Chapter 49: Beware

NICA

I smiled and show him the two books I took out of the shelf. This will be my last chance. If he will choose this one, I will stay by his side but if he choose the other one, I guess, I really need to go.

"Hindi mo naman siguro gustong malaman niya ang sikreto mo. You have to choose between us, sasama ka sa akin o mamamatay siya."

"Aedrian, what do you think? Romance or Mystery?" I asked. His eyes narrowed and suddenly pointed to the black book I am holding. I smiled and put the red book back on the shelf.

"Wait, may kukunin lang ako." Tumango ako. Habang hinihintay siyang bumalik, sinuri ko muna ang librong hawak ko.

"Beware, L is there."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko 'yon. Hindi ko magawang lumingon sa tabi ko dahil alam kong papalapit sa akin ang presensyang kinatatakutan ko.

"You have fifteen minutes left to decide, Nica. He also has fifteen minutes left." Nangilabot ako sa mga banta niya. Hinanap ng mga mata ko si Aedrian ngunit hindi ko siya makita.

"You have to choose between me and him. Siguro naman alam mong hindi kita iniiwan kahit alam ko ang sikreto mo, eh siya ba? Sa tingin mo ba hindi magbabago ang tingin niya sa 'yo?"

"Wala ka nang pakialam do'n! Bakit hindi mo ba ako tinitigilan? I can tell him your identity, so stop bothering me!"

Ngumisi siya. "Really? Then, bakit hindi mo ginagawa? Because you also think that is nonsense."
"Ano ba talagang gusto mo? Bakit gusto mo akong sumama sa 'yo?" Inis kong tanong. Gusto ko mang sumigaw ngunit mas makabubuting huwag na akong gumawa ng eksena dahil mas lalong lalaki ang gulo.

"Because without you, he'll be miserable. And I can use you against him. It's a win-win situation, Janica. You'll come with me and your secret will never be exposed. Hindi niya malalaman na ikaw mismo ang nagpapatay sa tatay mo."

Napakagat ako sa labi ko habang naaalala pa ang malaking katangahan kong desisyon. Dapat hindi na ako nakipagkasundo sa kaniya. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangang patayin ng tunay kong ama ang ina ko.

"So what's your answer? You're going with me or you'll stay and watch him die."

"Okay ka lang?" Napatingin ako sa taong humawak sa balikat ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. At tuwing nakikita ko ang mga matang iyon, nanliliit ako sa sarili ko. Nandidiri ako. Ang tanga ko para lokohin siya. Ang tanga ko na hanggang ngayon nagsisinungaling pa rin ako. "O-oo naman."

"Sigurado ka?" Tumango ako. Napansin ko ang hawak niya. "Oh whiteboard and marker? Project ba natin 'yan?" Umiling siya at binayaran na iyon sa cashier.

"399 pesos po Ma'am." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Hala, ang mahal naman, kulang yata ang laman ng wallet ko. Nakakahiya naman kung ibabalik ko pa eh humawa na 'yung pawis sa cover dahil kanina. Tumingin ako kay Aedrian tsaka ngumiti. "Hahaha nakalimutan ko, ikaw nga pala ang pumili niyan so ikaw ang magbabayad."

Nakita kong kumunot ang noo niya pero wala naman siyang nagawa kundi magbayad na lang. "Salamat." Sabi ko.

"Uuwi na tayo?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Nakatungo lang ako habang yakap-yakap ang libro. Tinitingnan ang relo. Malapit na. "Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo, kumain muna tayo? Libre ko."

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. Gusto ko sana Aedrian, gusto ko pa sanang makasama ka kaso mali na 'to. Maling nasa tabi mo pa ako gayong niloloko kita. Sa tuwing nakikita ko ang mukha mo, nakukunsensya ako... nasasaktan ako, lalo na kapag nakikita kitang tumatawa. Ang sikip sa dibdib. Ayoko na.

"Aedrian, are you a detective?"

I will never forget our first conversation. It's weird but it has a lot of meanings. Una palang may nakita na ako sa 'yong kakaiba so I got so interested with you. No one had ever tried to sit beside me since I am creepy just how you believed I was but there you are, talk to me, befriend with me. Since then, I can't help myself but cling to you. I want to be beside you. I want to eat in front of you. I want to be behind your back to see you solving cases. But now I have to leave for you to go on. You don't need me, a traitor. This is my choice and fate as well. I have to go and leave you.

"I believe the ones who care for the truth and wants to reveal it are so-called trying hard detectives and the one who knows the truth and reveals it are the real ones. I'll be the real one, sooner, Nica." He smiled. I was about to hug him when I saw someone behind him.

The lights all went out. I can't breathe. Someone covered my mouth with a handkerchief and now... I feel so dizzy.

"Nica? Nica? Nasa'n ka?"

Gusto ko mang sumigaw pero wala akong lakas at pakiramdam ko nilalayo ako sa kaniya. Patawad, Aedrian. Sana mapatawad mo ako sa pag-iwan ko sa 'yo, pero ito ang mas nararapat. Ito ang sa tingin kong tama. Iiwan na kita at sasama ako sa iba. Pero huwag na huwag mong kakalimutan na hinding-hindi ka na mawawala sa isip ko... Aedrian...

Tuluyan na akong nanghina at nawalan ng malay.

Nagising ako dahil sa mga yabag ng paa na papalapit sa akin. Madilim. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga ngunit hindi ko pa kaya dahil nanghihina pa ang katawan ko. Napapikit ako nang sandaling makaramdam ng hilo.

Naalala ko na, may nagtakip sa akin ng panyo. Hindi ko alam kung anong amoy 'yon, pero alam kong 'yon ang dahilan kung bakit hinang-hina ako. Maybe, one of the popular knock-out drugs specifically chloroform.

"Yeah, you're right. It's chloroform." Napalingon ako sa naaninag kong malaking tao sa harap ko. Kaya pala nahihilo ako, nasusuka at kumikirot ang ulo, lintek na chloroform. How lucky I am na hindi ako natuluyan, because I know increases of that substance can lead to death.

"Sino ka? Magpakita ka."

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top