"Tama. Hindi niyo ba man lang naisip na pati kayo katabi rin niya sa upuan? Mula kay Paul Rosales na nakaupo sa unahan ni Angelica Ruiz, si Marco Sanceda na katabi niya sa kaniyang kanan at si Betty Sandoval na nasa likod niya. The four of you are her seatmates." Dugtong ng seatmate ko—err—should I keep on calling her my seatmate?
"Kung gano'n, sino sa amin? Sino sa aming tatlo ang totoong kumuha ng cellphone ni Lyca?"
"Oo nga sino sa amin ang may motibo?"
Kinuha ko ang cellphone ko. This is the only thing to figure out who steal Lyca's phone.
"Pwede mo bang ibigay sa 'kin ang number mo?" Tanong ko kay Lyca habang inaabot ko ang cellphone ko.
Probably, the culprit is holding it or maybe hiding it in his pocket. Once I dialed the number, the phone will ring or if it didn't I will notice someone suspicious.
Nagulat ang lahat nang biglang tumunog ang kulong na ring mula sa bulsa ng isang tao. Kasabay no'n ang malakas na tawa ng isang magaling na artista. Kinuha niya 'yon at pinakita sa akin. "I got your phone number, Aedrian!"
Holy cheese! Bakit hindi ko 'yun naisip? Pero teka... Bakit iba?
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top