Chapter 48: Back Stabbed
"Leila!" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya ni hindi ko nga alam kung tama ba ako ng pangalang itinawag sa kaniya ngunit lumingon siya... kaya lang agad siyang tumakbo papalayo. Hinabol ko siya sa hindi malamang dahilan. Hinarang ko ang bisikleta ko sa harap niya. Teka, parang nangyari na 'to.
Napatingin ako sa mga mata niya ngunit maging iyon ay iniwas niya sa akin. "May nagawa ba akong kasalanan sa iyo?" Tanong ko na animo'y kilalang-kilala ko siya. Mayroon ngang bumabalik sa alaala ko na kasama ko siya. Ibig sabihin, magkakilala nga kami.
Umiling siya tsaka niya ako nilampasan. "Bakit ka tumakbo? Tingnan mo, iniiwasan mo pa ako." Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang may gustong sabihin ngunit hindi niya masabi dahil hindi niya kaya.
"Leila! Sino 'yang kasama mo? Hindi ba't bilin ko sa 'yong huwag kang aalis ng bahay? Sinuway mo na naman ako!" Napalingon kaming pareho sa isang lalaking tumawag sa kaniya. Agad naman siyang lumapit dito.
Tumingin sa akin ang lalaking iyon at agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko. "Oh! Aedrian, ikaw pala! Balita ko nagpakamatay ka raw, totoo ba? Bakit buhay ka pa kung ganoon?" Nakangisi niyang pangangamusta sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko maalala ang mukha niya.
"Sorry, sino ka nga ulit? Hindi ko matandaan ang pangalan mo. Nagkakilala na ba tayo dati?" Tanong ko.
"Ang bilis mo namang makalimot, Aedrian. Ako si Robin, kapatid ni Leila." Pakilala niya.
"Talaga? Pambihirang pagkakataon, magkapareho kayo ng pangalan ng kuya ko." Nakangiti kong sabi habang tinitingnan ang buong mukha niya.
Tumawa siya. Tawang nakakapangilabot. "Oo naman, maaari mo rin naman akong ituring na kapatid tutal we're supposed to be brothers, right Leila?" Tumingin si Robin sa kaniyang kapatid habang suot ang kakaibang ngiti. Kitang-kita ko ang hindi mapalagay na mata ni Leila. Those eyes movements, I saw them before. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi dahil nga sa kapansanan niya.
"So paano? See you around na lang, utol." Paalam niya sa akin. Hinintay kong makalayo silang dalawa at saka ako sumakay sa bisikleta ko. Binaybay ang daan patungo sa bahay ko. Pakiramdam ko may mali rito.
Nagtaka naman ako kung bakit may isang lalaking nakatayo sa harap ng bahay ko. Nakatingin siya sa loob na para bang may hinihintay na lumabas mula doon. Sino naman kaya ang hinahanap niya?
"Excuse me? Sinong hinahanap mo?" Tanong ko nang makababa ako sa bisikleta ko. Lumingon siya sa 'kin at hindi ako mapalagay sa kalungkutan ng mga mata niya. Para bang puno ng awa, sakit at pagdurusa.
"Sino ka? Anong kailangan mo?" Sa ikalawang pagkakataon ay hindi pa rin siya sumagot sa tanong ko. Nainis ako kaya nilapitan ko siya ngunit magsasalita pa sana ako nang may narinig akong pamilyar na boses na tumatawag sa akin.
"Dude! Dito pala ang bahay mo? Ang ganda ah!" It's Baldo, my annoying classmate. Dahil sa kaniya hindi ko napansing nawala na pala ang lalaking nasa likod ko. Ano bang ginagawa ng isang ito rito?
"What are you doing here?" I asked.
Napakamot naman siya ng batok na para bang nahihiya sa sasabihan. "Naglayas kasi ako sa amin, baka pwede naman ako sa 'yong makitulog kahit isang gabi lang."
"Ayoko." Deretsong sagot ko. I know I am being harsh but hell, I can't trust anybody thinking of what situation I have now.
"Dude, I'm begging you. Just this once please."
