Chapter 47: Full of Traitors

Halata ang pagtataka sa mukha ni Leo siguro'y hindi niya inaasahan na babanggitin ko ang pangalan ni L. Sandali siyang napatigil ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang paglalatag ng mga pagkaing binili niya sa lamesa. If someone saw us here, he will probably think we're doing something ridiculous. Imagine, we're on the police station and we're starting a camp.

Muli ay natawa ako. "I still don't understand. Nakulong si L when I was in the hospital at ngayong nakalabas na ako tsaka naman siya nakatakas. Is this some kind of a joke? Bakit naman siya makakatakaa sa mga kamay niyo? Teka, nakalimutan ko, kaya nga pala ako narito kasi hindi niyo siya kaya. Isipin mo, may binaril na dalawang tao sa visiting room at kahit isang tao walang nakapansin? No, even if his gun has a silencer, may mga camera sa bawat premises dito at alam kong may nagbabantay no'n. So tell me now, how did that happen?"

Pinapanatili kong kalmado ang sarili ko dahil gusto kong mapunta sa maayos ang usapang ito kahit pa sabihing sobrang sasabog na sa galit ang loob ko dahil sa mga nabubuong ideya sa isip ko. Bakit ba puno ng sikreto ang mundo? Hindi ko kayang lutasin ang mga misteryo lalo't mag-isa lang ako.

"It is really a long story, Aedrian. Una sa lahat, pinoprotektahan kita dahil ayoko nang madamay ka rito. Napalapit ka na sa 'kin, kahit na minsan hindi mo ako ginagalang, masaya pa rin ako kasi para na kitang kapatid... Ayokong makita kang miserable. Hindi ko gusto 'yung pagtatangka mo sa buhay mo kaya natatakot na ako na baka ulitin mo 'yon. Muntikan ka nang maging kagaya niya. Alam mo ba, doon palang panalo na si L dahil alam na niyang mahina ka... duwag ka."

Napangisi ako. "Pinatay niya ang mga magulang ko, ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Akala mo ba ganoon lang kadali 'yon? Hindi pa siya nakuntento kay papa at isinunod niya si mama. Wala siyang awa!" Hindi ko napigilang inumin ang beer na nasa harap ko. "Tapos si Nica kinuha niya. Wala na siyang tinira sa 'kin! Pati 'yung nag-iisa kong kaibigan... ikaw? Kapag kinuha ka ba niya, sasama ka sa kaniya ha? Tatraydurin mo rin ba ako, katulad ng ginawa ni Nica?" Muli akong lumagok ng beer, mali, dahil inubos ko na iyon lahat nang isang inuman. Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong maging manhid kahit saglit lang. Gusto ko ulit makalimot.

"She didn't betrayed you instead she betrayed the enemy. Isinakripisyo niya ang pagkakaibigan niyo para mapalapit kay L, para makuha ang lahat ng mga ebidensya na makapagtuturo sa salarin." He explained but I just growled and drink another beer.

"How will you know what's inside her heart when you're not even inside of it? How will you know what's running on her mind when you're not in her track? She betrayed me, that's it. And I know, for sure, she's still betraying me because once a betrayer, always a betrayer. Niloko niya na akong minsan, na sarili niyang kaibigan, kayang-kaya niya ulit akong lokohin at mukhang magpapaloko na naman ako."

But I still hope, she never betrayed me.

"You love her, do you?" I just looked at him don't know how to answer his question. "You still trust her, do you?" I just drink my beer. Tila ba hindi ito ang unang beses kong uminom nito. Hindi alintana sa akin ang matapang at mapait na lasa dahil mas umuugong at napapangunahan ako ng mga magugulong tanong sa isip ko.

Mahabang katahimikan ang umiral sa aming dalawa. Wala naman akong masabing sagot sa kaniya dahil una sa lahat hindi ko alam... wala akong alam sa sinasabi niya. How will I know if I love someone if I don't have any experience about it?

"Aedrian, I still have something to tell you." Napatingin ako sa kaniya. "Siguro'y nagtataka ka kung bakit nakatakas si L nang ganoon kadali."

"Absolutely. I've been wondering why the hell he escaped from all of you unless it was all planned."

"It is." Napahinto ako sa paglagok ng beer.

"Huwag kang basta-basta magtitiwala sa mga pulis, nakita na namin ang mukha ni L noong nahuli siya. Ibig sabihin..."

Natawa ako. "Ibig sabihin binabalaan mo na ako dahil baka traydurin mo ako. I see, thank you for your warning." Muli ay uminom ako ng beer.

"You missed the point, Aedrian. We saw his face, we have no choice but to follow his order dahil kung hindi mapapahamak ang pamilya namin. Kasama na kami sa plano."

"I cam clearly understand what you are talking about."

"No, Aedrian. Hear me out. We can use this to lure him out. Malalaman namin ng buo ang plano and then, we'll use it against him," he explained. I remain silent.

"Nasa sa 'yo kung pagkakatiwalaan mo ako because just what I said before, you can trust me. Hinding-hindi kita tatalikuran o tatraydurin man." He said while looking directly into my gaze. I don't think if I can still trust anybody. Trust is a big word. At ngayon alam ko na ang dahilan ng saglit na pagkakakulong ni L.

Inubos ko na ang natitirang beer na hawak ko at saka ako tumayo. "Nice, nice, hahaha I-I a-am going home now. See you never." Paalam ko at kinuha ko na ang bag ko tsaka nagsimulang maglakad.

"You can sleep here. Mukhang hindi mo na kayang maglakad." Tumayo siya at lumapit sa akin ngunit lumayo ako. "No, I am no longer comfortable here. This place is sucks, full of traitors."

"Yan ang unang beses na hindi ko nagustuhan ang sinabi mo. Tandaan mong minsan ding nanirahan ang kinilala mong ama sa lugar na 'to kaya magdahan-dahan ka sa sinasabi mo. Matulog ka na rito dahil delikado na sa labas. May isang kwarto doon sa sulok at ito ang susi, kung hindi mo ako pinagkakatiwalaan maaari mong i-lock ang pinto." Inihagis niya sa akin ang susi at saka siya lumabas sa office niya samantalang ako ay naiwang mag-isa.

Nagising ako pasado alas otso na ng umaga. Medyo masakit ang ulo at katawan ko siguro'y sa dami ng nainom ko kagabi. Pakiramdam ko pa nga nahihilo ako pero alam kong mamaya mawawala na rin ito. Nadatnan kong nakahiga si Leo sa sofa. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya tsaka ako lumabas ng pulisya. Kinuha ko ang bisikleta ko mula sa patrol car na nakaparada sa labas tsaka ko ito pinatakbo papunta sa bahay ko.

Napakunot ang noo ko nang may makita akong pamilyar na babae. "Leila!"

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top