Chapter 46: Coffee Party
Nakatingin lang ako kay Leo habang sariwa pa sa isip ko ang bumalik sa 'king alaala. She's that girl. She's my friend. And the reason why I forgot her because she made an unforgivable sin and that is she left me. Ang ayoko sa lahat ay 'yung iiwan na lang ako basta-basta. Nang walang pasabi.
Kaya sa una palang hindi na ako nakikipagkaibigan dahil alam kong iiwan at iiwan din ako. Pero siya, siya 'tong nagpumilit na maging kaibigan ako. Siya 'tong nangungulit. Siya 'tong nagsabi na ako palang ang unang naging seatmate niya sa buong buhay niya. How could I bare that? Of course I accepted her offer since she wanted to be friends with me and no one asked me that question before. I trusted her. I thought she will always be by my side since we're friends but still she chose that guy over me. She left me. Even now I remember all about what she did, I still don't know the reason why after all, just a second of thinking her... my chest is banging like kingkong.
"Hey, are you okay? Sige na Aedrian, kami na'ng bahala rito. Magpahinga ka na." Utos sa akin ni Leo pero hanggang sa huli pinanindigan ko pa rin ang sarili ko. "I can't. I still have to know the whole story I've missed." He stared at me as if he's asking me to fight him in a staring contest that he will surely wins but I am not born to lose, I wasn't moved. Sinigurado kong siya ang matatalo. And he gave up.
"Okay, I'll tell you tomorrow." He said accepting his defeat. "No, it's a coffee party tonight." I uttered. Hindi naman siya kaagad nakapagsalita dahil inilagay ko na ang bisikleta ko sa compartment ng patrol car na sigurado akong siya ang sakay kanina. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob at hinintay siya.
A few minutes passed when he entered his car. He started the engine and drive. I saw him looking frustrated so I started asking, making his brain burst for so many questions he needs to answer.
"So isang kriminal ang nakatakas? If I will be the culprit, I would rather go to my accomplice's place first because I know the police will go and find me in my family's. So how did you jump to that conclusion that the criminal will possibly go in his family's house?"
"Don't you think his family is also his accomplice? May posibilidad pa ring alam ng pamilya niya ang ginagawa niya kaya kami pumunta roon nagbabakasakaling may ebidensya kaming makalap."
"Is that so? You have a point." I said thinking about it.
"Look, don't underestimate us, Aedrian. You're not as intelligent as to how you think you are because some things are not made for you to understand. Some cases are not meant for you to solve. There are people you can defeat and there are people who can defeat you. Kung sa tingin mo nauunawaan at madali lang sa 'yo ang lahat, nagkakamali ka. Things aren't easy as you think they are. If you think they are just easy as one, two, three, you're getting it wrong."
Wait...
One, two, three?
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan.
Pagkabilang kong sampu nakatago na kayo.
Isa... Dalawa... Tatlo..."
"Maghiwalay tayo para hindi tayo makita ni kuya Robin."
"Tama ka, sige. Doon ako, ikaw sa kabila."
Natapos nang magbilang ang tayang lalaki kaya nag-umpisa na siyang maghanap. Papunta siya sa isang malaking kahon upang silipin ang kalaro nilang babaeng nagtatago roon nang ang katabing kahon ay gumalaw.
"Mukhang kilala ko kung sino ang nasa loob nito ah." Unti-unting binuksan ng lalaki ang kahon at tama siya ng hinala. "Huli ka!"
Nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Leo. "Aedrian, ayos ka lang ba? Kanina pa kita nakikitang ganiyan ang ekspresyon ng mukha. Ano bang nangyayari sa 'yo?"
"Wala, ayos lang ako. Huwag mo akong alalahanin." Sagot ko.
"Sige, sandali lang, bibili lang ako." Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng isang convenient store. "Dito ka muna at huwag na huwag kang lalabas." Bumaba na siya. Agad bumalik sa isip ko ang mga mukha ng bata na nakita ko sa alaala ko. I immediately opened my bag to see the record file I was bringing since morning.
I was lost in a moment when I saw myself in the picture. So I was the one stabbed by a knife and Kuya Robin... I closed my eyes. Kung ako 'yung nasaksak ng kutsilyo sa may kanang dibdib at si kuya ay sunog ang kalahating bahagi ng katawan, what am I doing here? Hindi ba dapat ako ang nasa kalagayan niya? Ako dapat ang patay ngayon, but why am I still alive?
"...H-huwag mong iisipin na isa kang malaking kasalanan kasi maluwag kang tinanggap ni Ricardo at mahal na mahal ka niya katulad ng kuya Robin mo. Ginawa niya ang lahat para mabuhay ka..."
Does it mean that way?
Kaya pala ganoon na lang ang naramdaman ko nang makita ko ang libingan ni kuya. Maybe I was right, his heart was in me. Kahit na hindi ako ang tunay na anak ni papa mas pinili niya akong mabuhay, pinili ako ng tadhanang mabuhay...
Napapikit ako nang makita ko muli ang mukha ng isang batang babae. Naroon siya sa alaala ko. Kalaro namin siya ni kuya. Hinanap ko ang litrato niya sa buong record file ngunit hindi ko siya nakita. Sino ang batang babaeng 'yon?
Napansin ko ang pagdating ni Leo kaya agad kong ibinalik sa bag ko ang file na hawak ko. Mas mabuti sigurong huwag ko munang ipaalam sa kaniya. May bitbit siyang isang malaking plastic bag at kung ano-ano ang mga laman. "Para saan 'yan?" tanong ko.
"Coffee party."
Natawa ako. Akala ko hindi niya seseryosohin ang paglalamay namin mamaya. I have so many things to ask and I know, he knows some of the answers.
"Matutuwa ang ama mo kasi sa wakas ngumiti ka na ulit," Nawala naman ang ngiti ko nang maalala ko si papa. Nagkaroon tuloy ng kaguluhan sa isip ko, sinong matutuwa? Si papa o 'yung tunay kong ama? Alam din kaya ni Leo ang tungkol doon?
Lumipas ang labinglimang minuto nang makarating kami sa pulisya. Pagka-upong pagka-upo ko pa lang sinimulan ko na agad ang tanong ko. "So why are you protecting me against the chaos earlier? Is it because it was about L?"
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top