"I said no." Binuksan ko na ang gate at ipinasok ang bisikleta ko. Isasarado ko na sana ang gate nang magsalita siya. "I'm in danger, man. I saw someone I think I shouldn't see."
Hindi ko alam kung anong desisyon ang gagawin ko. I can't trust this world anymore. No one stays by my side. They choose to leave me and now I am miserable and I don't want to be like this forever. I just want this whole thing to finish. I am so tired of these bullshits around me. It's suffocating me.
I noticed the crumpled paper he is holding. Huminga ako nang malalim. "Sinong nakita mo?"
"Pwede bang pumasok muna ako? As what I've told you, nasa panganib ang buhay ko. Ayokong mamatay sa harap ng bahay mo." Tama, kapag nasa panganib ang buhay nagiging makasarili ang isang tao. Nasa panganib ba ang buhay ni Nica noon kaya naging makasarili siya at mas pinili niya akong iwan? Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko. Parang hindi niya ako tinuring na totoong kaibigan.
"Just one condition." Akmang pagbubuksan ko na siya nang magsalita pa ako. "You will tell me everything you know when I asked you. And to be clear, I am not helping you nor saving you from death because death is inevitable for the one who committed a sin. It's just a matter of time when you will be dying, the greater the sin the near is your death. So... how come you were so afraid of death when you're mistake is just you saw him?"
Shit. Ngayon ko lang napagtanto. He saw him so there's a probability he did something unlawful. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at hinila ko siya papasok sa bahay ko. Kung meron man 'tong ginawang kagaguhan tiyak madadamay ako kasi tinatago ko siya. Holy cheese, I am really going nuts. Hindi ko iniisip ang mga ginagawa ko. Basta na lang ako sumusuot sa butas ng karayom. Napabuga ako. Agad kong ibinaba ang bag ko atsaka humarap sa kaniya.
"What did you do?" Tanong ko sa kaniya nang deretso. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa, ibang-iba sa itsura niya noong nakausap ko siya sa school. Nanginginig ang kamay niya. Hindi ko alam na makakakita ako ng lalaking dahil sa takot, lumuluha.
"Hindi ko alam kung bakit ako napasok sa gulong ito. Hindi ko alam na hindi ko pala dapat makita ang mukha niya dahil wala akong magagawa kundi sumunod sa utos niya. I-I saw this man yesterday since I don't know that he is a criminal, I just ignored him. Pumunta ako sa com shop just what I usually do every afternoon. Napasarap ako kaya gabi na ako nakalabas pero pagkalabas ko may humila kaagad sa akin. Kung hindi ko raw susundin ang boss nila, mamamatay ang pamilya ko."
Mas nalukot ang papel na hawak niya dahil sa malakas na pagkakakuyom niya rito. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa banta nila. At kaninang umaga lang pagkauwi ko, I saw our house burning. Nandoon ang pamilya ko... dahil sa 'yo kaya wala na sila."
"What do you mean?" tanong ko habang sinasalin ang tubig sa baso mula sa pitsel na galing sa ref. Ramdam ko ang paglapit niya sa 'kin pati ang pagtutok niya ng kutsilyo sa likod ko. I just smirked, I know this would happen but still it was too late for me to realize what he means. Sigurado akong inutusan siya ni L na patayin ako. Sigurado akong si L ang sinasabi niyang nakita niya. Si L ang nasa likod nito.
"Nagtaka ako kung bakit pinaglalaruan ni Nica ang bisikleta mo lalo pa noong niyakap ka niya mula sa likod habang papauwi kayo. Alam mo kung anong naramdaman ko? Selos at galit." May diing sabi niya. "Kahapon ding 'yon nang makita ko siyang kasama ang nakatakas na kriminal na 'yon. Doon na nagsimula ang lahat. At para matapos na ito, gamit ang kamay ko, papatayin kita."
Napapikit ako nang maramdaman ang unti-unting pagbaon ng kutsilyo sa likod ko. How many times do I have to experience death? Marami ba akong naging kasalanan noon kaya nangyayari ito sa akin o dahil isa talagang malaking kasalanan na nabuhay ako sa mundong ito?
"I am still glad you didn't kill me yesterday, B-Bryce. I am thankful."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top